Chapter 36

57 1 0
                                    

PRIME'S POV

One hour ago kinausap ako ng kapatid ni Samantha. Saktong pagkapasok nila Yumi at Sam sa loob ng bahay nasuntok agad ako ni Enzo. Wala man lang pasabi -____- Haha. Deserve ko naman to alam ko.

*pak*

'Ayan para sa Ate ko. Sa pagpapaiyak mo sa kanya!',sabi nya.

*pak*

'At eto para sa anak mo para sa hindi nya karapat-dapat na ama!'

Akmang susuntukin nya ko ulit kaso pinigalan ko na. Tama na ang dalawa. Nasampal na nga ako kanina eh. Tssk.

'Shit,ano? Hindi mo na kaya ha?? Weak shit!!',sigaw nya. Ang war freak naman nitong batang to. Trashtalker pa.

'Pwede ba magpaliwanag?',sabi ko. 'Hindi mo man lang ba papakinggan ang side---'

*pak* Takte sinuntok na naman ako. This time sinuntok ko na din sya.

'Teka nga Enzo. Putek.',sabi ko habang umiiwas sa suntok nya.

'Wala akong panahong makinig sayo.',sabi nya. 'Ang sakit mo manapak ah pero mas masakit pa din ung pinaramdam mo sa ate ko!!'

Nagsuntukan na kami. Lintek eh hindi madaan sa salita. Hindi ko naman sya masisisi. Pero magmumuka lang akong gago kung magpapabugbog ako sa kanya.

Hanggang sa napagod na kaming dalawa. Pareho kaming hinihingal. Nagkatinginan kama saka tumawa.

'HAHAHAHA'

'Asar. Tara nga mag-usap.',sabi ko ng may kasamang pag-akbay.

'Feeling close ka agad eh! Alis mo kamay mo. Nakakadiri. Tsk. Tara dun.',sabi naman ni Enzo.

Umupo na kami. Mga limang minuto ng katahimikan.

'Oh magpaliwanag ka na. Gusto ko mula simula.',sabi nya.

Kinuwento ko mula nung una kaming magkakilala hanggang dun sa nangyari kanina.

'Gago ka din ano?',sabi ni Enzo. 'Ang lakas din ng loob mo na yayain magpakasal si Ate. Kung hindi nya ko kapatid,kung ibang tao ganun? Di ko yun gugustuhing makasama habangbuhay!'

'HAHAHA eh gago ka din pala eh. Kanina pinagtatanggol mo tapos pinupulaan mo na.',sabi ko.

'Ako lang kasi ang may karapatang magpaiyak sa Ate ko.',sabi nya sabay smile. 'Pero hindi pa din kita pinatatawad ah.'

'Hmm,anong gagawin ko? Ang bobo ko. Pakshet.',sabi ko.

'Alam mo.. bagay naman kayo eh. Nagkataon nga lang na..wrong timing si pamangkin. Weakling pa yung tatay nya months ago eh. Pero malay mo,chance mo to. Last shot mo na to para mabawi ang Ate ko.'

'Alam kong..kakapalan na to ng mukha pero tulungan mo naman ako oh. Pangako,sa oras na paiyakin ko ulit ang ate mo patayin mo na ko pero hindi naman yun mangyayari kasi sa susunod na papaiyakin ko sya ay sa tears of joy na.',sabi ko.

'Sabi mo yan ah. Realtalk to dre.'

'Oo ba. Dre,gago ako pero hindi ako talkshit.',sagot ko.

'Ok,here's the deal. Alam ko naman na mahal ka pa din nung babaeng yun eh. Hindi ka naman nya susundan para marinig ang side mo kung hindi ka nya mahal eh. Bibigyan kitang one week,dapat ligawan mo ulit si Ate. Sa last day dapat pinakabonggang proposal ang matatanggap nya. Matagal na syang naghihintay sayo kaya naman sakto lang ang one week. Eto pa,tutulungan kita pero...',sabi nya.

'Pero ano???',pabitin naman tssk

'Pero tuturuan mo ko magluto.'

'Realtalk?',tanong ko.

'Hindi naman ako gago pre. Ano? Deal?'

'Deal!',sabi ko. Business-minded pati kapatid ni Samantha. -_____-

Tumambay muna kami ng ilang minuto saka bumalik na ulit sa loob.


YUMI'S POV

Umalis na sina Enzo at Ate Sam. Phew! Ang dami lang nangyari ngayong araw. Revelations kung revelations eh. What a small world. Haaaay. Paano nga kaya kung maging sister-in-law ko na si Ate Sam? Teka.teka..alam ba to ni Mama??? Hala,pataaaaay!!!!!

Bahala nga sila. Malaki na naman sila eh. Bakit ko ba yun poproblemahin? Pero ano kayangmagiging itsura ng baby nila? Siguradong cute yun!!!

Hmm..gabi na pero hindi pa din nagtetext si Kyle. Ni hindi man lang nya ko naalala. Hmmp. Ano ba naman yan. Bakit ba ko naiirita??! Magbabasa na lang nga ko. Ano ba tong mga libro ni Bilog? Yung una kong madadampot yun ung babasahin ko!

'At ang una kong nadampot ay..tat-tadada ay He's Just Not Into You. Ayy..',tinapon ko nga. Nakakaasar. No,it's not a sign. Wala pa nga kaming 3 months eh! Kukuha na lang ako ng ibang book. Hmm..wag na nga!! Magrereview na lang ako sa Physics!! May quiz nga pala.

Hmm..uniform motion,freefall.. freefall.. mabagal sa simula ang velocity saka bibilis. Parang love,magugulat ka na lang nahulog ka na pala. Huhuhu #HugotLord

Itetext ko na nga sya!! Wag na pala..

....

'Suarez. Suarez!!',pagmulat ko..

'Kyle??! Anong--?'

'Ako muna ang magsasalita. Makinig ka.',kahit sa panaginip maganda ang boses nya. ' Alam mo ung feeling na kapag nakuha mo na ang isang bagay na matagal mo ng gusto tapos kapag nasayo na,mawawalan ka na ng interes dito? Yun..yun ang nararamdaman ko ngayon para sayo. Kami na ni Quirino.'

'Ha??',at biglang lumabas si Quirino na nag-evil laugh. 'Anong nangyayari??? Kalokohan naman eh!!! Kalokohan! Imposible!!!'

'Huy baboy. Baboy. Baboy!!!!',napamulat ako. Irish??

'Oh? Mukang tanga to. Alis dyan sa kama ko. Dyan ka pa natulog ha. Hahawaan mo pa ko ng pagiging baboy mo. Shoo!'

Tumayo ako na parang..lutang. Nakatulog pala ako..

Biglang may nagtext. Pagtingin ko si Kyle. Nakalagay: 'I miss you. :('

--------------------

She is Love <3Where stories live. Discover now