PAYMENT 15

3.3K 63 1
                                    

Ang weird ni Sir Kai. Napakamot na lang ako sa ulo ng maalala ko ang nangyari kahapon.

Bigla na lang siyang umalis! Di ko tuloy nalaman kung ano yung nasa envelope. Ang weird talaga ng nangyari kahapon pati bakit gulat na gulat siya? Tapos titingin siya sakin tapos sa papel na hawak niya. Napuno tuloy ng kuryusidad ang pagkatao ko.

Napatingin ako sa desk ko ng makitang nagriring ang cellphone ko. Napalunok ako ng makita ko kung sino yung caller. Huminga ako ng malalim bago 'to kunin.

"Hello? Gray?"

"Do you want to die!? I said you'll answer my call on the fucking first ring!"

Kinabahan ako sa timpla ng boses niya. Shit. Patay na naman ako nito.

"Sorry. May ginagawa lang ako sa opisina," kinakabahan na saad ko.

"Fuck your work! Pumunta ka dito! Ngayon na!"

Tapos binaba niya na. Napahilamos ako sa mukha. Patay na talaga ako. Isang linggo na ba agad? Bakit ang bilis naman? Ayaw ko na siya makita. Nahihirapan akong magmove on.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang bag ko. Dahan-dahan akong lumabas para hindi mapansin ng iba. Working hours pa kasi pero ayoko namang lalong malagot kay Gray, mas ikamamatay ko yun.

Ngiting-ngiti ako ng makarating ako sa parking lot. Ang galing ko talaga.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Sir Kai na kakalabas lang ng kotse. Patay na!

Nagkatitigan kami pero parang may iba sa titig niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mata niya na tinititigan ako. Parang malulusaw na nga yata ako.

Isinawalang bahala ko na lang yun at ngumiti ng alanganin. Bakit sa lahat ng makakahuli... siya pa?

"Saan ka pupunta?"

Lumapit ito sakin habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Mahinahon siya ngayon at mukhang hindi naman ako bubugahan ng apoy.

"Sir Kai..." kinakabahang turan ko. "Pwede na ba ko mag-out? May pupuntahan lang ako."

Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. Parang sinusuri ako. Umiwas ako ng tingin sa pagkailang sakanya. Ang weird niya talaga! Baka crush niya na ko? Iba talaga ang kamandag ko.

"Ano Sir? Siguro crush mo ko kaya ganyan ka makatingin 'no?" Nakangising sabi ko.

Bigla kong natakpan ang bibig ko ng mapagtanto ko ang nasabi ko. Patay na!

"Naku Sir Kai! Sorry na! Di ko naman sinasadya. Ikaw kasi! Bakit mo ba ko tinititigan?" Napakagat labi ako. "Sorry Sir. Wag mo naman akong tanggalin sa trabaho, please..."

Sabi pa naman niya wag akong magbibiro sakanya. Patay na talaga! Bakit kasi ang tahimik niya lang habang nakatitig sakin? Kinakabahan ako!

"Okay."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Anong okay? Pwede na kong umalis agad? O hindi niya ko tatanggalin sa trabaho? Naku! Di pa nag-iinit sa pwet ko yung swivel chair ko!

"You can go now," mahinahong saad nito.

"And don't come back ever again?" Alanganing sabi ko.

Ganun pa yung ibigsabihin niya? Saan na lang ako pupulutin? Nakita ko ang multong ngiting lumabas sa kanyang mga labi.

"I'll wait for you tomorrow. Wear something nice," ani nito bago ako iwan mag-isa.

Her DebtOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz