Chapter 6: Heart Ache

457 22 1
                                    

A/N: 

Sakit sa heart </3 :(

HALOS hindi makatulog si Eden dahil parang sirang plaka ang utak niya na paulit-ulit na nire-replay ang last dance niya kasama si Jeffry it was the first time that she see him like that. Na para bang siya lang ang kaisa-isang babae sa buhay nito na ayaw nitong mawala siya sa paningin nito kahit sandali lang.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay tumayo siya at muling tumingin sa salamin para lang sipatin ulit ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Jeffry. HInid niya maiwasang muling mapangiti sa nakita. Pero pakiramdam niya ay sa mga susunod na araw ay may mangyayaring hindi maganda na siyang nangyari nang mabalitaan niyang umalis si Jeffry kasama si Ate Rina para maging bodyguard nito.

Tuloy hindi niya maiwasang ma-disappoint nang malaman niyang tinakasan na naman siya nito.

"Hey, you okay?" tanong sa kanya ni Reese habang naghahalo siya ng potion sa ceramic couldron na ibinigay pa sa kanya ng kanyang ina.

"Yeah, pero ang hirap lang kasi, hindi ko maintindihan ang mga ginagawa ni Jeffry."

"You choose to love him Eden, kaya dapat ngayon alam mo na kung ano klaseng ugali ang meron ang isang 'yon."

Napatingin siya rito dahil hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin.

"What do you mean?"

"Jeff always run when things became difficult for him minsan nga nagtataka ako kung paano siya naging kaibigan ni Marlon dahil ang isang 'yon laging hinaharap ang mga problema hindi katulad ng lalaking gusto mo. Kaya nga hindi na ko nagtataka kungbakit palagi na lang nagaaway ang dalawang 'yon."

"Parang hindi naman ganon si Jeffry." Pagtatanggol niya sa binata pero sa loob loob niya ay hindi niya mapagkakaila na totoo ang sinasabi ni Reese.

"Alam mo kung hindi ka lang anak ng pinsan ko matagal ko nang iniumpog 'yang ulo mo para magising ka sa katotohanan dyan kay Jeff." Anito saka namaywang sa kanya.

Hindi naman niya maiwasang mapangiwi dahil alam niya sa sarili niyang may katwiran ang mga sinasabi nito pero iba kasi ang sinasabi ng puso niya na madalas niyang hinahayaang mag desisyon sa lahat.

"I can't help it you know? Hindi ko nga rin maintindihan na sa dami ng pwedeng magustuhan ay siya pa."

Tinignan siya nito nang mataman saka nagsalita. "Eden you are already eighteen, you do know about mates, right?"

"Yeah, my father already explained it to me when I was sixteen."

"Good, unlike kasi sa mga vampire na madali lang ma-track ang mga mates nila witches can't easily track ours unless there are circumstances that are involve."

"Yes."

"Do you know those?"

"Ang sabi saken malalaman ko lang daw kung nasa malapit ang mate ko if my senses is heightened because of our bond. Then malalaman ko lang daw na siya 'yon if he kissed me on the lips and increases my power. And lastly my heart will tell me if he is really the one."

"Correct at nararamdaman mo ba ang lahat ng 'yan kay Jeff?"

"I-I don't know." Bigla siyang nalito sa mga sinabi ni Reese. Kasi kung talagang mate siya ni Jeff hindi ba dapat ang binata ang nagasabi sa kanya noong debut niya? He's a half breed at kahit na ganon ay may parte pa rin itong vampire so he will already know by scent na siya ang mate nito hindi ba? But Jeffry may act different that time she thinks its nothing.

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon