Chapter 14: The Calling

380 20 0
                                    


A/N: 

Last six chapters na minna! Please keep on supporting until the end! 

enjoy the chapter lovelies! 

NAKAUPO si Jeffry sa may garden ng palasyo gabi na kaya tahimik ang buong paligid. Kung tutuusin ay dapat na kasama niya si Eden pero dahil nga envoy siya ng vampire coven at walang nakakaalam ng pagiging hybrid niya minabuti na lang niyang wag munang lumapit kay Eden limang araw lang ang kailangan niya mag-stay sa Winchester at magagawa na iyang makasama ang mate habang buhay.

Pangalawang araw na niya sa loob ng kastilyo wala naman siyang ginawa buong araw kung hindi ang mag obserba lalo na sa reyna ang kanyang ina. May pagkkataon na napapasin niyang tatahimik ito at saka titingin sa malayo. Sa mga ganoon na pagkakataon ay tinitignan lang niya ito.

Dahil kahit na gusto niyang paulanin ito ng tanong hindi pa rin niya mabubura ang katotohanan na iniwan sila nito para sa isang trono at kaharian. Kapangyarihan at kayamanan sino nga ba naman ang makakatanggi sa dalawang bagay na 'yon? Kung ikokompara sa dati nilang barong-barong sa isang maliit na probinsya sa northern Europe.

Pero tuwing naalala niya ang mga nangyari noon ung mga panahon na sa simpleng bagay lang ay masaya na silang tatlo. Ang mga ngiti at tawa ng kanyang ina, ang mga yakap at halik nito. Lahat ban g mga iyon ay kasinungalingan?

He wants to know everything but his heart ism't ready to be there in that situation to confront his mother. Natatakot siyang lahat ng mga tinanim niya sa utak niya ay hindi totoo, na siya ang mali, na tama ang kanyang ama na hindi siya dapat nagtanim ng galit sa kanyang ina. Pero ano nga ba ang gagawin niya? Galit ang siyang dahilan kung bakit nagawa niyang lagpasan lahat ng pagsubok, dahilan kung bakit siya nasa kinalalagyan niya ngayon.

Hindi pa niya kaya na kausapin ang kanyang ina pero sana lang, sana sa panahon na naririto siya magagawang makausap man lang ito. Tumingala siya sa langit, hindi katulad sa mundo ng mga mortal dalawa ang buwan doon at namumutiktik ng mga bituin ang langit.

Sariwa ang simoy ng hangin at tahimik ang gabi maliban na lang sa isang mga insekto na naririnig niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at para bang may umihip na hangin sa tenga niya at tinatawag siya.

"Jefferson..." para siyang bulong at hindi niya alam kung babae o lalaki ang boses pero parang may kung anong naguudyok sa kanya na sumunod sa boses. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa garden at sumunod sa boses.

Hindi niya alam kung anong meron at parang may sariling utak ang katawan niya at sumusunod sa boses ilang pasilyo at kanto ang nilakad niya at sa hindi malamang dahilan ay wala man lang siyang nakitang mga kawal na nakakalat.

Hanggang natapat siya sa isang napakalaking pintuan mas maliit ng konti sa gate ng palasyo pero mas maganda at ilang intricate designs ang nakikita niya.

"Jefferson..." narinig na naman niya ang boses. Akmang hahawakan pa lang niya ang pintuan nang kusang bumukas iyon. Isang malawak na lugar ang agad na bumungad sa kanya. Sa gitna ng malawak na kwarto ay isang tila lawa at lutingtang roon ang tungkod na nakita niyang hawak ng reyna kahapon.

Pumasok siya sa loob at marahan na nagsara ang pinto, muli niyang narinig ang tinig saka lang niya napagtanto na ang tungkod ang may pakana ng lahat.

Lumapit siya rito at parang may sariling isip ang lawa at binigyan siya ng daan, parang isang salaming tulay para tuluyan siyang makalapit sa staff.

Hahawakan palang sana niya ito nang marinig niya ang boses ni Mavi

"Anong ginagawa mo rito?"

Ibinaba niya ang kamay saka hinarap ito. "Masama bang pumasok rito wala naman nakalagay na bawal."

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon