PAYMENT 21

3K 48 1
                                    

"Iniiwasan mo ba ko?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Kaine na nakapamulsang nakatayo sa harap ko.

"Good afternoon, Sir Kai. May kailangan po ba kayo?" Pormal na saad ko.

Nagulat ako ng ibagsak niya ang kamay niya sa lamesa. "Pinabayaan kitang iwasan ako nitong nakaraan pero hindi na ko papayag ngayon. Ano bang problema mo?"

Napatingin ako sa mukha ni Kaine na blangko lang. Tinignan ko ang kamay ko na nasa mesa bago ibalik kay Kaine.

"Hindi ko alam yung sinasabi mo, Sir," pinagdiinan ko yung 'Sir'sakanya.

Bumuntong hininga ito. "Let's talk tomorrow. Ayokong mag-away tayo."

With that he left my office.

Napabuntong hininga ako at napahilamos sa mukha. Paranoid na yata ako. Pakiramdam ko kasi kahit anong oras sisiraan ako ni Gray kay Kaine. Hinahanda ko lang ang sarili ko kung sakali.

Hinihintay ko na lang talaga yung gagawin ni Gray. Napabuntong hininga ulit ako. Napatingin ako sa nilapag na chocolate bar ni Kaine at wala sa loob na kinain ito.

Nakakaasar talaga 'tong kabang nararamdaman ko pagnakikita ko si Kaine. Parang ano mang oras kokomprontahin niya na ko. Parang ano mang oras makikita ko na yung pandidiri sa mata niya na labis kong kinakatakot.

Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok at pumasok ang isang babae. "Ma'am? May naghahanap po sainyo sa labas."

"Sino daw?"

"Hindi po nagpakilala. Basta pumunta daw po kayo sa parking lot," at umalis na yung babae.

I have someone on my mind. Kaya para masagot ang tanong ko ay pumunta ako sa parking lot.

Nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan kaya agad akong dumiretso dun.

"Fasten your seatbelt. We're going somewhere," pinal na saad nito.

Wala na kong nagawa ng paandarin niya ang kotse. Napabuntong hininga na lang ako.

To: My Kaine

Sir. Maaga po akong nag-out. Emergency.

"Who you texting?"

Bahagya kong tinignan si Gray bago itago ang cellphone ko. Nagulat ako ng kunin nito ang kamay ko at pagsalikupin ang mga daliri namin.

"Your fucking boyfriend?" Mapang-uyam na saad nito.

Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay. What is this? Ano na namang binabalak ni Gray.

"Answer me, you bimbo."

Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kamay namin. "Boss ko."

"Who's also your boyfriend," mapang-asar na sabi nito. "Wait! He's also your bestfriend, Kaine."

Tumawa ito ng nang-iinsulto. Natahimik na lang ako. Of course, he did his investigation.

"He loves you so damn much, huh? Kahit noon pa diba? I pity him for that."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon