Chapter 2

6 1 0
                                    

"Congrats" Tumango lang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa upuan ko hawak ang cellphone ko sa kanang kamay at Isang maliit na kulay asul na stuff toy sa kaliwa. Mahigpit kong hinawakan ang stuff toy na iyon at bumuntong hininga.

Natalo kami. Peste kase siya at ang laki ng paa. Kaya di yun kumasya sa dyaryo. Buti na nga lang at hindi kami nahulog kanina dahil kung nahulog kami ay ihuhulog ko naman siya sa kanal pagdating ng uwian. Tsk.

Pero okay lang kahit second place. Pampalubag loob. Huminga ako ng malalim. Hay. Kahit papaano umasa akong mananalo kami kanina at makukuha yung malaking bear. Sayang.

Nahagip ng mata ko si Stephen nakaupo isang silya malapit sa sulok ng classroom. Nakatungod siya at pinagmamasdan ang hawak niyang isang maliit na stuff toy katulad nang sa akin pero ang kanya ay kulay pink. Hindi ko napigilang mapangiti.

Kanina lang ay napagtalunan pa namin kung ang mga stuff toy. Inabot sa akin ng master of ceremony yung color blue at sakanya ang pink pero umalma siya at sinubukang makipagpalit sa akin. Ayaw ko nga sa pink kaya hindi ako nakipagpalit sa kanya. Haha!

"Kain na Steph!" Tawag ng isa sa mga kaklase ko na nagngangalang Mae. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko at biglang hinablot ang kamay ko. Nagtaka pa ako nung una kung bakit niya ginawa iyon nang nabigla ako at hinila ng buong pwersa para tumayo at mabilis na kinanaladkad kung saan. Bakit ba mahilig manghila ang mga taong ito? At bakit palaging ako ang pinagdidiskitahan? (--_--)

"Wait lang kase steph'' Sabi niya ng tangkain kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"May san ka ba pupunta at bakit kailangan mo pa akong isama?" Nakakunot noo kong sambit at tinigil na ang pagpupumiglas at hinayaan siya. Usually, hindi naman ako nagpapatangay sa mga kaibigan ko kung saan man instead ako ang tumatangay sa kanila kung saan.
Bad influence nga daw ako sa mga kaibigan ko at ako ang palagiang nagyayaya noon pero ang totoo hindi naman eh, sila din naman ang pumipili kung sasama sila sa akin or hindi, I am capable of handling my self kahit mag-isa lang ako. Mga chismosa at inggetera lang ang nagsasabing hindi ako magandang impluwensiya sa mga kaibigan ko. Dahil kahit anong gawin kong kalokohan ay name-maintain ko parin ang grades ko na kahit papaano ay walang line of 7. Iniisip nga ng iba na 'teacher's pet daw' ako dahil hindi daw bumabagsak kahit palaging cutting, hinahayaan ko lang sila. Siguro bored na sila sa mga sari-sarili nilang mga buhay kaya pinagdidiskitahan naman ang akin. Pero noon lang yon. Nagbago na ako matapos na magkahiwahiwalay kaming magkakaibigan. Hindi na ako ganon pa happy go lucky at study first na. Pero kahit ganon hindi mo parin talaga maiaalis na sinasabihan parin ako ng BI dahil siguro naniniwala parin silang ganun daw ako. Well. Wala na akong magagawa ron.

Nagising ang diwa ko nang makita kong papalapit kami sa kanya. Nanlaki ang mata ko. No, hindi siya. Please wag siya!! Nagslow down ang pace ng paglalakad ni Mae kaya pati rin ako. Saktong lumingon siya sa akin at binigyan ko siya ng tinging nakakapatay. Lumitaw ang ngiti sa mga labi ni Mae at nagkibit balikat na tumingin sa harap, or sa kanya in particular. Nanlaki ang mata ko. No!! Alam ko na ang plano niya!! Tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba. Mabilis ang hininga kong kinuha ko ang pagkakataon na kumawala sa hawak niya at nagawa ko nga. Mabilis akong tumalikod at naglakad muli palayo upang mapahinto muli pagkatapos ng ilang hakbang at huminga ng malalim bago magpasyang lumayo na pero bago ko pa maihakbang ang paa ko ay narinig ko siyang mag-salita. Feel ko nahulog ang puso ko.

Banas! Huli na ba ako? Teka..Nakita ba niya ako? Mariin akong napapikit ako ng mata. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko kahit feel ko nahulog iyon kanina. I wonder kung naririnig niya rin kase malapit lang siya sa akin!! Ang baho ko pa siguro dahil nakipaglaro ako kanina ng ng paper dance. Bago pa ako makakilos ay naramdaman ko ang pagbigat ng mga balikat ko. Mabilis akong lumingon ngunit likod na niya ang nakikita ko at naglalakad na siya palayo.

"Stephanie, hiniram ko ang jacket niya kase alam kong nalalamig ka na. Tingnan mo naman kase ang suot mo oh? You're showing too much skin."

Lumingon ako kay Mae na nasa tabi ko pala. Binigyan niya ako ng ngiting malaman. Yung may kahulugan. Napabaling naman ako sa suot ko. I am wearing a white sleeveless shirt paired with black skirt na umaabot sa aking hita. I'm also wearing my school shoes with my long socks only reaching my knees. Napabaling ang aking mata kay Mae. Pareho kaming may ganong suot. Ito kase ang costume namin sa performance na ginawa namin kanina at hindi pa kami nakakapagpalit ng damit. Umiling ako sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa kinatatayuan ko. Alam ko ang totoo. Dahan-dahan kong hinubad ang jacket at bumaling muli sa kanya.

"Mae, Alam kong para sayo yan, bat mo binibigay sa akin?."

Nakita ko siyang natigilan sa tanong ko kaya tumalikod na ako at hindi na siya hinintay pang sumagot ay dahan-dahang umalis ako sa lugar na iyon. I'm not expecting an answer either.

Malayo man ako sa kanila. Rinig na rinig ko parin ang pagpilit ni Elmer kay Mae na suotin niya yung jacket. Para itong isang sampal sa akin. Napangiti nalang ako ng mapait at dinamdam ang sakit. Minsan nakakapagod na ring umasa. Na alam mo namang walang pag-asa, ayan at umaasa parin. Wala eh, bat kase ganyan ka heart? Gustong gusto mo siya? Bakit pa sa isang lalaking may mahal nang iba?

Napailing nalang ako. Nababaliw na yata ako. Pati puso ko pinapakiusapan ko na. Parang sampal sa akin ang isang bagay na narealize ko nanaman.

Hinding hindi niya ibibigay ang jacket niya sa akin dahil alam kong may pinagbigyan na siyang iba. At si Mae iyon. Wala nang iba. Hindi Steph, kundi si Mae lang talaga.

My Boyfriend For A Day[COMPLETED]Where stories live. Discover now