PANGAPAT

3 1 1
                                    


Naglalakad ako sa corridor ng eskwelahan ng biglang may sumukbit sa balikat ko.

"Good Morning Bestfriend!" Celestine, my bestfriend was smiling widely at me.

"Good Morning too. Bakit ang saya mo aga ngayon?" Napangiti na lamang ako. Nakakahawa ang ngiti ng bestfriend ko.

"Mamaya na ang fitting para sa prom natin. Naeexcite na ako." She said in glee. Natawa na lamang ako sa kanya.

Sa susunod na linggo na nga pala gaganapin ang aming Prom. We we're already in our 4th year of highschool. It's amazing how fast time flies. Hindi mo namamalayang maraming panahon na pala ang lumipas.

Naglakad kami patungo sa classroom. Nakasukbit pa rin ang kanyang kamay sa aking braso. Magkatabi kami ng upuan. May nakita akong isang pulang rosas sa aking mesa.

"He's at it again. Ayieee!" Bahagya akong tinulak ni Celestine habang malawak ang ngiti. Ngumiti na lamang ako.

He's doing it again. It started two weeks ago. Someone's randomly sending me flowers and chocolates. Hindi man araw-araw ay madalas iyon. Bahagya kong binasa ang nakasulat na note.

"I hope I can be your escort."
-R ❤

"May idea ka ba kung sino iyan? He's been sending you flowers and chocolates lately. Malakas ang tama sayo ng isang iyan Lia." Sinundan iyon ng bungisngis ng bestfriend ko.
Luminga linga siya sa paligid bago muling bumaling sa akin.

"Could it be Rake? Or Ryan? Or Rye? Those guys seems to be close to you. Maybe one of them is secretly admiring you." Halos mapunit ang kanyang labi kakatukso.

"I don't know. Maraming lalaki dito ang nagsisimula sa R. Mahirap mag conclude at ayoko rin namang mag assume." Simple ko na lamang sabi bago dinampot ang rosas at isinilid sa aking bag.


Papunta ako sa bahay ngayon nila Celestine. Ngayon ay sabado. Araw na makikita na namin ang ipinagawa naming gown. Isang mamahaling designer ang kinuha nila Tita para kay Celestine. Nais ko mang tumanggi sa alok nilang sagutin ang gown ko ay nahiya naman akong biguin sila. Isa pa ginamitan din ako ng pagtatampo ni Les. Kaya ang plano namin ni Nanay na magrenta lamang ay napurnada.

Isang ngiti ang iginawad ko sa guard na agad naman nitong sinuklian. Bawat masasalubong ko patungo sa main door ng mansyon ay nginingitian ko at ganun din sila sa akin. Matagal tagal rin nanilbihan si Nanay bago siya tumigil noong nakaraang taon. Nagkaroon kasi ng magandang oppurtunidad si Tatay sa ibang bansa kaya kami ay nakaluwag.

Pagdating ko sa main door ay narinig ko ang malakas na busina kasabay ng paghinto ng mamahaling pulang kotse sa gilid ko. Bahagya akong napalundag sa gulat. Alam ko na agad kung sino ang may ari niyon. Masama ang tingin ko habang bumubukas ang pinto niyon.

"Hi Lia!" Itinaas nito ang suot na salamin. Sa tangkad nito ay umabot lamang ako sa kanyang dibdib. Siguro ay dahil na rin na sadyang maliit ako. Ang kanyang suot na puting polong tinupi hanggang siko ay namumutok ang tela sa braso. So he's hitting the gym ah? Sa kanyang pangang prominente ang pagkakaukit, sa matulis na ilong at malalim na mata ay isa lang ang masasabi ko. Mukha siyang tipikal na Fuckboy of Manila.

"Oh bakit nandito ka? Anong ginagawa ng isang fuckboy dito?" Nakataas lamang ang kilay na tugon ko. Magmula ng magtrabaho si Nanay dito ay ayaw ko na sa kanya. Madalas niya akong pagtripan noon.

Noong 16th birthday ko ay natatandaan kong bigla niya akong hinalikan malapit sa labi. Asar na asar ako noon kaya binato ko siya ng sandok.

"Woah! Saan mo naman natutunan ang salitang iyan Lia? At hindi ako fuckboy ah!" Nakikita ko ang pagkaasar sa kanyang mukha. This is the best part.

"Don't deny it. Alam natin parehas ang totoo. O baka naman gusto mo ipaalala ko sa iyo ang una nating pagkikita." Ngumisi na lamang ako. Unang puntos para kay Mahalia.

"Tss. Ano bang ginagawa mo dito?" He's changing the topic. From this moment, I know I got a point.

"Titignan ko ang gown namin ni Les para sa prom." Nakangiti na lamang ako sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.

"Then, let's go." Hinawakan niya ang aking kamay at hinatak ako paakyat sa hagdan. Nadama ko ang kuryente na dulot niyon. Halos sakupin ng kamay niya ang kamay ko. My hand is too small for him.

Binuksan niya ang pinto niyon. Bumungad sa amin ang designer at sila Tita at Les. Dumapo ang mga mata nila sa kamay naming magkahawak ni Ryker. Agad kong hinila iyon upang makalas sa kanyang pagkakahawak saka ngumiti kila Tita.

"Magandang araw po." Nilapitan ko sila upang humalik sa pisngi nila Tita at Celestine.

"Magandang araw rin. Halika at isukat nyo na ang gowns nyo." Mababakas ang pananabik sa mukha ni Tita. Hinila niya kami patungo sa isang pinto.

Dalawang ball gown ang bumungad sa amin. Ang royal blue na halter na para kay Celestine. Siguradong bagay ito sa kanya at magmumukha siya lalong prinsesa at ang katabi niyon. Ang para sa akin.

Ang kulay pulang ball gown na may sweet heart neckline ang para sa akin. Pula dahil ito ang paborito kong kulay. Ang mumunting mga bato ang nagpakinang dito. Napakaganda. Naisip ko tuloy kung babagay ito sa akin. Napakaelegante nito na nakakapanghinayang madumihan kung sakaling suotin ko.

Sinukat namin ito ni Celestine. Inaalalayan siya ni Tita ng matapos ako. Lumabas ako at natagpuang si Ryler na lamang ang naroon. Nakaupo siya sa sofa hawak ang kanyang iphone. Nag angat siya ng tingin ng maramdaman ang aking presensya at bahagyang napanganga.

Humarap ako sa salamin sa may gilid at pinagmasdan ang sarili. Ang pulang kulay ng gown ay bumagay sa maputla kong kutis. Ang hanggang bewang kong wavy na buhok ay nakalugay. Bahagya ring may guhit sa gitna ng aking dibdib. Naramdaman ko ang presensya sa aking likod. Mula sa salamin ay nakita ko si Ryler na nakatingin rin sa aking repleksyon. Nagkatitigan kami sa pamamagitan ng salamin.

"Napakaganda mo Lia." Naramdaman ko ang pagdantay ng kanyang magaspang na kamay at bahagyang paghimas nito sa aking balikat. Ang kakaibang pakiramdam ay bahagyang dumalaw sa akin.

"Alam ko." Bahagya ko iyong sinundan ng tawa. Umaasang mapapalis nito ang kakaibang nararamdaman. Bahagya siyang yumukod sa akin. Ang kanyang hininga ay nararamdaman ko sa aking tainga.

"May escort ka na ba?" Nanindig ang balahibo ko sa kanyang bahagyang pagbulong.

"Wala pa." Sinikap kong maging matatag sa bawat pagbigkas ng salita.

"Hindi ka makapili? Imposibleng walang mag alok sayo." Nakaramdam ako ng konting pait mula sa kanya. Hindi ko matunton kung bakit mayroon.

"Parang ganoon na nga." Sagot ko sa kanya ng tapat.

"Why Lia? Masyado ba silang marami at nahihirapan ka?" Bahagyang dumiin ang kanyang hawak ngunit agad rung binawi ng mainit na haplos kasunod nito.

"Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lamang makasakit ng iba sa oras na pumili ako at tanggihan ang alok ng iba. Ayaw kong masaktan sila dahil malapit silang lahat sa akin." Bahagya kong narinig ang kanyang pagsinghot sa aking buhok.

"Don't choose from them My Lia. You don't need to. Choose me cause I will be. I will be your escort Mahal... Lia." Natulala na lamang ako sa pagkakagulat mula sa salamin at kasabay nito ang pagdako ng aking paningin sa kanyang kamay sa aking balikat na dumausdos sa pababa sa aking braso.



Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Sep 08, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

No LabelNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ