Bampira

1.3K 78 7
                                    

Dravius

Gabi na. Ilang oras ko itong pinaghandaan at pinagplanuhan. Binasa ko na rin ang aklat kung paano ko basagin ang sumpa ng matandang hukluban na iyon. Salamat na lang at merong nakalagay.

All in One talaga ang aklat na iyon.

"Cursed..."

Ayan na naman ang bulong sa hangin na yan. Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nakarinig niyan sa mga nakalipas na oras mula ng magising ako.

Takte.

Kailangan kong sanayin ang aking sarili sa mga naririnig ko habang nasa akin ang aklat-

Sandali...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi kaya baliw ako???

No, hindi ko dapat pagtuunan ng pansin ang kag*guhang iyon.

---

Malalim na ang gabi at aking natatanaw ang bilog na buwan sa kalangitang pinuno ng mga bituin.

Ito na ang tamang oras upang aking pakawalan ang aking sarili mula sa makapangyarihang tanikala ng mga salita (spell).

Umupo ako sa sahig malapit sa bintanang nasisinagan ng liwanag ng buwan.

Aking ipinikit ang magaganda kong mga mata at pinakiramdaman ang malakas na enerhiya ng kapangyarihang dumadaloy sa aking mga ugat at kalamnan.

Pagsasalaysay

Isang napakaitim na usok mula sa nag-uumapaw na kapangyarihan ng nilalang na si Dravius ang kumawala at nagpalaboy-laboy sa buong silid, animo'y may sariling buhay.

Ilang saglit pa'y lumabas na ito sa butas ng magarang bintana at ilang malayang nagliwaliw sa madilim na kapaligiran ng buong tore. Palakas ng palakas, parami ng parami, at pakapal ng pakapal ang itim na usok at ilang saglit pa'y nagbuo ito ng isang doma (dome), na palatandaang ito ang hangganan ng kapangyarihan ng sinumang may-ari nito. Ito ang limitasyon ng kapangyarihan ni Dravius sa buong tore.

Dahil dito, nagkaroon ng kaguluhan ang lahat ng nasa tore. Nakakaramdam sila ng lakas na taglay ng isang nilalang ngunit hindi nila matukoy ang sinumang nagmamay-ari nito.

Maging si Silverius ay mabilis na napabangon dahil sa lakas na nararamdaman ngunit nanatiling kalmado ang mukha nito at wala kang mababasang kahit kaunting pagkabahala.

CRAAAAACK

BOOOOOOM

Malakas at magkasunod na tunog ng pagkabasag at pagsabog.

Tuluyan nang nakawala ang mga usok ay malayang naglakbay sa bawat madilim na sulok. Nawala na ang limitasyon ng kakayahan ni Dravius at ngayo'y tuluyan na ring nawala ang isang marka ng itim at maliit na apoy sa kaniyang kamay.

Isang ngiting tagumpay ang kumawala sa mapupulang labi ni Dravius. Mabilis nitong dinampot ang itim na aklat saka isinilid sa loob ng kaniyang suot na itim na cloak saka nagmadaling tumungo sa pintuan.

Sa pagkakataong ito, nabatid na ng matandang sorserong may dalang gintong staff na may itim na bola sa dulo na si Dravius ang may pakana ng lahat.

"Ako si Guriman at sa aki'y walang nakakatakas."
Bulong nito sa sarili at nagtungo sa labas ng tore.

---

Sa paglabas ni Dravius sa silid niya ay kaniyang hinarap ang maraming sorsero at dito siya'y nakipaglaban gamit ang kaniyang kapangyarihan ng kadiliman.

Isang itim na enerhiya ang kumawala sa kaniyang mga kamay na deretso namang tumama sa mga kalaban na nagsanhi ng pagkawala ng kanilang ulirat.

Paulit-ulit na lang ang istilo niya sa pakikipaglaban. Depensa at opensa. Kadiliman laban sa mga bigkas ng sosero pati na ang kanilang taglay na elemento.

The Dark SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon