CHAPTER 32: First Love

22 0 0
                                    

We silently ate dinner. I feel a little awkward with the situation. I think it won't be right to stay the night after he just confessed his feeling for me.

"Are you surprised?" he asked while in the middle of the meal.

"Sabi mo it's a misunderstanding. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ka ng sinasabi" nasabi ko.

He chuckled. "You're so cute. Isn't it obvious that I lied back then? Ikaw kasi, akala ko gusto mo si Zeus. Lagi kasi kayong magkasama"

Sinimangutan ko sya. "Gusto ko naman talaga si Zeus dati"

"You're mistaken even at your own feelings" sabi nya. Tumayo sya at tumabi sa akin.

"Ayan ka na naman! Lumayo ka nga!" taboy ko sa kanya. Baka halikan na naman nya ako ng di oras.

"Haha! Don't worry, I won't kiss you again without your permission, from now on" he winked and sat on the chair.

Masigla syang bumalik sa pagkain.

"You better not do that again, I will kill you" sabi ko.

He chuckled and looked at me. "Bilisan mong kumain, may ipapakita ako sa'yo"

I shut my mouth. Ilang minuto ang nakalipas, pagkatapos kumain ay nagligpit ako ng lamesa. I brought our plate to the sink and washed it.

"You'll make a very nice wife." sabi nya habang pinagmamasdan ako.

Sinimangutan ko sya. "Stop teasing me"

"Fine, fine" he get up from the chair. "I'll take a shower. Bilisan mo dyan, may ibibigay ako sa'yo"

Lumabas na sya sa kusina. Ano na naman kayang iniisip nun?

I finished my task at lumabas ako hanggang sa sala. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Mama.

Kaya pala hindi pa ito makakauwi ay dahil nagpapasyal pa ang buyer sa palawan idagdag pang nagkabagyo kaya hindi pa nila matapos tapos ang negosasyon. Malawak ang lupa namin sa Palawan. May ancestral house din sila mama dun. Pinamana yun sa kanya ng mga magulang nya. We used to go there during vacations. Hindi ko na rin gustong alalahanin dahil para sa'kin ang lungkot ng bahay na yun. Sabihin na nating pumupunta kami dun dati para pagtaguan si Papa. Mula nung naghiwalay sila ni Mama ay hindi na kami napirmi sa isang lugar. Transfer dito, transfer dun. Hanggang makapagtapos ako ng highschool. Nagstay na kami sa Maynila nung nagsimula akong mag college.

"A penny for your thoughts?"

Natigil ako sa pagmumuni muni nung may nakita akong inabot sakin si Tristan. Isang malaking rosas. Freshly picked from his garden.

"Thank you" I smelled it. So nice. "Pero bakit mo to pinitas? Diba inaalagaan mo to?"

He nod. "I planted flowers for my special someone"

I gave him back the flower. "Eh hindi naman ako si Xyerah" naiinis na sabi ko.

"Eh bakit ba Xyerah ka ng Xyerah? Ano bang kinalaman nya dito?" kunot noo nyang tanong.

"Eh diba sya yung first love mo?" nakasimangot na balik tanong ko.

He facepalmed. "Oh my God, you drive me crazy" tumawa sya.

He held my hand and guided me to his room. Pinigilan ko sya.

"Ano ba?" tanong. Sa isang kamay nya, may hawak syang box. Parang lagayan ng sapatos.

"I'll show you something" he smiled excitedly.

Nagpatianod ako sa gusto nya. We reached the room. Hinawi nya ang kurtina sa isang side at may nakita akong isang sliding door. He opened it. It was a huge library, full of books.

"Wow" It's amazing. May ilang vintage painting sa gilid at sa gitna ay may malaking rectangular na mesa.

"It may not look like it but I'm old fashioned when it comes to books. It's my hideout" he guided me inside.

"It's beautiful" sabi ko. "Nabasa mo na ba to lahat?" nilibot ko ang mga bookshelf.

"Yes" he said.

Napalingon ako sa kanya.

"I have plenty of time to read. When I dropped out of school nung high school ako, lagi lang akong nagbabasa. Natigil lang nung nasali ako sa gang."

I felt so amused.

"Halika sa taas." nauna syang naglakad papunta sa isang spiral na hagdan.

Sumunod ako.

Pagdating sa taas, I almost dropped my jaw. It was a tower. Puro glass ang paligid pero tanaw ang buong syudad. The city lights, the tall buildings, everything.

"Here" inabot nya sakin ang box.

Kinuha ko yun at binuksan. I found out a white fabric inside.

"Ano to?" kinuha ko ang tela at binuklat.

It was a white scarf. Napakurap ako as I got some flashbacks from few years ago.

Malabo lang ang dating ng mga ala ala sakin pero naalala ko nung araw na binigay sakin ni Mama yung scarf na yun. Pinasadyang ipagawa. Tig-isa kami ni Chandria, our names are embroidered on each. I lost that scarf before we left Baguio. I believe I gave it to someone.

Hinaplos ko ang pangalan ko sa scarf.

"I thought I lost it completely" nasabi ko.

Nagtampo si mama nung naiwala ko ang scarf. Hindi ko daw iningatan ang bigay nya.

"Iningatan ko yan. Ibinabalik ko na" sabi ni Tristan.

I looked at him. He's smiling adorably.

"Nakwento mo na yung first love mo, binigyan ka ng scarf.. "

Lumapit sya sakin. "Yes, that's you" he kissed my forehead. "I've waited so long to tell you. Nakakalungkot nga lang na hindi mo ako naaalala"

"Saglit lang tayo nagkausap nun no!" I can't believe na tinreasure nya yung moment na yun.

"Bumalik ako sa bahay nyo ilang beses after nung gabing yun, pero wala na kayo. Hanggang sa dinala na ako ni Daddy rito sa Maynila."

"Ah"I smiled. "Palipat lipat kasi kami that time. Nagtatago kami kay Papa, kasi kakahiwalay lang nila ni Mama. Isang linggo lang kami nagstay sa Baguio."

He held my hand. "Now that I found you, di na kita papakawalan. I won't let you hide again. I spent ten years wondering if we will ever meet again."

"Teka lang" I looked up at him, he's so close to me. "Paano mo nalaman na ako yung batang yun? Even I have no idea."

"Because" he put a finger on my face. "This mole is iconic"

May nunal ako sa gitna ng kaiwang pisngi, sa baba ng mata. Maliit lang yun, hindi basta basta mapapansin.

"I saw this when the driver came to pick me up at nasinagan tayo ng ilaw mula sa kotse nung gabing yun. Yun ang natatandaan ko."

Natawa ako. "Ang liit na bagay, parang hindi pa rin convincing"

"Totoo yun. At isa pa, it was your smell. I remember your smell" he said.

Inamoy ko ang sarili ko. "Ano bang amoy ko?"

He smiled. "Amoy Adobo"

I glared at him.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now