Bagong Simula

1.8K 102 63
                                    

Pagsasalaysay

"Ah!"

"Pa-paano..."

Unti-unting nagkulay ginto ang sandatang kasalukuyang nasa leeg ni Arong habang hawak ni Dravius ang kabilang-dulo nito, ang naturang sandata ay walang iba kundi karit, isang tila karit ni kamatayan na minsan nang ginamit ni Dravius sa kaniyang nakaraang labanan.

Ngunit kitang-kita kung paano umusok ang tiyan ng huli nang matulos ito ng gintong sandata ni Arong.

"Ugh!"

Napapaungol si Dravius habang mulagat ang mga mata ni Arong. Siya'y hindi makapaniwalang nakatutok sa kaniyang leeg ang sandata ng isang nilalang na kaniyang hinamak sa kaniyang isipan.

Nagtagal sila sa ganoong kalagayan. Sa paglipas ng mga sandali, naunang bumagsak ang katawan ni Dravius sa nyebe habang naglaho na ang kaniyang sandata at napapikit nang tuluyan ang kaniyang mga mata.

Sa labi ni Dravius ay nakaguhit ang isang ngiti...

"Paalam..."
Mapayapa nitong saad...

"Ahk!"
Nang makabawi si Arong ay doon lamang siya napahawak sa kaniyang leeg.

Sa paglaho ng sandata ng kadiliman ay doon lamang tumambad ang isang guhit sa sensitibong bahagi ng kaiyang katawan, sa ubaba ng kaiyang ulo, sa may leeg niya.

Pilit na pinipigilan ni Arong ang pagbulwak ng ginintuan niyang dugo ngunit siya'y kinakapos na ng hininga.

"Ah..."

"Haah..."

"Hm..."

Napahingal ang Tagapaglikha sapagkat siya pala ang tunay na napuruhan. Ilang saglit pa ay tuluyan nang pumaligo ang kaniyang dugo sa paligid hanggang sa maghiwalay na ang kaniyang leeg at ang kaniyang katawan.

Nang malaglag ang kaniyang ulo ay wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang kaniyang masakit na kamatayan sa kamay ng mababang nilalang...

Nang bumagsak ang katawan ng Diyos sa lupa ay kaagad itong binalot ng liwanag hanggang sa lumiit ito at tila naging bola ng maliit na liwanag na sinlaki ng isang holen.

Tila may buhay itong pumasok sa noo ni Dravius.

"Hah!"
Kaagad na nagising ang lalaki makalipas ang sandali.

Natunghayan niya ang pagliliwanag ng kalangitan at ang muling pagsibol ng maliwanag na araw.

Napatingin siya sa kaniyang palad nang mapansing may kakaiba rito. Maging sa loob ng kaniyang katawan ay may napupuna siyang kakaibang enerhiyang kaiba sa kaniyang kapangyarihan.

"Ano ito... Hindi kaya..."
Pagtataka niya.

Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at nakita mismo ng kaniyang mga mata ang pagsibol ng bagong mga halaman.

"Tagapaglikha..."

Saad niya.

Mabilis siyang tumayo at lumipad sa himpapawid. Binuksan niya ang kaniyang mga kamay at hinayaang dumaloy ang isang nakakabulag na enerhiyang naglakbay sa iba't ibang sulok ng Eramathla hanggang sa masakop na nito ang Vińes, kalaunan ay ang Mardés hanggang sa binalot na nito ang Breechzia at ang buong Irebus.

"Liwanag?"

"Muling sumibol ang mga kagubatan!"
Tuwang tuwang saad ng mga elfo.

"Pagmasdan, muling lumiwanag ang kalangitan."
Puno ng kagalakang saad ng mga sorsero at mangkukulam...

"Pumayapang muli karagatan..."
Natutuwang saad ng mga serena't sereno habang nilalangoy ang bughaw na kailaliman.

"Randam ko ang kalayaan..."

The Dark SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon