CHAPTER 17: Cutie Patootie

28 2 0
                                    

TRISTAN'S POV

I'm on my way pabalik sa condo. Lumabas ako saglit para bumili ng damit para kay Chelsea.

I'm walking down the street when I saw Zeus. He's walking towards me.

I felt my blood flowing up to my head. I really hate him.

"Hindi ka pumasok? Sayang, hindi ka tuloy nabati ni Chelsea." palapit palang ay nagsalita na sya.

"Please, wag mo'kong asarin ngayon" I said nang magkasalubong kami.

He just smiled. "Fine. Happy Birthday nalang."

"Fuck off" nilampasan ko sya.

"Stop being a brat at umuwi ka na sa mansyon" sabi nya.

Hindi ko sya pinansin.

I walked as fast as I can until I reached the building. I felt at ease when I got in the elevator.

I reached the penthouse soon. Pagpasok ko ng bahay ay hinanap ko si Chelsea. Wala sya sa sala. Wala sa kusina at sa CR. I went to the game room, wala rin.

"Chelsea? " I called.

Nakarating ako sa likod pero wala sya. Kinabahan ako. Did she left me?

Bumalik ako sa loob at chineck ang kwarto ko. Wala rin. "Where the hell is that girl?"

Lumabas ako sa sala at napansin ko sa couch ang school bag nya. Nasa baba din ng shoe rack ang sapatos. I confirmed she's here.

Tumakbo ako sa likod. Binuksan ko ang greenhouse and there she is, nasa duyan at nakapikit ang mga mata.

"Bad girl." naiiling na sabi ko. "But a beautiful one"

She's in deep sleep, I love the way she looks like a fragile child. With my clothes on. I smiled.

~~❤

Chelsea's POV

"Wake up, your majesty"

I sniffed, I smelled a familiar scent.

"Gising na po" he pinched my nose.

"Aray!" reklamo ko. Dumilat ako at bumangon.

"Good morning"

Morning?

"Huh? Matagal ba akong nakatulog? Anong oras na?" tarantang tanong ko.

"Oo medyo matagal. It's 5 in the morning" he said.

Bigla akong napatayo. "Lagot ako" naiiyak na sabi ko. Baka magalit si mama sa'kin. Hindi din ako nakapasok sa work. "Bakit hindi mo ako ginising?"

I looked around.. Maliwanag pa. Parang 3pm palang.

He chuckled.

"Here, here." hinila nya ako. "Kumportable ka ba sa damit ko?"

Bigla kong naalala na wala akong underwear. Jacket at jogging pants lang. Bigla akong tumalikod.

"Oh. Put this on. I know you feel awkward. Hindi ko alam ang size mo so I just assumed it." May inilapag sya sa lamesa. "May CR dun sa gilid ng mini bar.

"O-okay"

"Bilisan mo. Gusto kong kumain sa labas." sabi nya bago ako iniwan.

Mga ilang segundo pa, mabilis kong kinuha ang plastic na nilapag nya. Tumakbo ako sa CR at nagbihis.

Level of panghuhula: expert

Natawa ako. Sakto ang nabili nyang underwear. It's much better now. Kinuha ko ang dress. Bakit dress pa?

It's a red sleeveless dress at may mga black na design sa laylayan. I love it. Tinernuhan nya pa ng dollshoes na red din. Sa itsura ng mga ito, mukang mamahalin. Hinanap ko ang price tag, wala.

Lumabas na ako at nadatnan ko sya sa sala. He's wearing black suit with red necktie.

"Ready?" tanong nya. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"San tayo pupunta?" tanong ko din.

Nagkibit balikat sya. "No questions"

Inirapan ko sya. "Magsusuklay lang ako." padabog kong kinuha ang bag ko at nagcr para mag ayos.

Simpleng pulbo at lipstick lang saka ako nagsuklay. Lumabas din ako agad.

Sabay na kaming umalis ng unit.

Hinintay naming umakyat ang elevator.

"This is my favorite birthday ever" he said.

"Bakit naman?" tiningnan ko din sya.

"Coz" he held my hand. "I've got a very special gift"

Tumango tango ako. "Ah, may nagregalo sa'yo? Sino? Anong regalo?"

He chuckled and squeeze my hand. "God gave me you"

Corny.

"Baduy mo" sabi ko.

"Seryoso. I'm so happy with you spending a day with me. Kahit napipilitan ka lang at hindi mo ako gusto" there's a sincerity in his voice.

Hindi ako nakaimik.

"I don't celebrate my birthday. But I think today is special. I won't call it a celebration, it's a date instead" he grinned.

"Tristan" saway ko. "Ni hindi ka nga nagpaalam na gusto mo akong idate."

"Hindi ka papayag" he said. "And besides, why would I need permission? It's my birthday. I'm a king for a day. And you are my Queen"

Umirap ako.

"Stop doing that" he leaned closer. "You look sexy when you do that. Makes me want to kiss you"

"Huh?"

Bumukas ang elevator. Patawa tawa syang pumasok at hinila ako.

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa'kin ang tungkol sa'yo? Kailangan bang sa iba ko pa malaman? Ano pa kaya ang madidiskubre ko? Ang dami mong pasabog... " kunot noong sabi ko.

"Wait" he signed stop. "Nagtatanong ka ba sa iba tungkol sa'kin?"

Hindi ako umimik.

"Hmm?" he keeps on staring at me. "You like me, don't you?"

"Of course not!" malakas na sabi ko nang hindi sya tinitingnan.

Tumawa sya. "Alright, that's enough for me."

Enough for what?

"Puro kalokohan" naiiling na sabi ko.

"How about we go back up?" he pointed above.

"Bakit na naman? " I looked up as if makikita ko rin ang unit nya.

"Wala. Baka kasi hindi tayo makakain ng maayos sa resto" he grinned again.

"... ??"

"Why do you have to be so beautiful? I'll bet pagtitinginan ka ng ibang tao. Eh gusto ko ako lang ang titingin sa'yo"

Natawa ako sa sinabi nya. Ang corny nya talaga. He held my hand as we go out the elevator.

~~❤

MY LOVELY STRANGER Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora