Di ko alam pero nag seselos ako sa mokong na to.

"Okay, class, for today we are going to do some experiments... I'll assign a pair and one of those have 3 members. Okay... first pair........" Di na ako nakinig kasi naman wala na akong pake alam dyan.

Nag da-drawing lang ako sa may sketch pad ko... sorry, mahilig akong mag drawing e.

"And last.... Mr. Pierre Noir, Mr. Daryl Thompson and Ms. Nia Will. That's all, and now please proceed to the science lab." Sabi ni Ms. Tyrison.

What the?! Ka grupo ko si Pierre! What's worst is that... Nia is there too.

~~~~~~~~~~~
Pierre's POV

Hi! Pierre here!!

Nag lalakad na kami papuntang science lab, pero ang nakaka inis ay ka grupo namin itong hambog na king na to.

Uy! Linawin ko lang! Wala akong gusto kay Nia, kaibigan ko lang sya. Best friend kumbaga.

"Nia, ano nga pala yung gusto mong sabihin?" Tanong ko nung ma-alala ko yung sinabi nya kanina.

"Not here." Simpleng sagot nya kaya naman ay napatahimik ako at tumingin sa dinaraanan namin.

Science Lab

Tabi tabi kaming tatlo sa iisang table at dun kami nakinig sa instructions nung teacher.

Tumingin ako kay Daryl at nakita kong unti unti nyang sinusulyapan si Nia.

Tumingin naman ako kay Nia at nakita kong nagdo-drawing sya.

"Okay class, if you want to create this kind of substance you need to mix this substance here *sabay taas ng isang cylinder* and this other substance here *taas ng isa pang cylinder* then if you mix them together it would create the ombré colored mixture. And if you mix it with here, it would explode *sabay buhos dun sa isang lalagyan at sumabog yun.*" sabi at pagde-demo nung prof namin.

"Wha?!" Tuwang tuwang sabi ng mga kaklase namin, kahit ako ay na amaze dun e.

Tumingin ako kay Nia at nakita kong may ginagawa sya.

"Huy! Anong ginagawa mo?!" Tanong ko na pabulong at napansin naman yun ni Daryl at parang nag taka rin kung ano yung ginagawa ni Nia.

"Secret." Simpleng sabi nya at tsaka yun isinalin sa isang plastic na sphere at tsaka iyong binato sa may prof namin.

"WAHH!" Sigaw ni Prof at sumabog yun.

Pagka sabog nun ay may amoy kaming mabango.

"Ang bango naman."

"Oo nga e."

"Amoy jasmine."

Syempre kung may compliment, may pag inis rin o panglalait.

"Ano yun?! Ang baho!"

"Tch! Siguro utot yun ni Nerd."
(Sorry po sa mga kumakain XD)

"Yukky."

"Ang baho."

At ayun pinatahimik sila nung prof.

"Anong mabaho!? Ang bango nga e! Kaya kayo, matutunan nyong gumawa ng ganyan! *tingin kay Nia* you did a very good job there Ms. Will. Where did you learn that?" Tanong nung prof.

"From England." Simpleng sagot nya at umupo na.

Tumingin ako sa mga kaklase namin at lahat sila nakatingin kay Nia na para bang sinasabi na ang yabang nya.

The Campus Nerds are the Legendary GangstersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin