CHAPTER 46: Promise

22 1 0
                                    

"How did you know that?" tanong ni Tristan kay Xyerah. We are inside my room now, kumain na rin kami ng dinner.

"Napanaginipan ko" sagot nya. "I told you I'm having weird dreams lately. They are chasing me.. " she said in a cracked voice.

I sighed. There's no way it could be just a dream. Coincidence? Deja Vu? Napaka accurate naman. Mabuti at kasama namin sya kanina. What if hindi? Edi kasama din kami sa mga naaksidente.

Natakot ako sa isiping yun.

Tristan held my hand. "It's ok now, sweetie.. Wag ka nang mag isip masyado."

"Can I stay here tonight?" Tanong ni Xyerah. "Feeling ko kasi sa bahay ako binabangungot. I just need a peaceful sleep even just for tonight"

Tumango ako. "You can sleep here on the bed. Ok lang ba sayo na katabi ako? Occupied kasi yung guest room namin"

"Okay lang" sagot nya.

"I'll get going now. See you tomorrow" hinalikan ako ni Tristan sa noo. "Ikaw naman, wag ka kasing isip ng isip. Pray before you sleep" sabi nya kay Xyerah.

Hindi umimik ang babae.

Umalis na si Tristan.

Pinahiram ko ng damit na pambahay si Xyerah. Hindi naman sya nagreklamo kahit simple lang ang mga yun. Nagshower sya bago natulog.

~~❤

Bandang 10PM, I can't sleep.
Bumaba ako sa kusina at nagtimpla ng gatas.
Pagbalik ko ng kwarto, narinig kong sumisigaw si Xyerah, katulad kanina sa bus.

She's crying in her sleep.

"Help me! Noo! Please, somebody, help me" sabi nya. Malinaw sa pandinig ko. Nilapitan ko sya.

Hinawakan ko ang kamay nya at niyugyog sya sa balikat.

"Xyerah, gising" sabi ko.

She opened her eyes.

"Are you ok? Nananaginip ka"

Pawisan sya at takot na takot. "I'm sorry. Nanaginip na naman ako" umiiyak na sabi nya.

Naawa ako sa kanya. It must have been very hard for her.

"Sshh, it's alright." Hawak ko parin ang kamay nya. "Don't worry, andito ako. Di ka naman nag iisa"

She calmed down. Ipinainom ko sa kanya ang gatas na tinimpla ko.

Ilang saglit pa, bumalik na sya sa tulog. Nothing unusual happened again that night.

The next morning, nagpaiwan sya sa bahay. Hindi raw sya papasok. She told me not to tell anyone where she is.

By the looks of it, she ran away from home.

Dumating ako sa school, student council officers are busy decorating for Christmas.

We'll be having Christmas Party this week. Everybody is hyped about it.

Tristan is at the campus ground, waiting for me.

"Good morning Princess" he greeted me.

"Good morning Prince Charming" I smiled when I saw him.

He is staring at me.

"Bakit?" kinapa ko ang gilid ng mga mata ko, baka may muta.

"You're just growing more and more beautiful each day"

"Bolero" natatawang sabi ko.

"Seriously" he said. "Can we get married soon?"

Pinalo ko sya sa balikat. Naglakad na kami sa pasilyo.

Hinawakan nya ako sa kamay. "Let's get married once the renovation is over."

Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din sya. He looked at me.

"I'm dead serious" nakakunot ang noo nya.

"Sabi mo three years... " naramdaman kong pinisil nya ang palad ko.

"Oo nga. Three years pa sana. Pero I can't get reassured knowing that Zeus is lurking around, waiting for the right time to attack" sumimangot sya. "Don't you want to marry me anymore?"

Sinipa ko sya sa paa. "Ano ba yang mga pinag iisip mo! Syempre gusto. Pero hindi naman tayo nagmamadali. Diba dapat pinagpaplanuhan ng mabuti yan? Hindi yung basta sinabi mo, go agad?"

He looked at my face.

I felt he got sad. I love him, pero gusto ko rin sana munang makatapos. Tama na yung minsang nagpadala ako sa emosyon ko at sumama sa kanya sa Baguio.

"Don't worry, My king. I am yours. Forever" I told him.

Hindi pa rin sya nagbabago ng reaksyon.

I smiled at him. "I promise."

He sighed and smiled back. "Okay. I can wait." he pat my head. "Keep your promise then"

We head to our classroom.

We didn't have much activities in school these days dahil nga busy na sa paghahanda para sa kaliwa't kanang holidays.

I heard bongga daw ang Chirstmas party dito sa university. Last year hindi ako nakaattend dahil feeling ko gastos lang. Hindi rin naman ako mahilig sa sosyalan.

~~❤

Sumapit ang lunchtime.
Ipinatawag ako ng School Director.

Parang may idea na ako kung bakit, at hindi nga ako nagkamali.

"Miss Henares, ikaw ang huling nakita kasama ni Xyerah. Do you have any idea where she is?" tanong ng Director.

Nag isip ako kung sasabihin ko ba o hindi.

"Miss Chelsea.." pukaw nya.

Tiningnan ko sya. "Nasa bahay po sya ngayon. Sumama sa akin kagabi."

"That girl" galit na sabi nya.

"Excuse me, Sir. Wag nyo naman po sanang isipin na nanghihimasok ako.. Pero sana bigyan nyo ng consideration ang anak nyo.. " nasabi ko.

"What do you mean?" sumandal sya sa swivel hair.

"She's been really stressed lately. At ang masama pa, sa sobrang stressed nya, madalas syang magkaroon ng masamang panaginip"

"Hmm? Why. Why she have to be stressed? Anong kina iistressan nya?" tanong nito.

I sighed. "Kausapin nyo nalang po ang anak nyo. Hindi ko po sya kinidnap or what. Hindi ko rin sya pwedeng ipagtabuyan nalang basta. Kung gusto nyo po syang pauwiin, sunduin nyo sya sa bahay"

I gave him my address before I left his office.

I've had enough of these rich people.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now