Chapter 17: Rebellion

366 22 0
                                    

RAMDAM ni Jefferson ang pagaantisipa ng mga manunuod sa nalalapit na friendly match. Pero kahit na magkaganon ay hindi siya kampante sa mga nangyayari sa hindi niya malamang dahilan.

Iginala niya ang tingin sa buong area habang nag-aantay ang lahat sa paglabas ng mga kampyeon. Para kasing may mali sa buong seguridad ng lugar, hindi pa nakadagdag na wala si Castor at tanging si Gideon lang ang kanyang kasama sa mataas na bahagi ng Arena.

Sa kabila ng mga sigawan at hiyawan ng buong lugar ay tila may kakaiba sa buong lugar. Hindi siya mapakali, ito ba ang epekto ng mga nangyari sa kanya kagabi? Pero hindi nang maghiwalay sila ni Eden kagabi ay alam niya sa sarili niyang magaan na ang pakiramdam kahit hindi pa niya nasasabi rito ang lahat.

May kung anong siyang napansin sa isang bahagi ng arena kung saan naroon ang mga nakaantabay na sundalo ng palasyo. Pero bago pa niya makumpirma kung ano 'yon ay natuon na ang pansin niya sa arena nang lumabas na sina Eden.

Nagtayuan na kasi ang mga tao at nang muli niyang tignan ang lugar ay wala na siyang makita. Mas lalo tuloy naging malikot ang mata niya, may nangyayaring masama pero wala siyang ideya kung ano 'yon.

Tumingla si Eden sa gawi niya ay binigyan siya ng isang ngiti bago itinuon ang atensyon sa harap.

Nagsimula ng magsalita ang namamahala ng palaro. "Simulan na natin ang laban!"

Walang kumilos sa tatlo, tila ba inaantay ng isa't-isa kung sino ang unang aatake. Napakunot ang noo niya, napansin kasi niyang parang may kakaibang bumabalot na aura kay Gavin. Kanina pa talaga siya kinukutuban ng masama, napalingon siya kay Gideon at sa kung anong dahilan ay alam niyang may masama na itong tangka sa araw na 'yon.

Muling nagsigawan ang manuuod, nagsimula na kasi ang atake ni Gavin laban sa dalawang kalaban.

Hindi nakaligtas sa kanya ang tila kakaibang atake ni Gavin laban kina Eden at Mavi. Patuloy lang ang pag-ilag ni Eden sa mga spells na pinapakawalan ng dalawang lalaki.

Nakita niya ang tila pagkalito sa mukha ni Mavi at ang pagtataka naman kay Eden. Muli niyang iginala ang tingin sa paligid at doon niya natiyak na meronnang nangyayaring kakaiba.

Kasabay ng pagbagsak ni Mavi sa lupa ay ang pagdilim ng kalangitan, tumingala siya, hindi uulan pero isang malaking itim na barrier ang siyang bumalot sa buong arena.

Napapalatak siya mukhang magkakagulo pa ata, kailangan na niyang kumilos kung ayaw niyang mapahamak si Eden.

Hindi na niya nilingon si Gideon dahil siguradong hindi niya magugustuhan ang reaksyon ng sarili oras n amakita niya itong nakangiti. Siguradong mapapatay niya ito ng wala sa oras.

Hindi 'yon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin kung hindi ang masiguradong walang masamang mangyayari kay Eden pati sa pinsan niya.

Sa mga nangyayari gusto niyang magreklamo ni Ave na dinami-dami ng pwedde nitong utusan at pagdiskitahan siya pa ang papuntahin sa Winchester para sa paghahanda sa nalalapit na digmaan.

Pero sa ngayon ibang laban muna ang kailangan niyang harapin bago ang lahat.

HINDI maintindihan ni Eden kung bakit parang maykakaiba kay Gavin at Mavi. Pareho kasin gmalalim ang iniisip ng dalawa simula pa noong isang araw. Hindi naman niya magawang magtannong dahil alam niyang kahit ano pa ang pinagdadaanan ng dalawa ay sasabihin ng mga iito ang nangyayari sa kanya kesyo ano pa 'yon.

Nagantay siya kaso wala pa ring kibo ang dalawa at parang mas lumala pa nga ang mga nangyayari sa dalawa, sabagay babae siya at minsa may mga bagay na hindi niya masabi sa dalawa kaya marahil ay ganoon din ito sa kanya. Pinilit na lang niyang inintindi kung ano man ang buambagabag sa dalawa.

A Wicked PromiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang