Ang Konseho

1.1K 70 4
                                    

MAY KARAHASANG MABABASA RITO 👦

Dravius

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nang ilibot ko ang aking paningin ay napuna ko ang mga batong bumubuo ng bawat sulok, nasa kweba ako, o mas tamang sabihin na kami.

"Gising ka na pala, sarap rin ng tulog mo ano?"
Si--

"Ahh, maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"
Tanong ko naman sa kaniya ng mapagtantong hindi ko kilala ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Ako si Korra."
Maikli nitong pagpapakilala.

"Dravius, yun lang ba?"
Pagpapakilala ko rin na sinundan pa ng katanungan sa kaniya.

"Hmm, ano pa nga ba?"
Tila nag-iisip pa ang kayumangging binibini sa aking harapan ngayon.

Kung titingnan, napakaganda niya, parang pinaghalong kahel at tsokolate ang kulay ng may kalakihan niyang mga mata na bumagay sa kayumanggi nitong balat at napakaitim na buhok na pansin ko'y kumukulot sa bandang dulo.

Pula ang kaniyang kasuotan at masasabi kong bumagay ito sa kaniyang maangas na katauhan.

"Hmm, dapat mo bang ipakita ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kalaban?"
Tanong nito sa akin.

"Uhm, dapat nga ba?"
Nalilito ko namang pahayag.

"Huwag mong bibigyan ng pagkakataong mahanapan ka ng lamat ng iyong mga katunggali."
Pangangaral nito sa akin.

"Ahhh..."
Yun na lamang ang aking nasabi sapagkat natutop ang aking labi sa mga dapat sabihin. Sa totoo lang ay tama siya.

"Hayaan na nga..."
Sabi nito saka ko nasilayan ang ngiti sa kaniyang manipis na labi, tunay ang ngiting iyon dahil nakita ko amg pagkislap ng kaligayahan sa kaniyang mga mata.

"Woooh, t-teka!"
Napaatras ako nang biglang magliyab ang kaniyang mga mata, literal na nag-aapoy ito sa loob.

"Elemento ng apoy."
Simpleng pahayag ko at ngumiti sa kaniya.

"At elemento ng kalikasan."
Dagdag niya saka umangat ang lupang kaniyang kinauupuan.

Tila siya ay isang napaka-makapangyarihang nilalang sa kaniyang lagay ngayon.

"Ikaw, anong kapangyarihan mo?"
Nanghahamong tanong sa akin ng babae.

Tingnan natin kung hindi ka mabigla.

Agad akong binalot ng napakaitim na usok at mula sa kaniyang anino, doo'y unti-unti akong lumabas.

"Huh!"
Nabiglang sabi ng babae na nagpangiti sa akin.

"Ang ikalimang elemento... Ang kadiliman."
Bulong ko sa kaniyang tenga nang mag-anyong usok ako.

Nakakatuwa ang kaniyang reaksyon.

"Hmmp! Hindi ka dapat naglalaro, mahina pa ang iyong katawan."
Sabi nito sa akin.

"Ito na nga."
Saka ako umupo sa kanina lamang ay inuupuan ko.

"Hindi ko alam kung papaano, ni hindi ko alam kung saan nagmula ang aking kapangyarihan. Balak ko sanang hanapin ang Maalamat na Prinsepe ng Kadiliman ngunit maraming nangyari."
Naalaala ko naman ang mga pangyayari sa mga nakaraan.

Tahimik naman akong pinagmamasdan ng babae na tila naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Kung sana nandito ang ama, o kaya sana ay naranasan ko ang magabayan ng isang ina."

The Dark SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon