Feel ko ayaw niya akong kausap. Sheez. Natigilan ako. Ang paranoid ko. Itinulak ko ang ideyang iyon sa isip ko at inabala ang paningin ko sa paligid. Magkahawak parin ang mga kamay namin ni Jhay habang naglalakad.

"Yes?" Nagring ulit ang cellphone niya. Siguro yung daddy niya ulit yun. Kaya ibinaling ko nalang ang paningin ko sa mga puno, sa mga taong nagdaraan, sa mga kalsada at mga sasakyan.

"Oh really? Admirer kita?" Sabay tawa ni Jhay.
Nagkaroon ako ng conclusion na hindi ang daddy niya ang tumatawag. Napailing ako at parang kinurot muli ang puso ko. Ako yung kasama niya pero iba ang kausap niya. Okay lang sana eh kung saglit lang.. Pero kanina pa sila magkatawagan.

Nilingon ko ang mga kasama namin sa likuran at napatawa ako ng mahina at makita ang itsura ni Monica, pagod na raw at masakit na ang paa. At ayun tawanan kaming lahat pati nga si Monica a natatawa rin.

Nilingon ako ni Jhay sa tabi niya. Sa paglingon niya ay narinig ko ang sinabi nung katawagan niya. Boses babae.

Naramdamn kong parang tinusok ang puso ko ng karayom. Gezz.. Bakit ko ba yun nararamdaman?

"Buzy ako kasama ko ang girlfriend ko" mayabang pa niyang sabi sa kausap. At napatawa ako. Kinikilig.

Nanlaki ang mata ko. So He's into it,again? Kanina nung tinanong siya ni Sherry nung nakita niya kaming magkahawak kamay ay ang sinagot niya ay : "Kami na" di pa nga maniwala si Sherry eh pero tumango lang siya habang ako tumatawa kase akala ko joke lang. Ginatungan ko pa nga eh at sinabing "Oo" nga. Then dun kay desiree kanina, "...Girlfriend ko pala" sabi niya. Dun ako nagulat. But siguro nagbibiro lang siya? Natigilan ako at parang nasampal ng realidad. Nagbibiro lang siya. Hindi ko naman siya sinagot ah. Walang kami. Period.

Ako lang ang nagbibigay ng meaning sa mga ginagawa niya. Ako lang ang umaasa at di ko namamalayang isa lang iyong pantasya.

At dun napatahimik na ako.

I push away the creeping hope na sumisibol sa loob ko. Biro lang ang lahat.

"Kasama ko nga girlfriend ko, maya na" medyo matigas na sabi ni Jhay sa kausap at ibinaba ang phone.

Tumingin siya sa akin and I tried my best to express a smile. A true one. Tumango lang siya at magsasalita sana nang tumunog uli yung phone niya.

"Wait a sec" at sinagot uli ang tawag.

"Sino ba yang kausap mo?" Tanong ko.

"Admirer ko daw" simpleng sagot niya at inilapit sa akin ang phone and urge me to speak.

" Kilala mo?" Tanong ko.. Hindi sa phone pero sa kanya. Inilayo niya naman sa harap ko yung phone.

"Hindi, nakuha niya lang daw ang number ko sa fb" sagot niya.

Nailing ako. Medyo uminit yung dugo ko. Bat kase dinidisplay ni Jhay yung contact number niya sa fb? Tsk.

Pero big question ay.... Bakit ba ako nagagalit??

"Haha.. Ayan tayo eh.. Pume-paymus" I snort. Tsk. Tusok tusok na si kawawang heart.

Nasa overpass na kami. Then biglang inilhad niya yung phone niya sa akin nang mag ring uli iyon.

"Answer the phone and act as his girlfriend" sabi ni Mayka sabay wink sa akin.

I don't know what happened to me but I just found my self na inagaw ang phone ni Jhay at hawak ko na.

Hindi naman umangal si Jhay at naglakad lang sa tabi ko na prang wala lang.

"He-hello?" Marahan kong sabi. No choice nasa akin naman na eh.

Caller:gaddbyyg(di ma intindihan. Masyadong maingay kase maraming dumadaang sasakyan)

Me:Hello? Sino pu ito?"mahinahon ngunit bored kong tanong.

Caller: hsjdgyb (di ko maintindihan yung pangalan dalawa sila.. Babae)

"ahh..Bakit pa kayo tumatawag? "Mahinahon ko paring sabi I don't want a fight. A fight over the phone to be exact.

Caller: trip lang (mahinahon.. Parang ginagaya yung tono ng boses ko)

"what?" di ko maintindihan ang sinasabi ng caller. Medyo umiinit na yung ulo ko dahil sa ginagaya ang tono ng boses ko, tsaka trip lang daw.. Tsk. Ayokong napaglalaruan.

Caller: Trip lang (mas malakas)

"what?" Tanong ko pa ulit kahit naintindihan ko na. Iniinis ko lang.

Caller: Trip!!( nabwiset yata) T-R-I--
Ni na niya naituloy yung pag-iispell niya dahil napigtas na ang pasensiya ko.

"Do you think I'm stupid? I'm not dumb!! Sino ka ba hah?" Sabi ko ng napakabilis. Sheez nagiging Leon ako. Baka magtratransform ako gaya ng transformers or mag eevolve na ako gaya ng pokemon. Tsk pagmukain ba naman akong tanga? How's that?

Caller: (nagmumura na yata, di ko masyadong marinig..) Ikaw sino ka ba?!!

"Hey! Ikaw itong tumatawag tawag!!? Girlfriend lang naman ako nang nilalandi mo!" Naiinis kong sabi at medyo tumaas ang tono nang boses ko. Di ko napigilan.

Caller:(ayown nagmumura na yata, di ko marinig)

"Ikaw akala mo kung ano!?"mainit na ulo ko na sigaw sa phone. Tsk.

tas inagaw n Jhay yung phone..

"Mamaya ka na kase tumawag kasama ko nga girlfriend ko" nakangiti niyang sagot sa caller.
Mamaya? Seriously Jhay? May balak ka pang tawagan siya ulet?

Umiinit nanaman dugo ko.

"Hoy Jhay!! Sino ba yang kausap mo?" Sigaw ko para marining nung caller.

"tama na. Tama na." annoyed na pigil sa akin ni Jhay.
Haha.. Ako tawa lang ako sa tabi. Pero ramdam ko yung tusok nung karayom kanina na naging kutsilyo na na nakatarak sa puso ko, tulo ang dugo. Ganon naman eh.

Nauna na akong naglakad pero ayun siya at nasa tabi ko nanaman. Hay. Parang gusto ko nang umuwi na parang gusto ko ring manatili dito... Sa tabi ni Jhay.

____________________________________________________________________________________

My Boyfriend For A Day[COMPLETED]Where stories live. Discover now