Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?

Magsimula sa umpisa
                                    

Akala ko talaga hindi na siya babalik. Akala ko nakalimutan na niya 'yung pangako niya. Akala ko hindi na siya magpaparamdam kahit kailan. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Akala ko hindi ko na siya mahahanap pa. Pero... akala ko lang pala lahat ng 'yon. Kasi nandito siya ngayon, buhay na buhay at yakap-yakap ko.

Kumalas naman siya sa yakap at hinawakan 'yung magkabilang pisngi ko. Para akong nakuryente sa simpleng gesture niya na 'yon. Namula yata 'yung mukha ko sa ginawa niya. Hindi na siya umiiyak. Nginitian niya ako at pinunasan 'yung mga luha ko gamit nu'ng thumb niya. "Huwag kang umiyak. Ngumiti ka lang. Ngiti lang. Ganito o." Nagsmile siya abot hanggang mata para ipakita sa akin. 'Yung ngiting ang tagal kong hindi nakita. "Mas maganda ka 'pag ganon," dugtong niya.

Napangiti tuloy ako. "Ganyan! Mas maganda ka 'pag ganyan," tuwang-tuwa niyang sabi.

Napasulyap ako sa kinatatayuan kanina nina Bes kaso wala na sila roon. Hindi ko na lang pinansin. Inaya naman ako ni Daniel papunta doon sa may hinanda niyang table set-up. Inalalayan niya ako at pinaupo. Umupo rin siya kaharap ko.

Maya-maya may narinig akong tumutugtog ng violin. Pagtingin ko, papalapit dito 'yung pinsan kong si Jale. Siya pala 'yung tumutugtog. Pokerface forever talaga 'tong babaeng 'to kaso ang galing galing niya. Nakakainlove 'yung tunog.

"Chands..." tawag sa akin ni Daniel. Kay Jale kasi nakatuon 'yung pansin ko.

May ibinagsak siya sa lamesa. Ang daming picture na nakakalat. Napatingin ako at nagulat sa nakita ko. Ako lahat 'yung mga nasa picture.  May kuha ako habang nakaupo sa front porch ng bahay ng lola niya. May kuha ako noong graduation namin habang nakaakbay kay Bes. May kuha akong nakatingala sa langit. May kuha ako habang nasa loob ng Butterfly Garden. May kuha ako habang naglalakad. Basta marami, sobra. 

Pero alam niyo? Lahat ng mga 'yun, puro stolen shots. At sa lahat ng litrato... nakangiti ako. Paano niya ginawa 'yun nang hindi ko man lang  napapansin sa mahigit tatlong taon? Wow, siya na.

Nakangiti siyang nakakaloko sa akin. "I told you I was watching you," sabi niya.

May malaking question mark pa rin sa ulo ko at nagtatanong 'yung facial expression ko sa kanya. How did he do that?

"I hired someone to look after you. Kaya hindi kita masyadong namiss kasi nakikita pa rin kita kahit papaano." He finally said while smiling. Naalala ko tuloy na lagi ko ring tinititigan 'yung pagmumukha niya sa screen ng laptop ko. Kahiya, shete. Napailing na lang ako.

"Ang galing naman nu'n..." pabulong kong sabi.

"Syempre, ako pa," sagot niya. Narinig niya pala 'yung sinabi ko. Lakas ng pandinig ng unggoy na 'to.

"Late Dinner is served! Enjoy your meal, ma'am, sir," biglang singit ng isang epal. Ay joke lang po. Si Vaughn biglang sumulpot, nakasuot ng pangwaiter. Inayos niya 'yung mga litrato sa harap at nagserve ng pagkain. Adobo, yumyum. At marami pang iba.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon