2: Dignity's stolen shot

4 2 0
                                    

Dignity's POV

*boogsh!*

Iyon ang malakas kong pagsara ng pinto sa Salon. Hingal na hingal akong sumandal sa pintuan para makahinga naman. Ipinikit ko ang mata ko habang nag b-breath in and out. Hinahabol talaga ako ng hininga ko. Jeez

"Ma'am are you okay?" Rinig kong tanong ng isang worker sa salon. I just stared at her eyes and slowly nodded. Tiningnan ko ang dalawang sturbucks na dala ko. Malapit na talaga siyang matunaw at higit sa lahat malapit na maubos dahil tumalsik ito. Ibinigay ko ang frappe ni Preex sa kanya. She just looked at the frappe tapos tumingin siya sa salamin at sa reflection ko.

"Pinagpapawisan ka ah? Sumali ka ba ng Run for fun? o nagback tambling at nagsplit bago makapunta dito?" Sarkastikong sabi niya. Kinuha niya ang frappe st ininom ito.

"I-i'll just say it to you later." Hindi ko mapiligan ang sarili ko't ininom ang frappe na sa iba pala. Tiningnan ko ang pangalan.

'a-amazing. Calligraphy? Ang galing!'

Zyker. so Zyker ang pangalan niya. I hope I wont be able to meet him again. Ever.

1 hour later

"Tapos na siya ma'am." Ginising ako ni ateng. Grabe? nakatulog pala ako. Tsk tsk.

Napalingon ako sa babaeng tinuturo niya. My jaw dropped as I saw her.

Naging straight na ang magulo niyang buhok at naging color pink ito. Nilagyan din siya ng makeup. Hindi lang nagbago ang panamit niya. Pero ok lang naman dahil naka pantalon ito at naka long tshirt! Bagay naman sa kanya.

"Oh nice." I said and I raised my thumbs up but she raised her middle finger. Yeah! That's how my friend thanks me. Yes.

She was  about to wear her hat but I stopped her.

"Oppps!!!"  Agad naman niya itong binaba. "Are you freaking serious? Did you know that dyeing hairs are so expensive lalo na't sa Five Star Salon ka nagpaganda?! Don't wear that or else ipakabo kita!" Babala ko sa kanya. She rolled her eyes at wala na siyang choice kundi tumango. Dahil kung hindi, kanina ko pa siya binatukan.

"Good. Lets go and get that Choy--" Natigilan ako nang maalala ang nangyari kanina.

flashback

pumasok ako sa starbucks para makita kung nandoon si Choy.

"Hopya." Bulong ko nang makita ko si Choy na may kausap. Nang pumasok ako ay may nakita akong lalaking nagsusulat. Hindi ko siya pwedeng singitan dahil magagalit ang lalaking to. Tsaka bakit ba ang tagal niya kung makasulat? I just rolled my eyes as I glanced at my wristwatch. Tagal neto ha.

Mga ilang minuto ay natapos na din ang lalaki at pumunta sa upuan niya. May kinausap pa si Choy bago siya pumunta sa pwesto niya.

"Hi ma'am welcome to--" napatigil siya nang nakita niya ako. "Oh Dignity?" Tanong niya.

"Hi Choy." Nakangising sabi ko.

"Mangungulit ka nanaman?" Tanong niya kaya naman ay umiling ako pero nakangisi parin. "Ang saya mo ata ngayon ah?" Tanong niya. Ngumiti muna ako bago ko siya sinagot.

"Ofcourse we all need to be happy." sabi ko. "Two Grande Cotton Candy Frappe. 2 pumps vanilla ha." I winked as he sighed and nodded.

"sige sige. psh." Suminghal siya bago may tinawag na staff. Nag headphones nalang ako tsaka nagpaplay ng kpop. Hehe.

Pagkatapos ay pinindot ko ang app na wattpad para magbasa ng General Fic. (alam na). tapos ay mga ilang minuto ay nakita ko ang Cotton Candy Frappe sa harapan ko. Dahil narin sa uhaw ay hindi ko tiningnan ang pangalan at ininom ito agad. Nakatingin din ako sa phone ko.

"Shit." Rinig kong mura ni Choy. "HINDI SAYO YAN!"

END OF FLASHBACK

"Uy!" Nagising ang diwa ko nang binatukan ako ni Preex ng malakas. Napa aray nalang ako. "Ano? Punta tayo?"

"Ikaw nalang. Masakit paa ko sa kakatakbo. Ouch hehe." Palusot ko at umarteng nasasaktan sa paa ko.

"Bakit ba kasi masakit yan?" Tanong niya habang tinuturo ang sexy kong legs.

"Y-you know exercise right?" Tanong ko at kumunot lamang ang noo ni Preex.

"Left." Sabi niya tapos umalis sa harapan ko. "Kung ayaw mo, pumunta nalang tayo sa labas. May garden daw dun." Sabi niya at tumango naman ako.

'Mas mabuti pa nga para mahanginan naman ako'

*******

Third Person's POV

Bumaba na si Dignity at Preex papunta sa Garden ng mall. Maraming tao doon ngunit hindi naman gaano. Sobrang sarap ng simoy ng hangin. Animo'y makakatulog ka dito sa sobrang sarap sa pakiramdam. Para kang yinayakap.

"Dignity dito!" Tinuro ni Preex ang bench. Wala pang nakakaupo dito kaya maswerte sila dahil may bakante. Umupo sila pareho. Napapikit sila at napangiti. Pakiramdam nila ay nakalayo na sila sa problema dahil sa hangin.

May nakita si Dignity na 3 years old na babae at ama niyang masayang naglalaro. Kaya naman napagpasiyahan ni Dignity na kumuha ng drawing pad niya at lapis. Nagsimula siyang mag guhit. Mula sa hugis ng mukha hanggang sa katawan. Gayang-gaya ito ni Dignity.

Kagaya ng dating ginagawa ni Preex pag nag d-drawing si Dignity ay tinitingnan niya lang ito habang nakangiti. Para na talaga silang magkapatid.

♥♥♥

Napagpasyahan ni Zyker na pumunta sa garden since gusto niyang kumuha ng mga litrato. Litratong isasampay niya sa kanyang kwarto. That's how sentimental Zyker is.

Nang makapunta siya doon ay agad niyang kinuha ang instax mini 8 niya tsaka kumuha ng magandang larawan. Yung una ay background ng mall at pangalawa ang fountain. Napagpasyahan niyang pumunta sa mga benches. Sa kasamaang palad ay may nakaupo na dito. May nakita siyang mag amang sweet na nagyayakapan at nagtatawanan. Napangiti si Zyker.

'Sana ganyan kami ni dad noon. Masaya at hindi ako pinipilit sa mga ayaw kong gawin.' Ang ngiting kanina ay matamis ay napawi sa labi ni Zyker. Walang pagdadalawang isip na kinunan niya ng litrato ang mag ama. Pagkatapos nun ay kinuha niya ang picture at pinaypay para gumuhit na ang itsura nila. Nang matapos yun ay tiningnan ito ni Zyker.

'This is the prettiest so far.' Tumango tango pa siya bago nilapit ang mukha sa camera para kumuha ng litrato. Ikakanan niya na ito nang may makita.

Dahan-dahang ibinaba ni Zyker ang camera at tiningnan kung sino ang babaeng yon.

"Siya nga." Napatigil si Zyker pero kalaunay inilapit niya nanaman ang camera sa kanyang mukha at pinikturan ang babaeng gumuguhit.

Kinuha niya ang litrato at pinaypay ito. Nang makita niya ito ay napamangha siya dito.

"This is the most gorgeous picture I ever saw." And he smiled.

-------------------------

So I hope you enjoyed this UD for today. I am not sure kung mag U-Update pa ako ng ganito ka bilis since school day :) but don't worry I'll try naman eh.

So if you're thinking that this is just a love story, you're wrong. Gusto niyong umiyak? *wink*

Pero bago pa lang naman so papatawanin ko muna kayo :) but better be aware of the twist ♥
A L X J Y N

He Kept The Pictures (Ongoing)Where stories live. Discover now