013

153 20 4
                                    

*kring kring*

"hello bae--"

"daehwi anak! mama mo to."

ay— sana hindi niya narinig yung bae.

"uy ma haha. sana kay dahae ka nalang tumawag ma. alam mo naman na hindi ko basta bastang maabot ang telepono dahil malayo ito sa kama ko."

kahit nasa tabi ko lang naman ang telepono ko.

"ay ganun ba anak? sorry ah hehe. gusto ko lang kasi sabihin na uuwi na ako ngayong sabado at may kasama ako sa pag-uwi ko dyan."

"sino kasama mo ma?"

"yung anak ng kaibigan ko dito sa japan. si... kyulkyung ba yun— ah basta. sabi kasi niya, dyan din nakatira ang boyfriend niya at plano niyang i-sopresa ito hehe. ang sweet nila n--"

agad na binaba ni daehwi ang telepono dahil sa lungkot at galit na nararamdaman niya nung narinig niyang darating ang girlfriend ni baejin na si kyulkyung kasama ang kanyang ina.

humiga siya sa kanyang kama, umiiyak. inaalala niya kung bakit ngayon pa nangyari ito. ngayon pa na nagka-ayos na sila ni baejin.

hindi niya gustong mawalay ulit sa binata ngunit dadating ulit ang dalawang tao na sumira sa kanilang relasyon noon— at baka ngayon.

"hindi ba pwedeng sumaya ako kahit saglit lang? pagod na kasi ako sa kakaiyak dahil sa lungkot na nararamdaman ko. may galit ka ba saaming mga lalake na nagmahal din ng lalake kaya ginagawa mo 'to?" iyak ni daehwi at kinikwestiyon ang Poong Maykapal.

"kahit saglit lang Lord oh. gusto kong sumaya kasama si jinyoung. gusto kong lumayas dito sa pamamahay na ito at hindi na ako babalik dito."


mali ang sinabi ni daehwi at alam niya iyon. pero kapag relasyon nila ni jinyoung ang nakasasalay, kahit tama man o mali, gagawin niya parin ito para sa kaisa-isang lalake na minahal niya ng tunay.

BLIND .Where stories live. Discover now