3. Not over it

745 7 0
                                    

RALLY

"Teka! Teka lang manong!" Parang bumalik nanaman ako sa umpisa. Lagi namang ganito, eh. Napigilan ko agad si manong sa pagsara ng gate.

"Good morning, hija. Naku! Pumasok ka na nga!" Kahit hingal ay pumasok na ako. Nagpasalamat ako at naglakad na papasok. Bumaling ako sa mga babaeng nagkukumpulan sa harap ng gate. Tss. Maiingay. Ano nanaman bang meron? Ibinaliwala ko nalang at naglakad na ako papasok.
Dapat pala 7:30 ako pumasok, bukas na bukas kasi ang gate ng ganong oras. Kapag kasi napatak na ang panibagong oras, ay isasara na ito. Thirty minutes ulit bago buksan.

Next time talaga maaga na akong gigising.

PAGKAPASOK KO ay bumungad sa'kin ang kakaunting students lamang. Mga eight lang ata, including Brale Band.

Tinanong ko si Steffani na nakaupo sa unahan, ang sporty chick para sa'kin.

"Asan 'yung iba?"

"May pinagkakaguluhan sa labas. 'Yung mga artistang papasok dito, Simple Mind pangalan ng banda, eh." Napa-ahh nalang ako at nagpasalamat. Agad na akong naglakad papunta sa upuan ko.

"Yow, Rally!" Nag-nigga pose ako kay Amiel, ganun din ang ginawa niya. Nagtawanan kami at nag-apir. Umupo ako sa tabi ni Louie na may nakasalampak na earphones sa tenga niya. Ilang araw na ang lumipas at hindi ko parin nakakasalamuha itong katabi ko. 'Yung kapatid niyang si Amiel nakakausap ko, pero siya? Nah.
Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o siya. Bahala siya. Kung ayaw niya makisama, huwag nang pilitin.


Isinalampak ko na din ang earphones ko at nakinig ng kanta.

"Baby it's late! Can you take me home?" Kumakanta ako na sakto lang, pero hindi ko sineseryoso ang boses ko. Hindi naman siguro maririndi 'tong katabi ko, dahil may earphones din siya. "Cause you know I'm a little tipsy! Light me up and baby kiss me!" Hindi ko na pinansin ang pagtingin sa'kin ng ibang kaklase ko. Kinuha ko ang notebook ko ng bio at tinignan kung may assignment ba 'kong nakalimutan. Napangiti ako habang nakanta nang nasagutan ko na pala.

"Sparks sparks sparks fly! Up up up high!" Tumayo ako at pumunta sa grupo nila Jim na mga close ko ding mga lalake.

"Hold me close by your side! Baby never let me go!" Napatakip naman sila nang tenga nang makalapit na 'ko. Natawa ako at tinanggal ang earphones ko.

"Mungshit boses, eh!" Sabi ni Jim. Aba't!

"Ah ganon?" Nakapameywang ako at itinaas ang kilay ko sa kanya. Humalukipkip namam siya at binelatan ako. Nagtawanan naman ang ibang tropa niya. Tong tropahan ni Jim ang naging supporter naming AlphaYukaz. Kaya sobrang malapit ako sa kanila.

Kinulong ko ang ulo ni Jim sa kilikili ko at idiniin ang kamao ko sa ulo niya.

"Aww! Boss ouch!" Binitawan ko naman agad habang natatawa kami.

"Musta buhay, boss?" Tanong ni Sanji na katabi lang ni Jim. Mga apat sila na mga kalalakihan. Ang iba nilang mga kaibigan ay nasa ibang klase siguro.

"Heto, gustong matulog." Humikab naman ako pagtapos.

"Hindi parin talaga nagbabago." Napailing naman sila Kers at Thovik.

"Hehehe. Sensya na! Ay teka si Steffani." Bumaling ako kay Steffani at kay Amiel na nakatingin lamang sa relo niya. "Amiel! Steffani! Dito kayo!" Tumango naman sila at lumapit nadin. Tumingin ako kay Louie na yayayain ko sanang pumunta dito, pero nakatungo lamang ito. Tatawagan ko din ba? Baka mamaya sungitan pa ko.

HUWAG BASAHIN (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon