5: PARTNERS

6 0 0
                                    

Author's POV (third persons mweh3)

"I am teacher Gercel at ako ang tuturo sa inyo." Sabi ng isang babae. Gustong makinig ni Zyker sa kanya ngunit nakatuon parin ang atensyon niya kay Dignity. Oo mga bhe! Si dignity ang babaeng sinasabi ni Zyker na Krizzel. Nagtataka si Dignity dahil sa sinabi ni Zyker dahil wala naman siyang matandaang Krizzel kundi yung baboy nilang namatay dahil niletchon ng lolo niya nung birthday ni Dignity.

Nakinig lang si Dignity sa sinasabi ni teacher Gercel pero patuloy parin ang pagsulyap ni Zyker sa dalaga. Napagpasyahang magpagupit ng buhok si Dignity dahil naiinggit siya kay Preex dahil sa new hairstyle niya. Hindi lang nagpakulay ng buhok si Dignity dahil natural brown ang buhok niya. Hindi as in brown ha, pero may pagka brown.

"So choose a partner. Kung hindi kayo makapili, ako nalang mismo ang pipili para sa inyo." Sabi ni teacher Gercel habang nakangiti. So ayon nagtayuan na ang mga studyante at nagpilian na ng mga partners. Maraming pumupunta na babae kay Zyker kasi ang gwapo niya pero puro tanggi naman si Zyker. Alam niyang pairing ito at dapat may partner siya pero he wants to work by himself.

"Sige na fafa! Partner na kita." -girl 1

"Akin ka nalang!" - girl 2

"Artistic talaga ako na tao. Please lets be partners." - girl 3

Ang daming mga babaeng tinanggihan ni Zyker. Sabagay, gwapo naman ang gago. Ok nalang.

Sa kabilang banda, nandun parin si Dignity at nangungulit sa mga iba na maging partners. Wala naman kasing nag-aaya sa kanyang maging partner kaya siya nalang.

"Uy sige na! Wala pa akong partner--"

"Ngina? Problema ko ba kung wala kang partner?!" Sigaw ng lalaki. Abuuugh? Sinisigawan niya si Dignity? Dahil napipikon na si Dignity ay pinagsalitaan niya din ang lalaki.

"Bakit? Sinisi ba kita?! Ha?! Ano? Sagot." Matapang na sabi ni Dignity. Oo, girly si Dignity. Pero natutunan niya ring lumaban dahil sa kaibigan niyang si Preex. Haynakers. Para na nga silang dalawang kamay na pinosasan forever eh. Hindi mapaghiwalay ang dalawa. Ay, kasama na dun si Choy.

"Hays. Mabuti nga sayong wala kang kapartner. Hindi ka bagay magkapartner--"

"Partner tayo?" Nagulat si Dignity sa boses na narinig niya. Si Zyker? Huh? Yung kinuhaan niya ng kape? Umaya na maging partner sila? Amezong.

"S-sure ka?" Tanong ni Dignity.

"Oo naman. You're deserving to be my partner. Sabagay, maganda ka tapos gwapo ako. Mas bagay tayong dalawa. Kaya lumayo ka diyan sa panget na yan." Diniinan talaga ni fafa Zyker ang panget. Awts. Tagos to the bones.

"Oh? Sa kanya?" Tanong ni Dignity sabay turo sa lalaking sinigawan siya kanina. Owwww biatch! Roasted siya sa kanilang dalawa! Sila na talaga ang tinatawag na BITS-BURNED-BY-US-PARTNER-KAMI-WAG-KANG-ANO couple! 😍😍😍😍😍

Umalis na ang lalaking sinigawan si Dignity dahil na rin sa kahihiyan. Nakakahiya naman talaga eh! Siya vs. BITS-BURNED-BY-US-PARTNERS-KAMI-WAG-KANG-ANO. Lugi siya.

Tiningnan ni Dignity si Zyker pero inalis din agad ito ni Dignity at ganun naman din si Zyker. Naiilang si Zyker dahil naaalala niya si Krizzel (ewan. Sino ba yun?) Tapos si Dignity naman, dahil sa coffee. Haynakers.

Aalis na sana si Dignity para mawala ang ilangan sa kanilang dalawa pero biglang tinawag ni Dignity ang pangalan ng babes niya.

"Krizzel--este miss!" Sigaw niya since di pa niya alam ang pangalan ni Digniry. Ok... Dito na magsisimula~ kinikilig otor niyo mayghas! Yung pangalan Zyker ha! Galingan mo! "Sorry ha. Di ko pa kasi alam yung pangalan mo." Pasimpleng sagot ni Zyker.

(Abuuuugh)

"M-my name is.." Walanjo! Nagdalawang isip pa si Dignity kung sasabihin ba niya ang pangalan niya kay Zyker. Layk dzuh? It's so awkward naman din kung yung pinagnakawan niya ng frappe, magiging ka close niya? May pagka assumera din kaya si Dignity. Eyh! "M-my name is Dignity A--"

"Are you done choosing your partner?" Teacher Gercel asked. Tumango naman silang lahat. "Ok. Sino pa yung walang ka partner?" Tanong niya sa mga estudyante. Tumaas ng kamay yung lalaking sinigawan. "Hmm.. Sinong magiging ka partner--"

Nagulat ang mga estudyante nang may babaeng pumasok sa room. Mataba ito, SOBRANG TABA! Obese ata at nakakatakot siyang tingnan.

"I'm sorry, I'm late." Ang laki ng katawan niya ngunit napakaliit ng boses niya. Every step na ginagawa niya, feeling nilang tatalbog sila.

"O-ok. Partner kayo ni mr. Vilos--"

"No!" Sabi ng lalaki. Hays! Buti na sa kanya yun. Matapos niyang tanggihan si Dignity?!

"Mag partners kayo whether you like it or not!" Sigaw ni teacher Gercel. Napalaluha ngayon ang lalaki't masama ang tingin sa babae.

Dignity just chuckled. Ang bilis ng karma. Alam niya kasing natatakot ang lalaki sa kapartner niya.

Habang ngumingiti si Dignity ay napalingon naman si Zyker sa kanya. Her smile made him smile too. Nagagandahan siya sa ngiti ng dalaga. Her eyes was also smiling, but he can see pain inside her eyes. Ewan, feeling niya lang.

"You really deserves a shot." Bulong niya. Napatingin naman si Dignity sakanya at ngumiti ng pait. Oh noes talaga ito para kay Dignity. Akala niya kasi yung shot parang SHOT NG COFFEE. Naalala nanaman niya yung frappe.

"Thanks but no thanks. Haha." Pilit niyang tawa tsaka tumingin ulit sa harapan. Nangangawit na si Dignity kaya napagpasyahan niyang umulo nalang sa upuan (malamang).

Salamat nalang at nakasali pa dito si Zyker.

Dignity's POV

Nagtatanong ba kayo kung bakit ako sumali ng club na 'to? It is because I wanted to pursue my dream as a blogger. Idol ko kasi si lola Juanita (ang lola ko sa talampakan). Lola Juanita and lolo Crisostomo's love story was one of my faves. But they didn't last. Pero still, mahal parin nila ang isa't isa kahit wala na sila. Kinikwento din kasi ni mommy ang love story ng lolas ko nung bata pa ako, and lola Juanita and lolo Crisostomo was my fave.

Lola Juanita's father was one of the famous artists before. Gusto niya ring maging katulad ng papa niya pero she was just a disappointment dahil sa katangahan niya. May pagkatanga din kasi si lola Juanita. Until she met this intellegent guy, si lolo Crisostomo. Ayaw na ayaw ni lolo si lola pero push ng push si lola kay lolo. Bet na bet niya kasi ito pero dati kasi dapat ang mga lalaki lamang ang manliligaw sa mga babae, pero IBA si lola. Kaya nga lodi ko siya eh.

If hindi niya niligawan si lolo, wala siguro ako ngayon sa kinalalagyan ko. Thanks to her by the way.

Pero naging mahirap yung love story nila. Kaya nga gusto kong sumali sa club na 'to to feature them kasi pwede ko silang i drawing at ipakita ang story nila sa buong mundo. I also joined here to act like lola Juanita kasi magaling din siyang mag drawing at yun daw ang one character na gusto ni lola kay lolo.

Enough with their story.

Preeeex utot's Calling~

"Yep?" Matching with sweet voice pa.

(Pumunta ka dito alas singko.) Tapos binaba niya. Hays... Maypagkacold din kasi tong si Preex. Pero sometimes pag trip niya ang isang bagay, sinasakay naman niya.

"Ok. Pinapartner ko kayo kasi may challenge ako sa inyo." Sabi ni teacher Gercel kaya napaangat naman ako. "Kukuha kayo ng litrato sa labas. And the most amazing picture, wins. May special prize din yung winner."

Omo! Exciting 'to. Tiningnan ko si Zyker na ngayon ay seryoso ang itsura. Bipolar ba tong lalaking to?

----------------------------

A L X J Y N 🌸

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Kept The Pictures (Ongoing)Where stories live. Discover now