014

162 22 9
                                    

"babalik na si mama... kasama si kyulkyung" sabi ni daehwi kay jinyoung nang nakahiga na sila sa damuhan ng kanilang bakuran.

hindi makapaniwala si jinyoung sa narinig niya. nanghina siya bigla.

"p-paano na yan?" tanong ni jinyoung kay daehwi na nakatunga-nga lang sa tabi niya

"gusto kong lumayas dito sa bahay kasama ka." sagot nito at agad nagulat naman ang binata dahil alam niyang imposibleng maka-layas si daehwi sa mala-empyernong bahay nila.

pero in second thought, sangayon si jinyoung sa sinabi ni daehwi. kung tutulong si dahae sa pagtakas ko kay daehwi, malamang magiging posible yun diba?

"kailan sila darating dito?" tanong ulit ni jinyoung sa binata.

"bukas"

biglang napalunok ng laway si jinyoung. pati siya ay kinakabahan na dahil bukas, dadating ang demonyo niyang girlfriend.

tumayo si jinyoung mula sa damuhan at pumatong sa katawan ni daehwi

"huh? nasaan ang araw?"

"akala ko ba ako ang sunshine mo, dae?" ngumisi si jinyoung nang hinawakan ni daehwi ang mukha niya. agad namang sinampal ni daehwi si jinyoung at tumawa.

"baliw. umalis ka nga sa harapan ko, bae jinyoung. ine-enjoy ko ang init ng araw okay."

"hot rin naman ako ah. hindi mo ba natatandaan yung nakita mo ko sa cr na nakahu--"

"tangina mo bae jinyoung wag mo nang ipaalala sakin yun!!!" tinulak ni daehwi si jinyoung at agad namang napahiga si jinyoung sa damuhan.

"tapos sinabi mo kila jihoon na ang hot kong tignan yieeeeee" tumawa si jinyoung dahil pulang pula na si daehwi sa galit at kilig.

"bwisit ka talaga" umirap nalang ito at tumalikod kay jinyoung.

galit na siya, jinyoung thought. hindi niya gustong magalit si daehwi sakanya kaya gumulong ito papunta sakanya at niyakap si daehwi

"sorry na daehwiiiiiii~" niyu-yugyog niya si daehwi habang nagso-sorry ng paulit ulit sakanya

pinaharap niya si daehwi at hinalikan ang kanyang pisngi.

kitang kita sa mukha ni daehwi ang hiya kaya tinakpan niya ang kanyang mukha.

tinanggal ni jinyoung ang kamay ni daehwi sa mukha niya at tumawa

"KINIKILIG SIYAAAAAAA" sigaw ni jinyoung. "ANG CUTE MO KAPAG KINIKILIG" dagdag niya pa.

"tumigil ka nga." pabebeng sabi ni daehwi at mahinang hinampas ang braso ni jinyoung.

ngumiti si jinyoung dahil bumalik ang pabebeng daehwi na minahal niya noon pa.

"uy. sunset na." tinuro ni jinyoung ang lumulubog na araw— pero naalala niyang bulag pala ang mahal niya.

"sana ganito nalang tayo lagi no? walang away or gulo, happy lang! masaya ako dahil nagbalik ka na sa buhay ko, dae. diba—" bigla siyang napatigil nang lumingon siya kay daehwi na nakatulog na pala sa tabi niya.

hindi niya maiwasang ngumiti.

"i love you daehwi" bulong niya sa hangin at hinalikan si daehwi sa labi. "i will always love you."

BLIND .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon