chapter 14

17.1K 265 66
                                    

Hindi mapakali ang reyna sa sinapit ni ethena.
May subog na markang ekis sa likod ng dalaga at sunog na rin ang kaliwang binti nito. Puni ng dugo ang mukha at katawan dahil sa pagkakabalibag nito sa semento.

Napasigaw sa inis ang reyna dahil sa natunghayan.
"Ang kapal ng mukha mo! Eri!" Sigaw nito kay elle.

Lumutang si elle sa himpapawid. Dama niya ang galit ng reyna pero hindi sita nakakaramdam ng kaba bagkus nakadama siya ng tuwa dahil sa kanyang natunghayan!
"Li terno mistika conmigo!" Muling sigaw ng reyna nag padilim sa paligid at naglikha ng napakalakas na ulan at kidlat.
Lahat ng nasa paligid ay nakaramdam ng kaba, takot dahil sa ipinapakita ng reyna.
Ang mga mediya at mercenary ay tinatangkang sirain ang harang na gawa ng reyna upang pigilan ito sa gustong gawin ngunit hindi nila kaya. Witch, spell yan ang kailangan nila ngayon upang matapatan ang kapangyarihan ng reyna.

Si Lord llurik at ang iba pang kasamahan ay hindi na magkanda uga-ga dahil nais nilang iligtas sa kapahakan si elle, bukod sa miymbro ito ng guild ay isa rin ito sa makakatulong sa rebulasyon na kanilang binabalak.

Bawat studyante ay naghahanap ng paraan paano maka alis sa arena at paano mailigtas ang sarili pero lahat ay bigo.

Nakaramdam na ng sakit sa katawan si elle dahil padiin na ng padiin ang pag gapos sa kanya ng hangin sa kanyang katawan.
"Akala mo kung sino ka! Ke bago bago mo palang dito ganyan ka na kung umasta. Masasabi kong malakas ka dahil nagagawa mong labanan ang aking kakayahan. " mahabang litanya ng reyna.
"Maitanong ko lang! Sino ang iyong mga magulang?!" Tanong ulit ng reyna. Kanyang tinignan sa mata si elle upang gamitin ang kapangyarihan para mabasa ang kalooblooban ng dalaga. Ngunit bigo siya dahil wala siyang makita.

"Impossible! Bakit di ko makita ang mga pangyayari at maaaring mangyari sayo!"
Hiyaw ng reyna.
Ngumiti ang dalaga bago magsalita.
"Alam kong mahina ako, at dahil mahina ako kailangan kong magisip ng magandang paraan upang makaligtas ako. Dahil sa ngayon mahina pa ako." Makahulugang sagot ni elle.

Napakunot ang reyna sa narinig na sagot ng dalaga kaya naman mas hinigpitan niya ang pagkakatali ni elle sa hanging gawa ng mahika ng reyna.

Nasaktan na ng husto si elle kaya nag isip siya ng isang spell na makakapag ligtas sa kanya.
"

THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]Where stories live. Discover now