PANGALAWA

8 4 0
                                    

Humahangos akong pumasok sa pinto. Agad isinara iyon at umupo sa pink na kama. Tumitibok ng todo ang puso ko. Shet! Ano yun?

"Relax lang. Mahalia Dumala. Nakita mo lang. Di mo ginawa. Wala kang dapat ikatakot. Sila meron. Wala kang ginagawang masama. Sila meron." Parang tanga kong kinakausap ang sarili ko. Pilit pinapakalma ang sarili. Nais kong kalimutan ang nangyari. Ipinikit ko ang mga mata. Umaasang ang itim na makikita ko pagpikit ay aambag sa pagkalma ko ngunit nagkamali ako.

"Wahhh! Nanayyyy! My virgin eyes!" Maiiyak na ko sa frustration. Ginulo ko ang buhok ko at para na kong baliw base sa itsurang nakikita ko sa salamin sa taas ng tukador. Oo nga at nakakita na ko nun kay Theo pero nang minsang nacurious ako at mag isa ako sa bahay ay nakiconnect ako ng wifi kila Mimi at ganoon nga ang nangyari pero mabilis lang yun. So basically, virgin pa ang mata ko sa live!

Nabaling ang paningin ko sa pagikot ng doorknob. Kinabahan ako dahil baka iyong lalaking may kaulayaw ang nagbubukas. Bumukas ito at iniluwa ang babae. Napahinga ako ng maluwag at nakita ko siyang ngumiti.

"O anong nangyari sayo?" Nagbago ang itsura niya ng mapansing gulo gulo ang buhok ko. Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko? Kaso sa mukha ng isang to ay mukhang hindi niya pa alam ang ganoong mga bagay. Sabagay, bata pa naman kami.

"Teka, teka nga! Bakit ba tayo nandito? Baka naman pagalitan tayo at pumasok tayo sa kwartong to." Naalala kong hindi ko pa nga pala siya kilala. Baka mamaya anak rin to ng katulong tapis pumasok pasok pa kami ditto. Edi kinurot ako ni Nanay sa singit.

"Wag kang magalala. Walang magagalit. Akin tong kwartong to." Bahagya pa siyang natawa ngunit ng makitang nagtataka ang mukha ko ay tumigil siya at inilahad ang kamay.

"Ako si Celestine Villegas. Anak ako ni Mayor." Nanlaki ang mga mata ko. Tama lang palang hindi ko sabihin ang nakita ko dahil mayaman ang isang to. Malamang ay hindi to open minded. Tumango tango ako at natigilan lamang ng mapagtanto ang isang bagay.

"Ay naku Maam! Pasensya ka na! Napagkamalan pa tuloy kitang anak ng katulong. Sorry talaga tapos nakigamit pa ko ng banyo tapos nakiupo pa ko sa kama po. Naku Maam sorry!"  Tumayo ako at  pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko saka yumuko ng sunod-sunod. Kukuritin ako ni Nanay sa singit kapag nalaman niyang napagkamalan kong anak ng katulong ang anak ni Mayor. Iniisip ko pa lang ay nanakit na ang singit ko. Ibinaba niya ang kamay na  inilahad niya sa akin kanina.

"Hahahaha! Ano ka ba! Wala yun. Nakakatawa ka alam mo yun" Tinigil ko ang ginagawa at itinaas ang ulo. Kumunot ang noo ko.

"Anong nakakatawa sa paghingi ng tawad?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Natigil siya sa pagtawa at ngumiti na lamang.

"You're really funny. Just don't mind me." Nakalitaw ang mapuputi niyang ngipin sa manipis niyang labi na bahagyang pink ng kulay gaya ng damit niya.  Sa itsura niya ay pwede na rin siyang gawing display sa kwarto niyang ito. Pinkaholic!

"Halika ka! Aayusan kita." Masaya niyang sambit at hinila ang kamay ko patungo sa tukador na kulay pink rin at pinaupo sa tapat ng salamin. Kinuha niya ang kulay pink na brush at isinuklay sa buhok ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Nakatingin siya sakin mula sa reflection ng salamin.

"Mahalia. Mahalia Dumala pero pwede mo akong tawaging Lia. Iyon ang nickname ko." Nginitian ko siya dahil baka sabihin niya ay suplada ako. Baka makurot ako ni Nanay sa singit kapag nalaman niyang nagsuplada ako.

"Ilang taon ka na?" Pagpapatuloy niya sa pag-usisa.

"12. Kakagraduate ko lang sa Elementary. Sa pasukan ay sa Science Highschool ako mag-aaral." Umiiral na naman ang kadaldalan ko. Alam kong hindi siya nagtanong pero sinabi ko na rin. Mabuti nan a may pagkukusa.

No LabelWhere stories live. Discover now