c h a p t e r 4

11 0 0
                                    


"Ano na nga?" Naiinip na tanong sa akin ni Coleen.

"Anong 'ano na nga'?" sagot ko.

"Tingnan mo 'to, kanina pa ako sayo tanong ng tanong kung sasali ka sa  prom! Sasali ka ba ha?"

"Hindi ko alam. Hindi na siguro." Sagot ko.

Nandito kami ngayon ni Coleen sa tapat ng locker namin. Wala lang, tambay lang.

"Bakit naman hindi? Sayang di---"

"Mas sayang kung sasali pa ako. Wala naman akong gagawin bukod sa umupo. Tsaka, wala naman akong kadate sa prom." Pagputol ko sa pagsasalita niya.

"Walang kadate kasi taken na yung taong gusto mong makadate." Sagot naman niya

Marahas kong kinamot ang gilid ng leeg ko to show my irritation, "Basta, ayoko!"

"Ewan ko sayo." Saad niya saka padabog na naglakad palayo sa akin.

Wala naman kasi talaga akong gagawin kung sasali pa ako, aside from sitting and watching everyone dance and enjoy the party.

Paalis na sana ako papuntang classroom ng mahagip ng mata ko si Drew na naglalakad papunta sa direksyon ko.

He's with Cardova and some of his friends kaya I doubt na mapapansin niya ako.

I wasn't breathing ng tuluyan na silang makalampas sa harap ko. Madaming taong nakapaligid sa kanya pero kitang kita pa rin siya ng mga mata ko, like my eyes were made to look at him, just him.

Drew walks by me, can he tell that I can't breathe? And there he goes so perfectly, the kind of flawless I wish I could be.

Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko, there was a sudden pain that ached me that made my eyes water.

This is torture

~~~~

"Are you going to the prom this Friday?" ang laman ng text message na nareceived ko mula kay Drew, at syempre nagulat ko.

Masyado bang obvious na importante siya sa akin kung pagkatapos kong mabasa ang text niya ay agad ko itong nireplyan?

"Hindi ako sure eh. Feeling ko kasi mabobored lang ako." reply ko.

It took 2 minutes ata ng makareceive ako ng reply mula sa kanya. Busy ata.

"You should come. Sabi nila, teenage life isn't complete without prom :)."

But prom is for those who have special someone in their life. And also for those na umaasang isasayaw sila ng crush nila.

But I had already learned my lesson. Pili lang ang mga taong nakakaexprience nun. And, I am not one of them.

Teardrops On My GuitarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang