Chapter 9

6 1 0
                                    

"Kanta tayo, Stephanie" sabay hila sa akin ni Jhay sa may stand kung saan makikita ang isang malaking songbook. Nasa tabi niya si Jess at si Joel naman ay nakaupo sa isa sa mga upuan sa harap ng stage. Ganoon din yung mga kasama namin.

"Huh? Eh? Ano namang kakantahin natin? Dapt yung alam ko ah" sabi ko at lumapit sa kanila at nagscan rin.

"Sayang na sayang, alam mo naman siguro iyon diba?" Masaya niyang tanong.

"Oo, pero slight lang. Chorus lang alam ko" sabi ko habang naghahanap ng iba pang kantang pwede kong kantahin.

"Geh ako nalang sa verse 1 sa chorus ka nalang sumabay. Kung kaya mo na sa verse 2 sabay ka nalang.. Dalawa naman yung mike, okay?" Mahabang paliwanag niya tango lang ako ng tango. Well.

Umupo na ako sa inupuan ko kanina at pinanuod yung taong kumakanta sa stage magaling naman yung lalaking kumanta. Napatango tango lang ako at kung minsan ay sinasabayan yung lalaki sa pagkanta pero mahina lang.

Bumaling ako kina Monica na may hawak na isang song book, naghahanap din ng mga kanta. Magsosolo kayo at kukuha ng isa pang room. Tumango lang si Monica at nagpatuloy sa paghahanap ng kanta sa songbook. Binilang ko kaming lahat walo kaming lahat kaso ang maximum na bilang lang nang tao sa isang room ay Pito. Sayang. Pinagpasapasahan nila ang songbook at nagsulat ng mga kanyang gusto nilang kantahin mamaya.

"Bakit yan?" Tanong ko nang iabot nila yung isang maliit na papel at ipatong sa lap ko ang isang asul na somgbook at may lapis sa tabi nito. Nangunot pa ang noo kong tinitigan sila.

"Pili ka ng gusto mong kantahin" seryoso? Tingnan ko yung maliit na papel at may dalawa pang bakante. Kaya nagscan ako ng magandang kantang pwede at kaya kong kantahin.

Isinulat ko naman ang mga iyon at sa wakas ay inabot na nila iyon sa isang staff at nagbayad. Pinanuod ko silang pumasok sa isang room at duon ay nagkantahan. Di bale mamaya na ako kakanta, mga nasa hulihan yung mga kantang napili ko eh. Umayos ako ng upo at bumaling sa harap.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kina Jess at Jhay na magkatabi na sa silya at naghahandang kumanta.
Seryoso? Sa stage talaga.. Feel ko gusto ko nang mag back out at tumakbo palayo o kaya  ay magtago. Nagsimula na silang kumanta at bigla akong naself conscious. Sheez.. Hindi ko kayang kumanta na nasa harap ng mga tao at lalao na't di ko pa mga kakilala. Nakakahiya. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Di ko yata kaya toh. Medyo confident naman ako sa boses ko pero pag nasa banyo at naliligo lang malakas ang loob kong ilabas ang hinanakit ko at kumanta ng kumanta to my hearts content.

Napailing ako at pumasok nalang sa silid na inukupa nina monica. Ayun nagsisimula na silang kumanta sa loob. Napahinga na lang ako ng malalim.

Ewan.

At saktong paglabas ko ay "sayang na sayang" na yung nag flash dun sa screen. Sheez. Wala yung glasse ko kaya di mo makita ng maayos. Kinakabahan kong kinuha yung mike at si Jess umalis sa kinauupuan para makaupo ako at pumunta sa pwesto ni Joel. Huminga ako ng malalim. Kaya ko toh.

Pinauna ko nang kumanta si Jhay. Di ko masyado kabisado. Chorus lang alam ko. Pero habang kumakanta si Jhay ang mata ko lang ay nasa screen.

Hanggang ngayon ay ala ala sa twinang
Araw nating nagdaan
Ngayo'y muli tayong nagkita
Puso ko'y anong sigla at saya

Ngunit bakit ngayon lang nagkita
Kung kailan tayong dalawa'y
Kapwa di na pwede pang magsama

Sumabay na ako sa Chorus ng kanta,
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na di ko makakamtan sa iyo
Hindi ko akalain na ganon kataas iyon! Sheez parang mapapahiya ko yata ang sarili ko nito ah. Nakafalseto na ako geez.. Pwedeng babaan ng konti?

My Boyfriend For A Day[COMPLETED]Where stories live. Discover now