Chapter 8

3 1 0
                                    

"So san na tayo?" Natanong ko sa mga kasama ko. Nahinto lang kami dito sa side walk at nag-uusap kung saan pupunta nang maglakad si Jhay so sumunod nalang kami.

"Para kayong mag-syota, Steph" tukso ni Sheena nang sumabay ako sa kanila ni Rosie. Partner-Partner remember? Si Monica ayun at kasama si Mayka at ang dalawang magsyota na sina Jess at Joel ay nasa likod.

Ngumiti lang sina Rosie at Sheena nang magtama ang mga mata namin. Bumuntong hininga ako at sinabayan na lang si Jhay. Hay. Kung sasabay ako kina Rosie ay uulanin ako ng tukso.

Pero hindi doon natatapos ang lahat. Lumapit sa amin sina Sheena at Rosie at sobrang straight forward na sabi ni Sheena sa aming dalawa ni Jhay.

"Para kayong mag-syota" nanlaki talaga ang mata ko at napatingin kay Jhay. Ewan ko at una akong napatingin kay Jhay siguro dahil gusto kong makita ang expression niya perk ayun at siya nagkibit balikat lang.

"Sagutin mo na kase ako" gatong pa ni Jhay at saka tumawa.

Ay akala ko totoo. Biro lang ba?

At

"Heh!" Yun lang ang sabi ko. Sa ibang pagkakataon kung ibang lalaki ang nagsabi sa akin niya ay babatukan ko agad. Pero bakit kapag siya.. Parang... Parang di ko kaya.. Di ko siya kayang saktan.Ewan. Nababaliw na  siguro ako?.
Naalala ko yung tawa niya kanina pagkatapos niyang sabihin iyon. Akala ko manliligaw--sh*t. Ano ba tong iniisip ko?
Tsk.
Hindi yun magandang biro. Hindi talaga. Bakit..? Dahil umasa ako... na totoo.

________________________________________________________________________________________

"San tayo pupunta Jhay?" Tanong ko. Naglalakad kami sa side walk. Sa gilid namin ay maraming nakahilerang mga puno nang Pine trees. Matatanda na ang mga ito. Sayang kung hindi lang kase narenovate ang buong parke ay naroon pa ang mga mayayabong na mga puno duon. Dati ramdam mo talaga ang lamig at ang simoy nang hangin pag nasa parke. Ngayon ay ramdam mo na ang init dahil iilan nalang ang mga natitirang mga puno ang pwede mo ng silungan pag mainit ang sikat ng araw at mefyo maaamoy mo rin ang polusyon sa hangin dahil ang parke ay pinalilibutan nang maraming kalsada.

"Sm." Sagot niya kaya napatitig ako kay Jhay. Gwapo siya. Maputi, medyo matangos ang ilong, may mahahabang pilik mata, itim na buhok, mga itim na mga mata, kita rin ang kanyang cheek bones at maanggulong panga. Hindi nga lang malaki ang kanyang katawan pero makikita mo naman na may mga muscles siya sa braso. Nakita ko rin ang isa niyang picture sa Mapeh nang magpa-modeling si Sir Kim at si Jhay ang model ng grupo nila, nakita ko yung picture niya na naka-topless at exposed ang abs. 8-packs.

Naiiling ako. Dapat lilipat ako sa group nila. Ako daw sana ang model nila pero si Sheryl nalang daw. So ayun. Tas bawal daw lumipat ng grupo so.. No choice. Balik ako sa dati kong grupo.

Well, ako naman yung model namin and nagtravel pa talaga kami para lang makahanap ng magandang place para gawin and lucky okay naman.

Napukaw ang iniisip ko nang marinig ko ang ring nang cellphone ni Jhay at mabilis niya iyong sinagot. Kinabahan nga ako dahil akala ko ay ang tatay niya ang tumatawag at tama nga ako. Pinatahimik niya kami para magkainigan sila ng nasa linya. Nag-usap sila saglit.

"Yes daddy." Huli niyang sabi at pinatay na ang tawag.

"Pinapauwi ka na Jhay?" Tanong ko.

Umingay ang mga kasama namin. Ewan pero nagtatawanan sila.

"Ah may pinapabili lang" sagot niya. Tumango ako at ibinalik naman niya ang tingin at muling kinalikot ang  phone niya.

Bumuntong hininga nalang ako.

My Boyfriend For A Day[COMPLETED]Where stories live. Discover now