PANGATLO

19 2 0
                                    

“Kuya!” Sabi ni Les sa lalaki at mula sa akin ay nalipat ang tingin niya kay Celestine. Napatingin naman ako kay Les. Kuya niya ang bastos na ito?

“Celestine! Kanina ka pa hinahanap nila Mommy. They nearly call the police. Hindi mo ba alam kung anong oras na?” Umiigting ang panga niya. Nagngingitgit ang ngipin niya habang nagsasalita para bang gigil na gigil.

“I’m sorry Kuya. Hindi kasi namin namalayan ang oras.” Nakayuko na siya na sa harap ng Kuya niya. Masyadong mabait ang isang ito.

Tinitigan ako ng lalaking nasang harap ko. Salubong ang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Bumalik ang tingin niya sa mata ko. Sinalubong ko iyon ng buong tapang. Naisip ko na wala akong dapat katakutan. Kung meron man dapat mahiya o matakot ay hindi ako iyon. Siya iyon. Nakita ko na nga ang pwet niya.

“And who’s this girl you’re with? Don’t talk to strangers remember?” Matiim pa rin ang tingin niya sa akin. Strangers? Hindi ako strangers. Stranger lang ako kung sakali. Tss! Saka kilala na ko ni Les. Bestfriends na nga kami.

“Hey! I’m not a stranger. We’re bestfriends.” Alma ko sa sinabi niya. Kala niya siguro ay hindi ako marunong mag English. 1st Honorable mention ako nung graduation naming kaya wag niya kong maenglish English diyan dahil kaya ko siyang sabayan.

“Really huh? And since when?” Tumawa pa siya na wala naman galak. Nang aasar ang mokong na ito.

“Since kanina!” Taas noo kong sagot sa kanya at hinila na si Les.

“Halika na! Uwi na tayo sa inyo. Nasstress ako.” Inirapan ko ang lalaki at saka naming siya tinalikuran ni Les. Sumunod siya sa likuran namin at hanggang sa makarating kami sa mansion.

Kumakalabog ang dibdib ko habang palapit kami sa mansion. Naunang pumasok si Les. Napahinto ako sa may gate. Lagot ako nito. Siguradong nag aalala si Nanay at makukurot ako sa singit nito.

“Scared huh?” Nilingon ko mula sa likuran ang lalaki. Matangkad din ang isang ito. Kung si Les ay hanggang  ilong ako ang isang to ay hanggang balikat lang ako. Nanliliit ako dito.

“At bakit naman ako matatakot ah? Kung may dapat matakot satin ay ikaw yun.” Ngumisi ako sa kanya at tinitigan siya. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya. Kamukha siya ni Celestine ngunit mapanga siya. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Ang malaking pagkakaiba lang nila ay ang kulay. Moreno ang isang to salungat sa maputing si Les.

“And what should I be scared about?” Nanghahamon pang tanong niya sakin at nginisian rin ako.

“Huh! Alam kong alam mo na iyon. Kaya tigilan mo ko kung ayaw mong isumbong kita sa Mommy mo or kung mas maganda kay Mayor mismo.” Hindi nawawala ang ngisi sa labi ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Nilawakan ko ang ngisi ko hanggang mauwi sa pang-asar na ngiti.

“Che!” I flip my hair at saka siya tinalikuran. Diretso akong pumasok sa mansion at nakita si Celestine kausap ang isang magandang babaeng kamukha niya. Nasa likod nito ang mukha na madalas kong makita sa mga poster. Ito marahil si Mayor. Nasa gilid ay ang nakayukong si Nanay. Nandoon rin ang mga kasambahay at iba pang tauhan.

“Nanay!” Tinawag ko si Nanay at tumingin siya sa akin. Tumakbo ako patungo sa kanya at yumakap.

“Ay nakong bata ka! Saan mo pa pinagdadala si Celestine ha? Tignan mo at kanina pa siya hinahanap.” Napatingin ako kila Les at sa mga magulang niya. Nakatingin rin sila sa amin.

“Sorry Nanay.” Humingi ako ng tawad kay Nanay at hinalikan niya ang ulo ko. Kumalas ako sa kanya at dahan dahan na naglakad sa tapat ng mga magulang ni Les. Nakita ko ang pagtataka sa itsura ni Nanay. Nginitian ko na lamang siya.

No LabelWhere stories live. Discover now