chapter 12

17K 325 18
                                    

ELLE's POV

nang makabalik na kami sa academy ay hindi ko inaasahan ang bubungad sakin. napakaraming studyanteng nagkalat kahit disoras na ng gabi.
puno ng samutsaring ilaw at pagkaing nakahanda sa hapag ng mesa.
lahat ay nagsasaya at sa pinakaharap kung saan bukas ang pavillion ay nakita ko ang isang babaeng purong nakasuot ng itim na bestida. at malakas na kumakanta kahit sintunado ay para bang balewala sa lahat ang naririnig.

"ay dumating na ang impakta!" gigil ma sambit ni liza.
tumigil bigla ang babae sa pagkanta na para bang narinig ang sinambit ni liza kahit napakaingay ng paligid.

"oh my! nandito na ang kaguild ko." tumakbo ito at nakaporma ang mga kamay na para bang mag grouphug. tinignan ko sila pero parang wala silang paki. at nagulat ako bigla ng biglang yakapin ng babae si llurik,
...ah may relasyon siguro sila.

"namiss kita babe" tumikhim lang ang lalaki at inalis sa gapos ang sarili.

"hindi mo ba ako namiss?" sunod niyang tanong pero hindi siya nakatanggap ng sagot dito at tumingin sakin at kay caroline.

"kayo ang bago namin ka guild?" tanong niya ng nakangiti.

napakaganda niya at bumagay sa kanya ang maliit na koronang suot. mataas ang buhok, matangos ang ilong maputi at matangkad. kahit ang itim nitong bestida ay para bang sinadya para lang sa kanya dahil bumagay ito sa pigura ng katawan niya.

tumango ako at gayundin si caroline.
tinungo ni ethena si caroline ng nakataas ang kilay at tinignan sa mga mata.

"ayaw ko sa kaluluwa mo..." mahina nitong sambit na nagdala sakin ng kaba. anong ibig nitong sabihin?
"mapait ang iyong nakaraan, dinanas ang isang madilim na trahedya sa inyong tahanan, ang kapangyarihan meron ka ay di malakas pero di magawang iligtas ang mga mahal sa buhay maging ang iyong kapatid" dagdag ni ethena. nakita kong nagulat si caroline at para bang kinakabahan, si ethena naman ay hinawakan ang baba ni caroline "...alam mo na kung gaano ka panget ang takbo ng buhay pero nagagawa parin ng iyong kaluluwa ang mangarap na dumating ang panahon na makahanap ng pagmamahal" at tumawa ito, at para bang senyales iyon para tumawa rin ang ina niyang reyna na nagpatawa samin lahat maging si caroline na tumutulo na ang luha ay tumatawa na rin ng pilit maging ako ay diko magawang pigilan ang bibig kong wag tumawa.

'merœ' bulong ng boses sa aking isipan. alam ko ang boses na yun...

parang bang program na pagkatapos ng tawanan at nagawa ko ng magsalita ay bumulong ako sa hangin.

'merœ llamasa'
at kasabay ng pagtatapos ng akong bulong sa hangin ay ang pagtingin sakin ni ethena.

"oh... the famous monoey who is supposed to be on the legend yet chosed the weak guild is here" ngumiti iti at umabante papunta sa kinaruruunan ko.

ewan ko pero kanina pako nakaramdam ng pagkainsulto sa mga salitang lumalabas sa labi niya.
ng mapansin kong siya lang ang nagsasalita ay napatingin ako sa kinaruruunan ng kagrupo namin. para bang pinipilit nilang magsalita.
sinubukan kong ibuka ang bibig ko at doon ko nakpirmang kanina lang ay nakapaloob pala ako sa isang mahika pero ng gamitin ko ang spell na nakita ko sa libro ni cassandra ay nakaligtas ako sa mahika ng reyna.

pinatamlay ko ang aking mata na nakatingin sa kanya.

"how dare you to belittle my guild?! " at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. biglang tumaas ang kamay ko para sana sampalin su ethena pero tumigil ito sa ere at nakita ko ang reyna sa likod ng nakangiti ito ng masama sakin.

"what? sasampalin mo ko? sige kung kaya mo!"  para bang sinapian ako ng masamang spiritu kaya walang sabisabing nagsalita ako sa utak ko ng spell na hindi ko alam.

'tranxeria'
at malakas na tunog ng sampal ang narinig sa loob ng pavillion at kasabay narin nito ang nanlalaking mata ng lahat maging ng reyna.

"hindi mo kilala ang binabangga mo Ethena,..." sambit ko pero napansin kong hindi ko kaboses ang lumalabas bibig ko at hindi ko makontrol ang emosyon ko. biglang akong tumingin sa reyna at tinignan ito sa mata, gumanti rin ito bago ako magsalita. "baka nakakalimutan mong hindi mo na hawak ang mundo ng suprean at natora , simula ng umanib ka sa mundo niya" (A/N: natora ay spiritu ng kapaligiran)

napaatras ang reyna sa narinig.

"paano mo nalaman iyan?" kalmadong tanong ng reyna. gumuhit ng ngiti saking labi kahit di ko naman gustong gawin. kinakabahan ako yun ang totoo kong nararamdaman pero iba ang nilalabas ng aking bibig.

ramdam ko rin ang pagtulo ng aking dugo sa aking ilong.

hindi nasagot ang kanyang katanungan ng lumipat ang tingin ko kay ethena.

"sa susunod na saktan mo ako ay di lang yan ang matatanggap mo. "
para bang nagtagis ang bagang niya at nagpalabas ng matinding aura.

nakita ko sa gilid ng labi ko ang ngiting demonyo ng reyna at winagayway ang kanyang kamay at bigla kaming nakarating sa stadium hall.
at ang kagrupo naman namin ay nasa bench.

napatayo ang iba sa kanila ng makitang nasa gitna ako at si ethena .

"hindi ikaw ang magdidisisyon niyan, kundi ang resulta ng labang ito!" sigaw niya at nagpalabas ng malaking salamin sa likod nito.

at maya-maya ay lumabas mula dito ang isang matandang lalaking nakasuot ng tebena.

'shit kaya niyang tumawag ng spiritu galing sa suprean?'

"meet tadha, the great grandfather of prinicpal nikri" napatingin naman ako kay principal nikri na parang bang ayaw na ayaw ang kanyang nakikita.

"tadha! simulan mo na" utos niya dito. di naman nagsalita si tadha basta lang niting tinaas ang kaliwang kamay at bigla na akong napaluhod sa sakit ng ulo. shit ito ang totoong liquidation!

"aaaaaaahhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ko. napatayo ang ilan sa mga mediya at ang iba sa kagrupo ko ay sumisigaw na pero wala akong marinig tanging ang boses lang ni ethena at akkn ang naririnig ko parabang nakasarado kami sa iang maliit na bote.

"aw nakalimutan kong sabihin na si tadha ay isa sa pinakamalakas na mercenary. kaya niyang bigyang walang boses ang taong gusto niyang pag gamitan nito. at siguro naman alam mo na kung ano ang totoo niyang kapangyarihan, narinig ko ginamit mo na rin to kay marmalade. "

at dahil sa nakalap kong impormasyon na yon ay napatayo ako.

kahit mga nanahimik ng mga kaluluwa ay dinidisturbo niya. walang puso!
tinignan ko sa mata si tadha at nakita ko at ramdam kong ayaw niya sa mga ginagawa niya.

naiinis ako, kaya naman kahit ang sakit ng ulo ko ay pilit akong tumayo.

"baka nakalimutan ng nagsabi sayo o sa source mo na sabihin na yun palang ang pinapakita kong kapangyarihan?" doon ko napagtanto na ako na mismo ang may hawak sa sarili kong katawan.

ano ba kasi ang nangyari kanina? ako ba yun o may kumukontrol sakin?

---

To be continued...

THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]Where stories live. Discover now