Chapter 10 (Proposal)

Start from the beginning
                                    

Oh Ashia, ikaw ba ang na-assign dito?”tanong niya sakin.

“Opo Sir.”

“Ako na lang ang magche-check.” Sabi ni Sir. Binigay ko naman sa kanya ang listahan ng mga studyante.

Seriuosly, paano kaya natatagalan ni Sir Roxas ang mga studyante niya? Kung titignan mo sila ngayon ay hindi ka talaga maniniwala na nag-aaral sila sa Lockheart Academy kung hindi lang nila suot ang uniform nila.At dahil Field Trip ngayon ay hindi sila naka-uniform kaya mukha silang ewan, parang mga batang limang taong gulang.Yung iba naghahabulan sa loob ng bus, merong natutulog sa upuan ng baliktad yung paa niya nasa sandalan habang ang ulo niya ay nasa upuan, meron pang nagbabatuhan ng papel.

Pero hindi naman sila mukhang mga taong grasa katulad ng ibang mga studyante na pasaway sa ibang school kasi madalas ko namang makita na malinis naman ang uniform nila, mas desente pa nga sila tignan kompara sa ibang mga studyante dito kapag hindi lang nila ginagawa ang ginagawa nila ngayon.Kawawa naman si Sir Roxas, siya lang ang nakakatagal sa ganitong klase ng mga istudyante.

“Here.”binalik sakin ni Sir ang list.”dito ka na rin yata sasakay.”

What?! Sa buong field trip ay makakasama ko ang mga pasaway na istudyante ng 4-D?! Di ko yata kaya yun.

“Ashia!”

“Dito ka sa likod namin!”

Nang tignan ko kung sino ang tumawag sakin ay nakita kong nakaupo si Brix at Fix sa likod ng driver’s seat.

The Gangster Meets The Playgirl [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now