PANIMULA

22 3 0
                                    


“Lia, Lia alas kwarto na. Tumayo ka na dyan at mag ayos. Kailangan na natin pumunta sa palengke.” Isang pagyugyog ang ng istorbo sa mahimbing kong tulog.

“Nay antok pa ko. 5 minutes na lang.” Inaantok kong tugon at sunubukang uli bumalik sa tulog. Umaasang sasapat ang 5 minuto na palugit.

“Mahalia bilisan mo na. Mahuhuli na tayo. Mas lalo tayong mahihirapan kung patuloy ka pang matutulog dyan. Bilisan mo na at para makauwi tayo ng maaga.” Patuloy sa pagyugyog sa akin si Nanay.

Pupungas-pungas akong umupo sa higaan. Ang sahig na marmol na nilatagan ng plywood at kumot ang nagsisilbi naming pahingahan. Saglit akong natulala. Iniisip kung kelan kaya muli akong makakatulog.

Ang ate ko ay mahimbing na natutulog gayundin ang bunso kong kapatid na lalaki. Nakaramdam ako ng kaunting inggit ng marinig ang kanilang munting hilik. Siguro kapag nabigyan ako ng pagkakataong matulog, parang sirena ang magiging hilik ko.

“Huy Lia! Kilos na!” Ang mahinang pagpalo ni Inay sa braso ko ang nagpabalik sa aking diwa. Napasimangot ako at bumuntong hininga. Tumungo ako sa banyo at inalis ang aking saplot. Tumapat ako sa shower at pikit matang pinihit iyon.

“Whoooh!” Bumilog ang bibig ko sa nakakapanindig na lamig. Nanginginig ako sa bawat haplos ng tubig sa aking balat.

“Nay, ang lamig!” Ang bungad ko kay Nanay pagkalabas ko ng CR.

“E kung hindi ka ba naman loka-loka. May mainit na tubig sa may takure akong hinanda para sayo.” Natigilan ako at maang na napatingin sa kalan kung saan nakapatong ang takure.

“E Nay di mo naman sinabi.” Maktol ko at napapadyak pa.

“Ewan ko sayong bata ka. Magbihis ka na at baka wala na tayong maabutan.” Umakyat ak sa ikalawang palapag ng bahay naming at kumuha ng masusuot. Isang sweater at maong na shorts ang napili ko. Pagkababa ko ay saka ako kumain ng pandesal at kape. Makalipas ang ilang sandali ay umalis na kami ni Nanay.

Malamig ang madaling araw na iyon. Nilalamig ako sa shorts na suot ko. Bahagya akong nagsisi kung bakit hindi ako pumili ng mas mahaba.

Ngunit agad ko iyong iwinaksi sa aking isipan dahil panigurado, bukas ay ganito pa rin ang susuotin ko. Hindi ako komportable sa mga mahahaba. Parang sinasakal ang hita ko. Ang tanging mahaba lang na natatyaga ko suotin ay ang paldang uniforme ko sa paaralan.

Pinara ni Nanay ang isang jeep patungo sa isang pamilihang pang lungsod. Inilagay ni Nanay ang ulo ko sa kanyang balikat at saka hinawakan ang aking mga kamay. Tinignan ko siya at nakita syang nakapikit. Mahaba haba pa naman ang byahe.

Isang kusinera si Nanay. Si Tatay naman ay taxi driver. Madalas ay tuwing hapon namamasada si Tatay at umaga na uuwi. Hindi kalakihan ang kita ni Tatay kaya naman kailangan din kumayod ni Nanay para sa pangangailangan naming pamilya.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang pangalawa. Ang ate ko ay mas matanda sa akin ng dalawang taon at ang bunso kong kapatid ay apat na taon ang agwat sa akin. Ang ate ko ay may hika kaya naman ako ang katulong ni Nanay sa paghahanap-buhay.

30 minutos matapos ang alas singko ng makarating kami sa palengke. Buhay na buhay at maingay. Taliwas sa mga kabahayan na payapang namamahinga ng mga oras na iyon. Agad kaming nagtungo ni Nanay sa bagsakan ng mga gulay. Walang humpay na lakaran at tawaran ang naganap. Seven-thirty nang umaga ng matapos kami. Masikat na ang araw ng lumabas kami sa pamilihan.

No LabelWhere stories live. Discover now