Chapter 16: The Queen's Suspicion

366 18 0
                                    

PAGKATAPOS ng laban sa arena lahat sila ay bumalik sila sa palasyo kung saan inantay nila ang mga bagong panalo, bukas gaganapin ang isang friendly match sa pagitan ng tatlong nanalo.

Pagkapasok ng tatlo sa grand hall ng palasyo ay agad na ,umuhod ang mga ito gamit ang isang tuhod sa harap ng reyna.

"Binabati ko kayo sa inyong pagkapanalo at pag-angat ng ranggo."

"Maraming salamat, Mahal na Reyna." Sabay-sabay ring wika ng mga ito.

Nanatili siyang tahimik sa tabi ni Castor pero hindi nakaligtas sa kanya ang tingin ni Mavi. Marahan siyang umiling hangga't maari ay ayaw niyang malaman ng ina ang tungkol sa kanya pero kung magpupumilit pa rin ang pinsan niya ay buburahin na lang niya ang mga alaala nito.

Mukhang kahit papaano ay naintindihan naman siya nito dahil nanatiling tikom ang bibig nito sa mga natuklasan kagabi.

Matapos na i-congratulate ang tatlo sa pagkapanalo ay isang salo-salo ang inihanda ng reyna para sa mga nanalo.

Tahimik lang siya sa buong durasyon ng mga nangyayari hanggang sa lapitan siya ni Mavi habang lahat sila ay papunta sa hapagkainan sa palasyo.

"Hindi ka pa rin ba aamin? Aalis ka na bukas."

"Bakit ba napakulit mo? Ayaw mo na lang ako hayaan." Aniya

"Pero—"

"Pero wala pa ring magbabago, patuloy siyang mananatili rito habang nasa mundo kami ng mortal ni Ama."

Napipi na lang ito sa dahilan niya pero alam niyang hindi pa rin doon nagtatapos ang paguusap nila.

Pagkapasok nila sa dining area ay isa-isa na silang umupo sa kaya-kanyang upuan, SIya na katabi ng Reyna opposite ni Mavis, si Eden na katabi niya at si Castor habang nasa kabilang gilid si Gavin at Gideon.

Nagsipasukan na ang mga maid at isa-isang inilabas ang mga putahe na kakainin nila. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Matapos na mailapag ang mga kinain ay kinuha ng kanyang ina ang isang kopita.

Lumapit ang isang taga-silbi para lagyan iyon ng wine. Habang ang lahat ay busy na sa pagtingin ng pagkain hindi niya maiwasang mapakunot noo.

Pinagpapawisan ng malamig ang taga-silbi at nang pakinggan niya ang tibok ng puso nito napakabilis na animo kinakabahan ito.

Napatingin siya sa hawak na kopita ng ina, kumilos siya at saka mabilis na tinabig ang basong iinumin na sana nito.

"Jeffry!" nae-eskandalo na sigaw sa kanya ni Castor. Pero natahimik ito nang mapansin ang umuusok ang wine na natapon sa sahig tanda na may lason itong kaakibat.

Binalingan niya ang tagapagsilbi at hinawakan ito sa leeg. "You dare to kill the Queen in front of me?" hanggang sa unti-unti niya iyong hinigpitan.

Sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng matinding galit. Nakikita na niyang nauubusan na ito ng hininga at pilit na tinatanggal ang kamay niya sukdulang kalmutin siya nito.

Pero wala siyang pakialam, wala siyang naririnig at ang nasa isip lang niya ay kung papaano niya tatapusin ang wala nitong kwentang buhay. Nagiba ng kulay ang kanyang mga mata tanda na nailabas na lumabas ang kanyang kapangyarihan.

Naririnig niya ang mga umaawat na boses ni Castor pero 'ni isa man sa ito at walang magawang makalapit sa kanya. His bloodlust is too intense that rendering them to move.

"Jefferson stop!" natauhan lang siya nang marinig niya ang boses ni Eden.

Binitawan niya ang taga-silbi na naghahabol nan g hininga. Mabilis itong dinaluhan ni Castor at agad na hinawakan dahil baka sakaling tumakas pa ito. Kumilos ito pero mabilis niya itong inunahan, ipinasok niya ang maya sa bibig nito na siyang nakagat nito.

A Wicked PromiseWhere stories live. Discover now