Chapter 24~Grand Finale 1

62 1 0
                                    

RALLY’s POV

Naririnig ko ang kaguluhan na galing kela Mark. Mukhang nasa gitna na sila ng labanan. Nanatili nalang kaming tahimik ni Kuya. Ayaw naming mawalan ng focus ang tatlo sa gitna ng laban nila.

“Here,” Tumigil kami ni Kuya sa isang pintong kulay itim. Nandito daw si Louie eh. Nakakapagtaka lang, dahil walang bantay.

Tumango kami ni Kuya sa isa’t isa, siya na ang nagbukas ng pinto.

Madilim ang loob, pero may ilaw sa gitna. Pumasok ako at tumingin kaliwa’t kanan. Nakatumba ang upuan at halatang walang tao sa loob. Where is Louie?

Tinignan ko ang buong paligid.May nakita akong dugo. Nilapitan ko ito at hinawakan.

Nilalaro ko sa daliri ko ang dugo at tinignan si Kuya na nakabantay sa pinto.

Kaninong dugo kaya ito? Posibleng kay Louie ‘to, oh kaya sa kalaban.

Tumayo na ako at lumapit na kay kuya. “Wala. Wala si Louie,”

"What?!" Umiling siya at hinilot ang sentido niya. "Ciara," Tawag ni Kuya mula sa transmitter.

Pinakinggan ko sila sa transmitter, pero mukhang hindi pa tapos ang gulo.

"Huwag natin muna silang kausapin, Kuya. Maghanap hanap tayo. Louie is just around the corner," Sabi ko at tumingin tingin sa paligid.

"Enemies are nearer," Sabi ni Kuya. I smirked.

"Their death is the nearest,"

***

LOUIE's POV

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang dadaanan ko. Ang daming pasikot sikot.

Buti nalang at wala pa 'kong nakakasalubong na kalaban. Buti nalang at marunong akong gumamit ng baril.

Liliko sana ako nang bigla 'kong may nabunggo...

Agad akong lumayo at itinapat ang baril kay...

"Lorrane," Banggit ko sa pangalan niya.

"Louie," Rumehistro ang takot sa mga mata niya. Walang emosyon akong nakatingin sa kanya. "Louie, put that gun down," Nakataas ang dalawa niyang kamay.

Umiling ako, "You're one of them, Lorrane. You're an enemy," Mabilis siyang umiling.

"No... That's not true. I'm not one of them," I smirked.

"Really? Prove it," Madiin kong sabi.

Bumuntong hininga siya, "Ako 'yung nagpapadala kay Rally ng mga sulat kung nasaan ka. I'm on your side," Tinitigan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko, pero 'yung sinseridad niya ay nababasa ko.

"Why?" Tanong ko. If she's on my side, bakit kailangan niyang magpanggap kay Steven? 

"King told me to do so... Pumayag ako, kasi, heto narin siguro 'yung way para makabawi ako sa mga nangyari noong highschool pa lamang tayo. I'm sorry," She's sincere. I can feel it. Kahit saglit ang pinagsamahan namin, alam kong totoo ang ipinapakita niya.

Dahan-dahan kong binaba ang baril. Bumuntong hininga siya at bakas sa mga mata niya ang pasasalamat.

"She's here by the way," Bumilis ang tibok ng piso ko. Hindi ko pa naririnig ang pangalan niya ay alam kong siya iyon. Alam kong nandito siya, dahil kay Alas.

"The rest of her gang is here to get you," Nakangiti niyang sabi. "She really loves you that much, kaya kahit sobrang delikado sa kanya, dahil sa kalagayan niya ay nagawa niya paring pumunta dito para iligtas ka," Kumunot ang noo ko, kinabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUWAG BASAHIN (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon