FaLL 4

5K 371 507
                                    

Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng aking kuwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Alam ko na sa mga oras na 'to, nakahanda na ang almusal at naghihintay na si Kuya Shawn sa baba. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palabas ng kuwarto at bumaba papuntang kusina.

"Bakit 'di ka pa bihis?" nagtatakang tanong ni Kuya sa 'kin habang sinisipat sa relo niya ang oras.

"Medyo masama ang pakiramdam ko Kuya kaya magpapahinga muna ako dito sa bahay." pagsisinungaling ko.

Nakita kong bumalatay sa mukha ni Kuya ang pag-aalala kaya hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sa 'yo, Princess? Uminom ka na ba ng gamot?" sunod-sunod na tanong nito at sinalat ang noo ko.

"I'm sorry for lying, Kuya." naguguilty na sabi ng isip ko.

"Okay lang ako, Kuya. Konting pahinga lang siguro 'to. Huwag ka ng mag-alala, uminom naman na ako ng gamot kanina." pagsisinungaling ko ulit at hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Are you sure? Kung huwag nalang kaya ako pumasok para may mag-alaga sa 'yo, Princess?" suhestiyon ni Kuya na agad kong inilingan.

"Huwag na Kuya, mamaya-maya nito ay okay na ako. Sayang ang araw mo kung mag-aabsent ka pa. Kaya ko naman ang sarili ko Kuya." sabi ko dito at ngumiti ng bahagya.

"Okay, just call me if you need Kuya." bilin nito at hinainan na ako ng pagkain sa plato ko.

"Salamat, Kuya. Kain ka na rin," Umupo na din siya sa kaharap kong upuan at nagsimula na ding kumain gaya ko.

After naming mag-almusal, nagpahinga lang sandali si Kuya bago siya umalis para pumasok. Binilinan niya akong magpahinga at uminom ng gamot. Tumango ako at inihatid siya sa may pinto. Nang makaalis na si Kuya, pasalampak akong umupo sa sofa at nakatulala sa kisame.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko ng sabay-sabay. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang mga nagtext.

Best ELisse
Are you sure na hindi ka na papasok? Hindi na ba magbabago isip mo?

Naiiling nalang ako habang binabasa ang text ni Elisse. Sunod kong binuksan ang text ni Jacob at natawa ako kasi inenglish lang niya ang tinext ni Elisse. Sumunod naman ay text ni Nathan.

Nathan
Just text, if you need anything. Pag nagbago isip mo just tell us at susunduin ka namin.

At panghuli naman ay kay Blake na mas lalong nagpangiti sa akin.

Blake
If you change your mind. Just tell me and i'll spread my wings and fly just to fetch you.

Fall For You *Where stories live. Discover now