Nadine's POV
One week have passed. Wala pa rin naman nagbago, Ganun parin si James. Habang patagal ng patagal mas lalo siya nagiging ma-effort. Sineryoso niya na talaga ang panliligaw sa akin.
"Oh Nadine bigay ng manliligaw mo." Sabay abot sa akin ni Ate Marie ng flowers.
Ngumiti naman ako at kinuha yun.
"Punong-puno na ng flowers yung kwarto mo dahil dyan sa manliligaw mo." Natawa naman ako kay Ate Marie. Binelatan ko siya.
"Inggit kalang!" Umupo ako sa counter. Nasa kusina kasi kami. Nagluluto siya.
Hindi niya lang ako pinansin. "Hmm, Ate kamusta na pala kayo ni Jerome?"
"Wala na kami." Sabi niya habang kumukuha ng pinggan para makahain na.
Wala na sila?
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Alam ko na masakit yan para kay Ate Marie. First Boyfriend niya kasi si Jerome. Lagi niya nga yun kinekwento yun sa akin. Kaya alam ko na mahal na mahal niya si Jerome.
"May iba pala siya." Inilagay na niya yung pagkain sa mesa at umupo na ako doon.
"Okay lang yan Ate Marie, Madami pang iba diyan." Pilit siyang ngumiti sa akin. Umupo na din siya para kumain. Kasabay ko siyang kakain ngayon. Wala kasi sina Mama at Papa. Close kasi talaga kami ni Ate Marie at para ko na rin siyang kapatid.
"Basta ang sasabihin ko lang sayo Nadine ay wag kang tumulad sa akin. Masyado kasi akong nagmadali at sinagot ko agad si Jerome kahit 2 weeks palang siya nanliligaw sa akin." Tiningnan niya ako sa mga mata. "Dapat kasi kilalanin muna natin sila. Wag tayo magpa easy-to-get kasi i-aadvantage nila yun and lets see kung hanggang kailan nila kayang maghintay kasi doon nila mapapatunayan na gusto ka nila."
Napaisip ako sa sinabi ni Ate Marie. She's defenitely right.
Dapat huwag akong magmadali na sagutin si James.
Cause if he's the right guy, He won't leave.
Ngumiti naman ako kay Ate Marie. "Tama ka Ate. Let's eat na." Ngumiti lang kami sa isa't isa at kumain na.
James' POV
"Bro, Mukhang masaya tayo ngayon ah? Ano bang meron?" Nakangiting tanong sa akin ni Ivan.
Ngumiti ako sakanya. "Wala, Wag niyo na lang ako pansinin."
Inirapan niya ako. Bakla ba ito?
"Bakit mo ba kami pinatawag?" Tanong ko kay Troy. Nandito kasi kami sa bahay niya.
Troy looks so happy, Bakit kaya? "May nakita kasi akong babae kanina. Ewan ko ba, tinamaan yata ako." Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.
YOU ARE READING
She's The One [JaDine]
FanfictionPaano kung bumalik yung taong minahal mo ng sobra. Are you willing to give up your present love for your past love? Meet Nadine Lustre. maganda, mayaman, mabait, good daughter at NBSB. Never pumasok sa isip niya ang mag-boyfriend until one day nakil...
![She's The One [JaDine]](https://img.wattpad.com/cover/14709424-64-k167988.jpg)