Chapter 7: Giving up?

435 17 0
                                    


A/N: 

Halo Halo! ang tagal ko nang hindi nakakapag update hahahaha pero don't worry uusad na talaga 'to pramis by June kasi ipo-post ko na 'yung story ng kambal ang dami ko pang tengga na story :P 

enjoy lovelies <3

HINDI na nagawa pa ni Eden na umiyak dahil sa mga sinabi sa kanya ni Jeffry dahil kinailangan niyang i-focus lahat ng pansin niya sa pakawala ni Rina. Na-kidnap ito ng mga taong hindi nila kilala. Kaya naman silang dalawa ni Reese ang inatasan ni Ave para hanapin ang dalaga.

Actually mukhang hindi naman talaga siya kailangan ni Reese dahil mabilis na nitong nalaman kung saan ang kinaroroonan ng bestfriend nito. Hindi siya malapit kay Rina pero alam niyang mabait ito at hindi man sabihin sa kanya ay tuwing nagkikita sila nito ay para siya nitong tinatrato na nakakabatang kapatid na babae.

Madalang lang silang magkita dahil binabalanse niyaang oras sa eskwelahan at sa training niya bilang isang witch. Nang makita niya si Jeffry parang hindi pa rin sumusuko ang puso niya na gutuhin ito dahil kahit na nasasaktan ay mas lalo lang lumalakas ang pintig ng puso niya.

May pagka masokista yata siya pero idinahilan na lang ng isip niya na masyado pang sariwa ang nangyari kaya siguro hindi pa rin tumitigil ang puso niya. Muli nga niyang naramdaman ang pagkabasag 'non dahil sa kung paano umakto si Jeffry noong nakausap nila or rather ni Reese mas pinili na lang niyang hindi pansinin ang inakto nitong pakikitungo sa kanya dahil alam niyang wala rin naman patutunguhan ang luha niya kung sakali mang umiyak siya.

"Eden." Napaksilot na lang siya nang marinig ang boses ni Reese.

Nakita niya ang simpatya sa mga mata nito mukhang alam na nito ang nangyari sa kanya. Nasabi na marahil ng kanyang ama, disappointed ito sa ginawa ni Jeffry pero ayon ditto wala na silang magagawa lalao pa at hindi kayang turuuan ang puso kung sino ang gusto nitong mahalin.

"I think its better kung tigilan muna natin ang lesson for today your upset baka magkamali ka ng paglalagay ng ingredients sa potion sumabog k a pa dyan." Sabi nito. Mag-iisang linggo na silang walang balita kung anong nangyari kay Rina.

Umalis sina Ave kasama si Emerson, alam niyang dapat na relieve ang itsura ni Reese dahil wala na ang nanggugulo rito pero napansin niyang matamlay ito at worried hindi lang marahil para sa bestfriend nitong si Rina maging kay Emerson.

Hindi man halata alam niyang may gusto ito sa lalaki lalo pa sa paraan ng pagtingin nito ay ang itsura tuwing nasa malapit lang si Jeffry kahit na ba tinatakpan nito ng pagkairita ang nararamdaman.

"Mabuti pa nga, ang hirap din kasi ng ganito."

Lumapit sa kanya si Reese saka ipinalibot sa kanya ang bisig nito she can't help but sigh as he felt her warmth. "Don't worry Eden makakahanap ka rin ng lalaking para sa'yo."

Ipinikit na lang niya ang mata at sana magkakatotoo ang sinabi nito dahil hindi niya alam kung hanggang kailan magiging matatag ang puso niya sa sakit.

MALALAKING hakbang ang ginawa ni Eden habang papasok sa Majestic Palace ang restaurant na pagmamay-ari ni Reese. Kanina kasi ay tinawagan siya nito para sabihin ang update tungkol sa nangyari kay Rina at mukhang naging maganda ang resulta kaya naman pagkatapos niya sa eskwelahan ay halos liparin na niya ang papunta roon. Kung hindi nga lang siya pinagbabawalan ng ama ay gagamitin na lang niya ang isang transportation spell para makarating agad sa dapat niyang puntahan.

Pero hindi na niya pinansin pa ang issue na 'yon, nangmamataan niya ang restaurant ay lakad takbo na ang ginawa niya at dire-diretso lang siya sa loob hanggang sa makita niya si Reese sa potion room.

A Wicked PromiseWhere stories live. Discover now