Taeyeon's Pov
Buti na lang tapos na ang first subject namin dahil matutunaw ako sa titig nitong katabi ko. Actually hindi kami magkatabi pero medyo nakakairita na yung tingin niya! Well, hindi ko naman kasalanan kung bakit pinanganak ako na maganda.
"Iba na talaga ang maganda. Nakakamatay na ng titig." pagpaparinig ko.
"Mga taong feelingera. Hindi naman siya ang tinitingnan." pagpaparinig naman nito. Tapos narinig kong nagtawanan yung mga unggoy. Tss.
"Nagpaparinig ka ba Taeng? Hayaan mo na lang kaya sila?" sabi ng katabi kong si Tiffany.
"Hindi naman nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo." sabi ko naman.
"Hoy bansot! Hindi ikaw ang tinititigan ko ah! Wag kang feel!" sabi nung unggoy na ito. Aba! Sino ang bansot? Ako ba ang pinariringan nito?
"Hoy hindi ako bansot!"
"Eh anong tawag mo sa sarili mo?" tapos nagapir sila nung katabi niya.
"Ikaw bakulaw!"
"MS. KIM AND MR. BYUN! HERE IN FRONT OF CLASS! RIGHT NOW!" nagulat ako sa sigaw ni Mr. Lim.
Nakakagulat siya. Pero kinakabahan ako sa mangyayari. Nakakatakot kaya magalit itong baklang ito. Gaya nga ng sabi ni Mr. Lim pumunta na kami sa harapan. Medyo nakakahiya kasi first impression pa lang wasak na dahil lang sa bakulaw na ito. Tinitingnan ko siya ng masama. Ang cool niyang tingnan nakuha pang makapamulsa. Tss.
"Dahil sa ginawa niyo meron kayong punishment. Well hindi naman mabigat na punishment pero nakasalalay ang grade ng kaklase niyo sa inyo..." o.O. Huh? Hindi ko maintindihan? Kahit ata mga classmate ko naguguluhan.
"Magkakaroon tayo ng contest. Kung sino manalo sa inyo ay may additional plus sa next exam kasama ang mga classmate niyo.Taeyeon sa mga girls at Baekhyun sa mga boys. Gets?" ahh parang gets ko na pag ako ang nanalo may additonal plus ang mga girls. At kay bakulaw sa boys. Waaahh. Papatayin ako ng mga maria clara ng room namin pag mali ang sagot ko.
"Go Baekhyun-ahh! We'll support you." yung totoo? Bakit parang medyo supportive yung mga girls kay Baekhyun. Kung sa bagay patay na patay sila sa bakulaw na ito. -_-
"Taeyeon kaya mo yan! Talunin mo si Baekhyun! Hahahaha." woaah. Ang supportive ng mga boys sa akin. Ang panget kasi ng bakulaw nito kaya ayaw sa kanya. Hihihi.
YOU ARE READING
Teen Clash: [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee]
Fanfiction[ONGOING] ✩Ang Girls Generation ay isa sa mga sikat sa kanilang Campus. Hindi dahil sa mayaman at sa pagiging Campus Princess kundi sa pagiging WAR FREAK nila sa Campus nila. Kaya naisipan ng kanilang mga magulang na ilipat sila ng Campus dahil sa k...
![Teen Clash: [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee]](https://img.wattpad.com/cover/8738135-64-k116836.jpg)