Chapter 18 ~ What my bestfriend really feels

277 2 4
                                    

RALLY's POV

"Ang ganda ng mga stars no?"-Nakangiting sabi ko kay Patrick na katabi ko ngayon. Nandito kami ngayon sa garden ng hospital. Peace and quiet. Kami lang dalawa dito.

"Oo nga ang ganda niya. Kahit nakikita ko siya ngayong mahina, malungkot, hopeless. Sobrang ganda parin niya."-Naguluhan ako sa sinabi niya. Kaya liningunan ko siya. Napansin kong sakin siya nakatingin at hindi sa stars.

Napangiti naman ako ng mapakla. (May lasa?! De joke lang) Hindi ko alam pero medyo natawa ako na may kasamang pag-iyak.

"Salamat ha. Kasi nandyan ka parin, kahit alam mong mahal kita bilang bestfriend ko. Ang best of the best bestfriend ko."

"Rally..."-Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha kong sunud-sunod na lumalabas sa letse kong mata.

"Panget, mahal kita. Mahal na mahal."- Ngumiti naman siya. Yung ngiti niya ang ayaw kong makita.

Yung ngiti niyang alam niya sa sarili niya na hindi talaga iyon ang gusto niya ipakita. Nakakainis! Nakakainis, kasi nakikita ko siyang nakangiti.

Nasan na yung tunay na ngiti niya? Nasan na yung ngiti niya na abot sa tenga? Dahil ba sakin kaya hindi ko makita sa kanya yon? Siguro nga.

Siguro nga ako ang may dahilan. Ako ang may kasalanan ng lahat ng kalungkutan meron siya ngayon. Kasi ang tanga ko. Nagmahal ako sa taong, hindi ako mahal. At ang pinaka masaklap?! Yung nasa tabi ko si Patrick kapag nasasaktan ako at hindi ko nakita yon.

"Alam ko. Bestfriend mo ko eh."-Tumungo nalang ako at umiyak.

Pwede bang ako nalang ang tumira sa Kalungkutan Village at silang lahat naman ay sa

Masaya Village?

Pwede bang ako nalang ang maging malungkot? Pwede bang ako nalang ang nasasaktan?

Pwede bang ako nalang?

"Sorry, Patrick. I'm really very sorry. Sorry... Sorry...."-Sabi ko at niyakap nalang niya ko.

"Don't be."-Sabi niya. Don't be? I should be, Patrick.

"Sana ikaw nalang ang una kong nakilala, bago siya. Sana ikaw nalang ang minahal ko. Sana ikaw nalang ang nakarinig sakin sa music room. Sana... Sana ikaw nalang..."-Sabi ko at ikinulong ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Bigla kong naramdaman na may tumulo sa balikat ko. U-umiiyak siya?

"Patrick, please don't.."-Pero huli na pala ang lahat, kasi naramdaman ko ang paghikbi niya.

"Ang sakit, Rally... Sobra."-Pumiyok ng konti ang pagsabi niya non.

"Patrick...." Wala akong masabi. Kumalas siya sa yakap at nakita ko siya.

Yung totoo niyang nararamdaman pinakita na niya. Yung gusto kong makita sa kanya

kanina pa, ang totoong siya. Pinakita niya sakin na umiiyak siya, na nasasaktan siya.

Umiiyak din akong tinignan siya. Nakita kong sunud-sunod na pagtulo ng luha niya.

"Fck.. Akala ko kaya ko eh. Akala ko kaya kong ipakita sayo na nakangiti parin ako, na tanggap ko.

Pero eto. Sasabihin ko na sayo ang totoo"-Tinignan ko lang siya na umiiyak. Ganon din ako.

"Sobrang sakit.."-Pumiyok nanaman siya nung sinabi nya yon.

"Sobrang sakit kasi siya pinili mo. Pwede bang ako nalang ang piliin mo? Pwede bang ako nalang ang mahalin mo? Pwede bang kalimutan moangangalang Louie Brale at tandaan mo lagi ang Patrick Sprouse? Pwede bang sakin ka nal nang at huwag sa kanya?"-It hit me. It hit me again and again! This feeling is so painful. Guilt.

HUWAG BASAHIN (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon