Fifty point one

3.3K 73 3
                                    

Chapter 50.1: Kiss

Shawn POV

I am now looking at Alliyah's face. Innocent and beautiful face. Nandito kami sa kwarto nya sa RYU. Tulog na sya. Kakarating lang namin dito. Pagkarating nila ni Aldren sa ospital, ako na ang sumalubong sa kanya. Pinaliwanag ko muna ang nangyari tapos naghintay kami sa labas dahil nasa ICU pa si Queen Kat--Sofia. Isa lang ang sinisisi nya sa nangyari, si Queen Katrina.

Matatagalan pa ata ang Mama nya sa loob kaya iniuwi ko muna sya. Nung ayaw pa umuwi, hinayaan ko nalang muna syang kumalma. Pumayag rin sya at tumuloy na kami pauwi at babalik kami bukas. Kakatawag lang rin ni Aldren na inilipat na raw ng kwarto at maayos na ang lagay pero hindi pa rin nagigising.

Alam mo ba kung anong nakakatawa? Sa schedule ni King Henry at Queen Katrina ay dadalaw sila sa Miyerkules. Binalita lang sa akin iyon ng Secretary nila.

"Shawn.."

"Alliyah? Bakit? Nagugutom ka ba?"I asked her. Fck. Nginitian nya lang ako at tumango. "Ano gusto mo kainin?"

"Init mo nalang yung sinigang. Tapos pag-prito mo nalang ako itlog, yung sunny side-up."Sabi nya, putik. Hindi ako marunong magluto.

"Alliyah, ibibili nalang kita."Sabi ko. Sa cafeteria, o kahit sa jollibee pa! Pero sumimangot lang sya. "Sige na, sige na!"

"thanks."Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti naman ako, hinalikan nya lang ako sa pisngi, kuntento na ako.

Nakita ko pang kinuha nya yun phone nya bago ako pumasok. May nagtext kaya? Ewan ko sa kanya. Pumunta ako sa kusina at inilabas yung sinigang na sinasabi nya. Sinigang tapos itlog? Anong trip nya? Baka itapon ko sya sa pluto kapag pinagsama nya yun.

Ano nga bang gagawin ko? Binuksan ko yung kalan at sinalang yung sinigang. Mamaya ko nalang ipiprito yung itlog.

"G*go ka pala eh! Wag kang magpapakita sa akin!"

Narinig kong sigaw ni Alliyah kaya taranta akong pumunta sa kanya.

"Hoy anong nangyari?"Nilapitan ko agad sya. Umiiyak sya habang tinitignan yung phone nya.

"Wala wala. Yung niluluto mo? A-Ayos na ba?"Tanong nya at umiling naman ako. Pinunasan ko yung pisngi nya.

"Ayokong magmumura ka ha?! Don't cuss. Hindi bagay sayo, ok?"Sabi ko. Ayokong gumaganun sya.

"What the fck? At ikaw pwede?!"Tanong nya, tumango ako at hinalikan sya. Smack lang naman. Tapos nginitian ko sya. Galit na si alliyah. Hahaha. When she cuss, you know she's already angry or mad.

"fck! Para saan yun?"Tanong nya, hinalikan ko ulit sya. Gaya ng kanina, smack lang. Tapos nginitian ko sya.

"1 cuss is equivalent to 1 kiss."

"sht."She mumbled. Kala nya ha, narinig ko yun! I kissed her again. Tapos sinampal nya ako. May naisip na naman ako. I kissed her. Hindi yung smack. As in yung kiss talaga.

Nung nag-response na sya, I tried to open my eyes at nakita kong nakapikit sya, pumikit na rin ako dahil naduduling na ako. She's amazing. Huminto sya at dumistansya. Humiga sya sa kama. Tinaas nya yung kumot hanggang bewang nya at tumagilid ng higa. Nakaharap sya sa akin. Ako kasi naka-upo sa gilid ng kama nya tapos sya naka-higa ng paharap sa akin.

"Yung niluluto mo..."Sabi nya. Hinawakan ko yung buhok nya. I smiled when I saw her blushed. Wow. Napakilig ko si Alliyah.

"Shawn, yung niluluto mo."Parang nainis ako. Tss. Shawn? Yeah right. =_=

Alliyah POV

Problema nun? Sya na ngang humalik sa akin sya pa may ganang magalit? Paano ba naman kasi, binalibag yung pinto papunta ng kusina. Pag pina-door way ko yan! Tsk!

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now