Forty-Nine

3.1K 59 0
                                    

Chapter 49: confused

Alliyah POV

"PRINCESS ALLIYAH COREVANTES Congratulations!"Pahayag nung MC kaya tumayo ako. Napalingon muna ako sa paligid, nakita ko si Queen Katrina na naka-pikit at si Queen Sofia na nakangiti habang pumapalakpak. Umakyat ako sa stage at kinuha yung award.

"Okay. Teka lang papa. Pikit ako."

Napa-pikit rin ako at saka umiling-iling. Ughh, sumasakit yung ulo ko.

"Papa. Naisip ko na ikaw sabi sa akin na mahal mo ako at mama."

Napahinto ako at napahawak sa ulo ko. A-Ang sakit! Napahinto rin sa pagpalakpak yung mga tao.

"Sabi ni papa mo diba? Kapag naguguluhan, isiping mabuti ang mga nangyari para maliwanagan at mahanap ang sagot."

Ano? Sabi nino? Papa? Para maliwanagan? Napalingon ako kay habagat. Tumayo sya at pumunta sa kinatatayuan ko. Nginitian ko na lang yung mga tao at lumakad. Pero napahinto ako sa may hagdanan.

"Anak, kapag naguguluhan ka, ipikit mo lang ang mga M-Mata mo. Mag-isip ka ng mga nangyari. Matyagan mo ang iniisip mo. Wag mo munang isipin ang mga mangyayari sayo. Isipin mo ang nangyari para maliwanagan ka at mahanap mo ang sagot. Okay?"

Si Papa Cris yung nagsasalita eh! P-Pero wala akong maalala na may ganoong nangyari.

"Isiping mabuti ang mga nangyari para maliwanagan at mahanap ang sagot. Para pagmulat ng mata mo, kasabay sa pagmulat mo sa katotohanan."

Queen Katrina? S-Sya nagsabi nyan eh!

"Para pagmulat ng mata mo, kasabay sa pagmulat mo sa katotohanan."

Mama Carmen? Sht, nakakalito! Ano ba 'to?

Paanong si Queen Katrina.... P-Paanong...Nabalik na lang ako sa realidad ng tinawag ako ni habagat.

"Alliyah? Nasaan ka na? Nasa space?"Sarkastikong tanong nya. Hindi ako makapag-react dahil parang hinahampas ng maso ang ulo ko. Umikot yung paligid at napatingin nanaman ako sa mga tao. Nasa akin ang mga tingin nila.

*gaaaaasp*

Narinig ko pa ang pagkagulat ng mga tao nung napapikit ako. Minulat ko yung mata ko ng unti-unti. May sumalong habagat sa akin.

"A-Ami!"Tawag nya sa akin habang hawak yung pisngi ko. Naramdaman ko pang binuhat nya ako bago ako mawalan ng malay. H-Hindi maaaring mangyari yun. Hindi sila nagpapanggap. Hindi.

--

<(~_~)>

"Magandang sign daw yan sabi ng doctor."Rinig kong sabi ng isa.

"Ha? Bakit?"Tanong pa ng isa.

"Makakaalala na daw sya. May Alzheimer's Disease ba sya? Amnesia? Bakit hindi nya sinabi sa atin?"

"Baka hindi nya alam."

Sinong may Amnesia? Dahan-dahan kong minulat yung mata ko at nakakita ako ng mga malalabong figures.

"Sino kayo?"Tanong ko agad. Kinusot ko yung mata ko. "Kathy, Andre, Joshua, Rhianne, Aldren, Lorena."Naka-hinga ako ng maluwag. Akala ko naman ako yung may amnesia.

"Si ano.. Si..."Sino nga ba yun? Habagat tawag ko dun eh.

"Si Tristan?"Umiling ako.

"Si ano.. Si habagat."

"Ahh si Shawn!"Sagot agad ni kuya.

"Yown! Oo nga si Shawn."Sabi ko naman sa kanya.

"Ha? Ahh nasa labas."

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now