3: His sacrifice

10 2 0
                                    

Zyker's POV

"Hmmmmm." Sabi ni French habang nag iisip. "So gusto mong sumali sa club ng mga photographers? Really Zyker? Your dad wont allow you idiot." Sabi ni French habang kumakain ng fries. I just sighed.

"Ako na ang bahala. I'm sure he's going to allow me pag sasabihin ko 'yun' sa kanya." Sabi ko pero napakunot naman ng noo si French.

"Anong 'yun'?" Hindi ko na siya ni respond but instead ngumisi nalang ako. "Tangina dude ha. Kinakabahan ako." Sabi niya at nilamon ang lahat ng fries. Napailing nalang ako.

I am 101% sure na papayagan ako ni dad na sumali sa club na ito.

Andito kami ni French sa mall. Nagpa-register kasi ako sa photography club kasi alam kong marami akong matututunan sa club na yun. Kung di siya pumayag dito, gagawin ko na talaga ang lahat even though I'll look desprate.

"We need to go home already baby ko." Pangaasar sa akin ni French. Sinamaan ko lang ito ng tingin at nag crossed-arms.

"Gusto mong masapak o mamatay?" May halong pagbabanta ang tono ng pananalita ko. Napaka walang hiya kasi netong French Fries na to!

"Oh sorry babe." Kumindat siya sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Gailburt Frenchaiz Dy! Would you please drop that shit?" Naiirita kong sabi sa kanya. Binelatan lamang niya ako at ngumisi ng napaka loko.

"Hahahaha. Gago neto. Umandar nanaman yang pagka-seryoso mong bwisit ka. Hindi ako pumapatol ng mga panget na tulad mo--"

Napahinto siya ng pananalita ng kinolar ko siya. Nabwibwisit na ako dito sa patatas na 'to! Alam naman niyang napaka short-temperred ko! This crap!

"Chillax! mag judge ka muna~" sabi niya ngunit may tono ang pananalita niya. Tinulak ko nalang ito ngunit mahina lamang. Ngumisi lang ito at tumawa. Ayan nanaman yung nakakabwisit niya na tawa. "HA HA HA--KKK. HA HA HA." Mala baboy niyang tawa. Ganyan siya tumawa. Fvck I am hating this idiot. " Umuwi na tayo supot! Dali dali!!!!" Pang-aasar niya. Hahampasin ko na sana ngunit tumakbo ito ng mabilis kaya't di ko ito nahampas. Di ko na siya hinabol dahil alam kong matatalo lang ako. Runner siya eh.

Tsk. He's so childish. smirks

buti nga may kaibigan pa ako sa tabi ko. Because you know what? kung wala siya edi sana patay na ako ngayon.

Our meeting was very unusual. sigh

"Hoy Zyker! Bilis-bilisan mo mo nga dyan!" Sigaw niya pero naglakad ako ng mas mabagal. "Hay putek. Ang bagal neto natatae na ako." Rinig kong bulong niya. Napailing nalang ako at tsaka tumakbo papalapit sa kanya. Nang nakalapit na ako sa kanya ay binatukan ko ito. Napa aray nalang siya at hinabol ako.

"S-shet para kang aso." Sambat ko habang tumatakbo. Siya lang siguro yung kilala kong french fries na mabilis tumakbo.

"Aso pala ha? Gusto mo ng rabies?" Sabi niya tsaka tumakbo ng mas mabilis. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mahabol niya ako. "Arf!"

"ARAY! P*TANG*NA FRENCH ANG SAKEEEEEET!"

*******

Third Person's POV

Umuwi na sila French at Zyker sa kanilang mga bahay. Iniinda parin ni Zyker ang sakit ng braso niya habang si French ay nakangisi parin ang gago na para bang proud na proud sa ginawa niya kay Zyker.

"Hi sir Zyker--" Napatigil ang maid niya nang makita ang pamumula at pamamaga ng braso ni Zyker. "A-anong nanyari sir?" Lumapit ang maid sa braso ni Zyker at sinuri ang braso nito. Hahawakan na sana ng maid ang braso niya nang hinila ito ni Zyker.

"Don't worry. Natamaan lang ito nung nagbubump car kami ng kaibigan ko." Walang emosyong sabi ni Zyker at naglakad papunta sa kwarto niya.

Nang makapasok na si Zyker sa kwarto niya ay kinuha niya agad ang camera at inilagay ang sd card sa usb. Madaming camera si Zyker at iba't ibang brand.

Nang mailagay niya ito sa usb ay isinaksak ito ni Zyker sa loptop niya at binuksan ang facebook. Nang mabuksan niya ito ay awtomatikong pinost niya yun sa Buddy Account niya na walang mga friends. Wala pa ngang nag a add sa kanya dahil buddy account niya lang yun. Iba din ang pangalan niya sa fb. Instead of Zyker, he changed it into Skyler para walang maka alam. Pag nakita kasi ito ng dad niya ay baka masipa pa niya ito dahil para sa kaniya, it is just a waste of time. Di naman daw nakakayaman ang pagkukuha ng litrato. He sighed.

I c-click na sana niya ang lahat ng picture nang makita niya ang picture ng isang babae. Ang picture ni Dignity na gumuguhit. Napangiti si Zyker.

'She's cute'

Hindi niya pinost ang picture ni Dignity, sa halip ay kinuha niya ang na develop na picture. Nang makuha niya ito ay sinampay nanaman niya ito sa mga pictures niya. Ang mga nakasampay na pictures ay yung magagandang pictures para sa kanya. At oo, nagagandahan siya sa picture ni Dignity.

Napangiti si Zyker. Habang tumitingin sa picture ni Dignity ay may biglang kumatok. Pinatay niya ang loptop niya at tinago ang mga camera. Dahan dahan siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Nang buksan niya ito ay nakita niya ang dad niyang seryoso makatingin kay Zyker.

"Dad?" Sabi niya habang nakakunot ang noo.

"I need to talk to you, in my office!"

♥♥♥

Zyker's POV

Nandito na kami sa office niya. Kinakabahan ako sa mga pangyayari ngayon. No worries Zyker, everything will be alright--

*bogsh*

Nagulat ako nang inihampas niya ang papel sa table niya.

"What the hell is this?!" Galit na tanong niya. Tinutukoy niya ang papel. Yung yung papel sa club. Mabuti nakita niya.

Kanina kasi ay inihulog ko yan para makita niya. And it works. Nakita nga niya.

"I want to join that club--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng cinollar niya ako. Namumula na si dad at halatang galit na galit. I already expected him to react this way.

"Hindi kita pinaaral sa isang sikat university para maging photographer!" Sabi niya. I just sighed.

"I didn't say that I will be a photographer dad." Diniinan ko yung photographer. "Diba gusto mo akong maging doctor? Because virgo will be always virgo?" Nanigas ang dad niya. Hindi niya mapigilan ang sarili kaya sinuntok niya si Zyker.

*bogsh*

"T-tarantado ka!" Sigaw ng ama niya na halos maluha na.

"Just let me do this." pakiusap ni Zyker. "and I promise you. I will be a doctor."

----------------------

okey okey. dan dan dan~

so bale yun yung "yun" ni Zyker.

tapos yung sampayan ng mga pic, yun yung nasa taas ng book cover natin hahahaha.

Okies babush~

A L X J Y N

He Kept The Pictures (Ongoing)Where stories live. Discover now