"No we can't do that." Napataas ang isang kilay ko dahil dito.

"And why not?" Mataray kong tanong.

"Baka sabihin nila sa parents nila na pinagbibintangan natin sila. We'll lose the trust of the students' parents. At hindi pwedeng mangyari yun." Nanghahamon talaga sya.

"Baka...gusto mong tawagan namin ang dad nya? Para makausap mo?" -Skyla.

"Hmm...pwede naman. Sige pakitawagan." *smirk* nagkamali ka ng desisyon tanda.

Nagkatinginan kami at napagdesisyunan naming si Jordyn na ang tumawag. Oo. Nag uusap kami gamit lang ang mata namin.

*Kriiiing**Kriiiiing*

"Hello tito?...Meron po kasing gustong kumausap sainyo...yung dean po ng school mo...tungkol daw kay Zerah...I don't know tito, ask the dean." Tumigil na si Jordyn at ni-loud speaker ang phone nya.

"Tito ayan na po sya." -Jordyn

"Hello? Dean, what is the problem?" Nagulat si Dean ng sobra. Hindi nya yata inasahan na ang owner ng school ang dad ni Zerah.

"A-ah wala po sir. Uhm, i-cclear na po namin ang kaso ng anak nyo. Sorry sir." -Dean

"Hmm...okay. Good. Oh, and one more thing..." Hinintay namin ang sasabihin ni tito.

"You will go here immediately. I have payed for your ticket. Just claim it from my daughter's butler." *smirk*

I know what tito is planning. For sure ay nagquick message si Jordyn kay tito to tell the problem.

Para mabigyan ng karampatang parusa ang dean. *smirk*

Paano eh parang sinabi nyang wala syang tiwala kay tito na magagawan nya ng paraan kahit subukan nila Ashley Tan at Steffanie Jin na siraan ang school.

Hindi mapapatumba ng basta reklamo at paninira ang Gehenna University.

Sorry dean...but this is the last day for you in being a dean. *smirk*

**

"Wait...so paano pala yan? Kailangan umakto tayo sa harap ni Zerah na walang problema at wala tayong alam." -Rain

Sinumbong kasi ni Jordyn si Ashley Tan at Steffanie Jin kay tito. And tito already took care of it. Sinigurado rin nyang hindi nila malalaman ang relasyon nya kay Zerah.

Sinigurado nya ring hindi kakalat sa buong school ang ginawang pambubugbog ni Zerah sa dalawa.

Kapag nalaman ni Zerah na pinagkalat yun ni Ashley, siguradong maghihiganti yun. At hindi sya titigil hangga't hindi magpa-public apology yung dalawa.

At yun ang ayaw naming mangyari. Dahil mabubunyag ang sikreto nya.

Kaya ngayon ay gagawin na namin yung plano namin para linlangin sya.

Para lang naman akalain nyang hindi pinagkalat ang ginawa nya.

*End of Flashback*

Ngayong alam nyo na, hindi na kayo naguguluhan diba?

"Uwi na tayooooo." -Rain. Ano na namang sumapi dito at tinotopak?

"Uwi ka mag-isa mo." -Skyla

"Gaga uwian na. Uwi na tayo." -Jordyn

"Uwi lang. Walang tayo." -Skyla

"Eh anong gusto?! Uwi na ako  ikaw, sya at sya?! Ako wag mo kong ginaganyan!" Sabi ni Jordyn sabay walk out.

Saming lima, sya talaga ang pikon. Sumunod si Skyla, Rain, Ako at huli ay si Zerah.

Kaya kapag si Zerah ang pinikon mo, ihanda mo na ang kabaong mo. Dahil hindi ka na sisikatan ng araw.

Gehenna University: School of GangstersKde žijí příběhy. Začni objevovat