2. Lorraine

796 8 0
                                    

RALLY

What time is it? Gabi na ba?

Bumalik ang tingin ko sa dalawang taong nasa harap ko. Si Emille at Ms. Fuentabella---

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung nasaan nga pala ako.

Nakataas ang kilay sa'kin ni Ms. Fuentabella, habang si Emille naman ay napailing. Itinaas ko nalang ang dalawang daliri ko forming a peace sign at them.

"Hehehe. Peace tayo, Ma'am?" Pinitik naman ni Ms. Fuentabella ang kamay ko.

"Ma'am naman." Nakanguso kong sabi habang himas himas ang parte kung saan niya ako pinitik.

"Hay, naku! Pasalamat ka't mahal kita!" Sabi ni Ms. habang naglalakad na pabalik sa harap. Ganun din si Emille na bumalik sa inuupuan niya.

"Laway mo, babae!" Pabirong sabi ni Ms. at nagtawanan ang buong klase. Nakanguso parin ako at napahawak nalang ako sa batok ko. Nang mapansin kong magulo ang buhok ko, sinuklay ko ito gamit ang kamay ko at pinunasan ko ang gilid ng labi ko.

"Okay! Moving on again!" Narinig kong nagtawag si Ms. ng mga pangalan. Aisht. Checking of attendance.

Sumandal ako sa upuan at winala ang antok ko. Makakatulog sana ako ulit nang may bigla akong naramdamang tumusok sa mukha ko. Napaayos ulit ako ng upo at tumingin sa lap ko. May nakalukot na papel. Kinuha ko ang crumpled paper at binuklat ito nang nakakunot noo.

Tumingin ka sa pwesto ko!
-Emille da ganderz

Nakakunot noo kong tinignan si Emille na nasa kabilang dulo. Kumakaway siya sa'kin at tinuturo ang lalaking katabi ko.

I uttered 'what' to her, dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Binato ko ang papel sa kanya para isulat ang sinasabi niya.

Nakalungbaba ako habang nakatingin sa kanya na nagsusulat.
Emille writes rapidly na parang may excited na sasabihin. Ngayon ko lang napansin na nagpaiksi na pala ng buhok ang kaibigan kong bruha.

Her shoulder-length hair makes her face more blooming and younger. In our eighteen years of existence, mukha siyang thirteen year old freshman. With her on fleek eyebrows, big round eyes which is color brown, small but pointed nose, and her pinkish lips... Geez, bakit hindi nalang siya mag-cosplay. Tutal, mukha naman---

"Aaw!" Mahinang daing ko nang maramdaman ko naman ang pagtusok ng papel sa mukha ko. Emille just threw the crumpled paper straight up to my face.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin habang siya naman ay binelatan ako. Childish shit! Napailing nalang ako at binuksan ang papel.

May katabi tayong arista!!!!!!

Kumunot noo ko at tumingin sa lalaking katabi ko. Nakakunot noo itong nakatingin sa'kin.

"What?" Iritadong tanong nito sa'kin. Psh suplado!

"Isa ka ba sa member ng..." Nangapa ako sa isip at pilit na inaalala kung ano ba talaga ang tawag sa banda nito. "What is it again? Brown Band?" Nagbabaka sakali ako kung tama ba ang hinala ko, pero mali pala ako. Mas lalong nagsalubong ang makapal nitong kilay sa tanong ko.

HUWAG BASAHIN (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon