Chapter 3

4 1 0
                                    

"Uuwi ka na ba Steph?" Tanong ito ni Mae pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan ko kanina. Sumunod din naman siya sa akin pagkatapos ko siyang iwan kanina. Di ko na nakaya eh. Okay naman na ako.Oo, tanggap ko na wag namang ipagduldulan.

Sabay sabay kaming kumain ni Mae kasama ang best friend niyang si Haze at mga kaklase pa naming iba na sina Divine at Leah. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil may mga pinagkakabalahan sila. Kaibigan ko rin naman si Mae pero hindi kami masyadong close sa isa't isa. Pero alam niyang crush ko si Elmer. Ewan ko talaga kung paano niya nalaman nasabi ko yata nung lasing ako or what. Whatever. Basta alam niya.

Si Elmer ay simple lang. Moreno, mabait, palatawa, hindi ko masasabing gwapo pero siya yung nasa gitna ng pangit at gwapo.
Kumbaga Average lang. Others may wonder kung bakit sa dinami dami ng lalaking may mas itsura kaysa sa kanya ay sa kanya pa ako nagkagusto. Na marami namang nag-aatempt na manligaw sa akin at lahat tinanggihan ko. Blame it to my stupid heart. Harap harapan na nga akong sinasabihang may gusto na siyang iba ay habol ng habol pa rin kahit nasasaktan.

Ewan ko talaga kung paano ito nalaman ni Mae, considering sa dami-rami ng nagi-lilink sa akin ng mga kaklase ko ay nalaman kung sino ang tunay kong gusto. Tahimik lang naman si Mae pati ang best friend niya pero pag sila sila nang magbabarkada ay madaldal din yan. Alam ko yan kase minsan na din akong sumama sa kanilang tropa.

"Ah.. Oo dederetso na ako pauwi." Marahan kong sagot at nakita ko siyang tumango at ngumiti sa akin. Tango lang ang sinagot ko at binitbit na yung gamit ko. Sa wakas ay binuksan na nila yung pintuan. Mauutak din sila eh noh? Talagang sa pagtatapos ng party ay saka nila binuksan yung pinto. I wonder kung saan nagbanyo yung mga naiihi kanina at nagmamakaawang buksan yung pinto. Ay.. Malay.

Naglakad na ako sa palabas at kung minamalas ka nga naman ay nakabunggo pa ako. Napaatras ako ng konti at hinimas ang kaliwa kong balikat na napuruhan, umaasang pagginawa ko yun ang mawawala ang sakit.

"Steph!!" Masayang sigaw niya na nagpabaling ng mata ko sa nabunggo ko.

"Monica" malaki ang mga mata kong tiningnan siya. Akala ko umuwi na toh. Mabilis niya akong hinila at pinaupo sa bench malapit sa Classroom.

"Punta tayong bayan! Mag party party tayo!" Yaya niya sa akin. Napailing ako habang tinitingnan siya.

"Wala ako sa mood" tinatamad kong sabi. I badly want to go home na.

"Sigi na!! Ano ka ba naman steph! Last day na tayo dito sa school oh!!" Pilit niya pa.

"Wala akong pera" palusot ko pero totoo naman. I'm tired sa ganyan ganyan. Sawa na ako sa paglalakwatsa, paulit ulit lang naman ang pinupuntahan.

"Umm.. Utang ka sa akin" sabi niya pa.

Hinarap ko siya. "Ayoko ko nga dagdag bayarin ko pa, mabuti nang wag nalang"

"Ehh? Geh ngarod libre ko na" napangiti ako ng malapad. Yan ang hinihintay ko eh.

"Geh. Count me in"

"Oi! Oi! Ano yan?! Anong count me in, count me in yan?" Matinis ang boses ng taong dumating at nakisingit sa usapan.

Napapikit ako at minasahe ko ang noo ko. Nakakasakit sa ulo ang tinis ng boses niya. Bakit parang feel ko nahuli akong gumagawa ng masama dahil sa way nang pagkakasabi niya. Hay..Bigla-biglang sumusulpot. Wala naman siya kanina jan ah.

"Ah Kate.. Umm.. Steph ikaw nga" turo pa sa akin ni Monica.

"Ah. Sasama ako kina Monica" sinabi ko ang unang pumasok sa isip ko at pumikit muli para imasahe ang ulo ko.

"Ahh.. Ganon? Saan?" Makulit niyang tanong. Nagmulat ako ng isang mata at nagkrus ang mga mata namin ni monica. Alam na.

Nakita kong lumabas sina Rosie at Sheena sa classroom. Lumingon si Monica sa kinaroroonan nila.

"Halika na" Hinila na ako patayo ni Monica a.k.a. Nica bago pa ako makasagot kay Kate at naglakad na kami papunta sa classroom. Alam ko na agad na kasama sina Rosie at Sheena.

"Halika na" bulong ni Nica at hawak parin ang kamay ko na mabilis na naglakad na kami paalis.

"Steph! Saan kayo pupunta?!" Habol na sigaw ni Kate kaya ako napalingon sa kanya.

"Sa bahay nila!" Yun ang naunang pumasok sa ulo ko kaya yun ang nasabi ko. Lumingon sa akin si Nica. Napabuntong hininga nalang ako. At nilingon muli si kate na nakatayo lang at pinagmamasdan kami ni Monica kasama sina Rosie at Sheena palabas ng school. Hay... Ayaw siguro ni Monique na sumama si Kate. Well, knowing Kate medyo alanganin sa bulsa... Hayy..

I look back at Kate, wave her goodbye and that was it.

My Boyfriend For A Day[COMPLETED]Where stories live. Discover now