LOUIE's POV
There's so many reasons i have to say, but it's really hard to say it.
Kung bakit pa kasi si Tiffanie ang nakasama namin sa project eh.
FLASHBACK
"Anong klaseng mukha yan, Kuya Lou?"-Amiel.
"Mukha kang bano eh. Yung totoo pare? Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan, nag ma-mari ka no?"-Jap.
Kanina pa kasi ako nakangiti. Masama ba? Nakaka-2 weeks na
pala kami ni Rally. Mahal na mahal ko yun eh, wala na kong balak pakawalan pa.
"Alam ko na! Si Rally kasi iniisip nan."-Amiel.
"Ganun ba talaga kapag inlove? Kailangan baliw? Bakit ako hindi? Kahit mahal na mahal ko si R.A hindi naman ako nababaliw ng ganyan. We only have a simple relationship, including our Humorousness."
Binaling ko na ang tingin sa kanila at nagsalita.
"Inaantok na ko, matulog na din kayo."-Simpleng sabi ko at humiga na ko.
"Okay sweetdreams malab!"-Silang dalawa.
Babatuhin ko na sana ng unan, nang sinara nila bigla yung pinto.
Umiling nalang ako at humiga na.
Pipikit na sana ako, nang nag-ring ang phone ko.
Tinignan ko kung sino, pero number lang siya.
In-end call ko nalang at pumikit na.
Maya-maya nagring nanaman, tinignan ko kung sino, ganon pa din naman. Unknown paren.
Paulit-ulit kong inend call ang phone ko, pero ayaw parin tumigil.
"Atop!"-Sabi ko at in-accept ko na yung tawag. Baka kasi fan ko lang to.
"Alam mo bang sayang ang pagload ko kung ine-end call mo lang."-Pagbungad niya sakin.
Boses babae eh,pero hindi naman to si Rally eh. Boses ni Rally simple lang, pero sa babaeng to parang maarte.
"Sino ba to?"-Irita kong sabi.
"You don't know me?! Ugh.. It's Tiffanie Waycie"-Sabi niya. Tiffanie Waycie? Siya ba yung makakasama namin sa project?
"Oh bakit?"-Normal kong tanong.
"Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Alam ko ang buong pagkatao ni Louise Lindre.."
"Ano bang pinagsasasabe mo?"-Tanong ko. Sana nagbibiro lang to.
"Wait, did i say Louise Lindre? It was supposed to be RALLY SCOTT?
"Nagkakamali ka, si Rally patay na."-Diretso kong sagot.
"Are you really sure? I have evidence here. Meet me at the park near your house."
Sh*t pano niya nalaman?
Naghoodie nalang ako at lumabas na. Tinignan ko ang oras 10:45 na pala.
Paglabas ko ng kwarto,dumiretso ako at bumaba na ng hagdan.
"Oh kuya MALAB san ka pupunta?"-Jap, na kumakain ng tinapay na may ice-cream, favorite desert eh.
"Onga, gabi na ah."-Amiel,na kumakain naman ng toblerone.
"May bibilhin lang."-Sabi ko at lumabas na.
******************
Nandito na ko sa park, pero hindi ko parin nakikita si Tiffanie.
BINABASA MO ANG
HUWAG BASAHIN (revising)
Romance"I am the star of pretending and also the leader of the gang."