Tumikhim ulit ako at tumingin sa bintana. "May lakad kami ni... Kaine."

Biglang huminto ang paghaplos niya sa bewang ko at nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Kahit anong pilit kong wag tumingin dito ay hindi ko mapigilan.

Parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang blanko lang ang ekspresyon nito. Ewan ko ba. Parang... parang natatakot ako sa makikita kong ekspresyon sakanya.

"How 'bout tomorrow? I'll pick you up after work."

Parang nanlamig ako sa kalamigan ng boses niya. Napalunok ako.

"May lakad din kasi kami ni Kaine bukas."

"Then the day after tomorrow?"

Napalunok ako. "Ano kasi..."

"The next next next day?"

"Baka kasi..."

"Five days from now?"

Stop it please...

"Gray..."

"Next week?"

Napalunok ako. Parang namumuo na naman ang galit sa loob ko. Naiinis ako!

"No. Hindi pwede," madiin na saad ko.

"Then when?"

Inis akong tumayo sa pagkakaupo sa kandungan niya. "Diba sabi mo hindi ka magrereklamo? Sabi mo handa kang maghintay?"

Nagpupuyos na naman ako sa galit lalo na nang magtama ang paningin namin. Ang kaninang blankong ekspresyon niya ay nahaluan ng kalungkutan.

"Then... then just call me if you have free time..."

I saw him tauten his jaw and his fist is clenched as well. Nakabaling ang mukha nito sa kabilang direksyon.

"See you when I'm bored then."

Hindi ko na 'to hinintay pa at umalis na agad. Ayoko na ding alamin kung anong naging reaksyon niya. All I know is that I have to be stiff to him.

"Saan ka galing?"

Napalunok ako. "Umuwi lang ako saglit."

Dumiin ang pagkakahawak ko sa daliri ko. Hindi ko din tinangkang salubungin ang mga titig niya.

"Dito ka natulog?"

Tumango-tango ako dito. Bahagya ko ding sinulyapan ito na malamig na nakatingin sakin.

Nagulat ako ng bigla niyang ibagsak ang kamay sa lamesa ng buong pwersa.

"Wag mo kong ginagago!"

Lalo akong kinabahan ng bumaling sakin ang nag-aapoy na tingin nito. "Nagising ako nung umalis ka! Pinuntahan kita sa condo mo kanina pero wala ka. Saan ka galing?"

Napalunok ako ng ilang ulit at napatingin sa mga daliri ko.

"Uulitin ko... saan ka galing?" Madiin na saad nito.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon