TS - Chapter 03

10K 191 6
                                    

"Kawawa naman siya. Siya lang 'yung naka-survive e."

"Wala na 'yung buong pamilya niya? Kahit ba 'yung kapatid niya?"

"Milagro na lang daw 'yung makakapagligtas sa bata. Hanggang ngayon nga nasa ICU pa. Dead on arrival naman 'yung nanay niya."

"Isa pang milagro ang sabihin mo. Milagro na nabuhay pa siya."

Ilang araw na ba akong pinag-uusapan ng mga nurse na 'to? Ilang araw na rin ba ako dito sa ospital? Hindi pa ba dadating 'yung susundo sa'kin?

Naiirita na ako dito. Gusto ko nang umalis.

Bakit ba kasi kailangan pang nandito pa ako? Kailangan ko bang marinig lahat ng sasabihin nila sa pamilya ko?

Wala na silang lahat. Alam ko na 'yun pero paulit-ulit pa rin nilang pinag-uusapan.

Hindi na ako umiyak. Matagal ko naman nang alam na mangyayari 'to.

Sabi ni mama, asahan ko na daw na mawawala kami. Maging malakas daw ako kasi hindi na namin hawak 'yung mga buhay na meron kami, na kahit anong mangyari dapat hindi ako umiyak.

Kabit lang naman si mama ni papa... kung sa legal na usapan. Kami ang unang pamilya pero iba ang pinakasalan.

Sabi ni mama, kailangan daw ni papa na gawin ang lahat ng iyon dahil mahal niya kami, na wala naman kaming pagpipilian sa sitwasyon na meron kami.

Anak ng politiko ang pinakasalan ni papa at sila ang may kasalanan kung bakit wala na akong pamilya.

Sabi nila car accident daw. Nabunggo daw kami ng truck.

Pero nakita ko naman ang lahat ng totoong nangyari.

Pinasok ng mga lalaking maraming dalang baril 'yung bahay namin. Nakapagtago pa kami ng kapatid ko sa ilalim ng lamesa. Napanood ko kung paano nila bugbugin si mama. Nagawa din nilang halayin at pagpasapasahan si mama na parang hindi na siya tao. Akala ko makakaligtas na kami ng kapatid ko pero nakita pa rin nila kami. May balak pa silang halayin din kami pero wala na raw silang oras. Kailangan na daw nilang matapos 'tong trabaho nila.

Pilit nila kaming isinakay sa kotse. Iyak na ng iyak ang kapatid ko. Humihinga pa si mama, sabi niya maging malakas daw kami. Mahal na mahal daw niya kami.

Binunggo ng isang truck ang kotseng sinasakyan namin.

Tumilapon ako papalabas ng kotse habang kapatid ko ay naipit kasama si mama.

Dapat alam ng mga doktor kung anong totoong nangyari. Dapat lang na alam nila kasi trabaho nilang malaman kung bakit naging ganon ang lagay nila. Pero siguro kakampi lang sila ng pumatay sa amin.

Kinuha nila ang pamilya ko sa'kin.

"Veronah?"

Napatingin ako sa nagsalita. Doktor siya at pumasok na lang siya kasama ang isang malaking lalaki. Siya na siguro ang susundo sa'kin.

"Veronah, this is Mr. Osalla. Iiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo."

Pagka-iwan sa amin ni doktora, naupo siya sa upuan sa gilid ng kama ko.

"How old are you, little one?"

Nakangiti siya pero parang hindi naman masaya. Sabi ni mama kapag ngumingiti daw dapat masaya. Hindi naman masaya 'yung ngiti ng lalaking 'to. Naaawa ba siya sa'kin?

"12."

Napatango siya. "That's old enough."

Hindi ko na sigurado kung ngayon ko lang talaga siya nakita. Pamilyar 'yung singsing na suot niya pati 'yung hikaw sa kaliwang tenga. Kahawig iyon ng kung anong meron si mama.

Politics' Dirty GamesWhere stories live. Discover now