018

145 20 7
                                    

naging matagumpay ang pagtakas nilang jinyoung, daehwi at ni dahae. kinuha ni jinyoung ang ilang damit ni dahae at ni daehwi bago umalis kasama ang mag-kapatid.



"oh. buti dumating na kayo." sabi ni jaehwan at pinapasok ang tatlo sa bahay ni minhyun.


tinulungan dahae si daehwi na umakyat sa guest room habang si jinyoung naman ay nasa kusina kasama ang kanyang mga ka-tropa.


"ano ba ang plano mo, jinyoung?" tanong ng nakakatanda sa kanya.


"ewan ko jisung hyung. ang importante, nakalayas na kami sa bahay namin. buti nalang medyo malayo ang bahay niyo sa bahay namin haha baka puntahan tayo ni kyulkyung at ni tita ayla dito." sagot nito.


tumango lang ang iba habang si minhyun naman ay napa-iling naman.



"bakit ka umiiling, minion?"


"mas mukha ka pang minion sa atin, sungwoon. umiling lang ako dahil baka magkatotoo yung sinabi ni jinyoung na lulusubin ng mga demonyita ang bahay ko jusko"


pagkatapos nilang magchikahan ay pinuntahan niya silang daehwi at dahae sa kwarto.


mahimbing na natutulog si daehwi habang si dahae naman ay naglalaro ng barbie sa tabi nito.


nakita ni dahae si jinyoung kaya dali-dali siyang pumunta sa binata at niyakap ito.


"kuya jinyoung! thank you dahil tinulungan mo kami ni kuya dae. nagpapasalamat ako dahil kayo na ulit ni kuya. sana hindi na kayo magkahiwalay." mas hinigpitan pa ng bata ang yakap kay jinyoung.


yumakap pabalik si jinyoung at nagsalita. "okay dahae. hindi ko iiwan ang kuya mo."

BLIND .Место, где живут истории. Откройте их для себя