c h a p t e r 5

9 0 0
                                    


"...when your legs don't work like they used to before~~"

Agad na bumungad sa paningin namin ang magagarang dekorasyon na nakapalibot sa buong kwarto. Bahagya muna kaming tumigil sa labas, bale kaharap namin ang pinto papunta sa loob.

Napag desisyunan ng mga guro at ng administration na sa school gymnasium na lamang ang venue ng prom. Malaki naman ang gymnasium kaya walang problema sa espasyo.

Sumasabog sa ilaw ang kwarto kaya't kitang kita ang mga nag gagandahan at magagarang kasuotan ng mga estudyante.

"Talagang pinaghandaan nila ang gabing ito. Ni isa, walang gustong mag patalo." Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy. Anong ritwal ang binubulong-bulong mo diyan?" Tanong sa akin ni Coleen matapos niya akong sikohin ng mahina.

"Wala." Tipid na sagot ko.

"Pwede ba, kahit ngayong gabi lang, wag ka munang KJ." Naiiritang tugon niya.

"Bakit ba hindi pa tayo pumapasok?" Tanong ko. Kating kati na kasi akong umupo eh. Hindi ako sanay mag heels, kaya sobrang sakripisyo ang nararamdaman ko ngayon.

"Wala pa kasi si Jason eh. Pero, malapit daw siya." Sagot niya, hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone na hawak niya.

Jason Bertan. Nakilala niya raw sa tinder. Naalala ko pa ang kwento sa akin ni Coleen noon, na baka destiny daw silang dalawa. Hindi naman daw kasi nila inakala na parehas pala sila ng school na pinapasukan. Kumbaga, ang tadhana na raw ang nagpaliit ng mundo nila. Ang corny.

Pero wala pa ring tatalo sa kacornihan ng istorya ko.

Mahigit limang minuto rin ang itinagal ng aming paghihintay, at pag titiis ko sa sumasakit kong mga paa, bago dumating ang 'ka-date' ni Coleen.

Tulad ng iba pang mga estudyanteng lalaki, nakasuot din ng pormal na damit si Jason.

"Pasensya na talaga at napaghintay ko kayo." Sabi nito.

"Wala yun, ano ka ba. Hindi naman kami naghintay ng matagal." Pasweet na sagot ni Coleen.

Agad namang kumunot ang noo ko sa naging sagot ng pinsan ko. Hindi ba matagal ang five minutes?! Akala ko ba, hindi kayang magsinungaling ng isang tao sa crush niya? Psh.

"Ah, Jason, si Miracle pala, pinsan ko. Mira, si Jason." Ani ni Coleen.

Ngumiti na lamang ako kay Jason, at hindi na nag abalang makipag kamay sa kanya. Sorry, hindi ako kumportable sa ganyan.

"So, pwede na ba tayong pumasok?" Nakangiting tanong ko sa kanila. For pete sake, gustong-gusto ko ng umupo.

Nang pumasok kami ay nagsitinginan sa amin ang halos lahat ng tao na nasa loob ng gymnasium. Sigurado akong kung ano-anong pambabatikos ang mga nasa isipan nila ngayon habang tinitingnan ang bawat taong pumapasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon