Chapter 47

27.3K 1.2K 292
                                    

Twentieth

--

"Ayaw niya talaga kapag pinaghahanda siya."

Napasimangot ako sa sinabi ni North. Birthday na kasi bukas ni South. Muntik na nga naming makalimutan 'yon dahil sa mga nangyari, eh.

Gusto sana namin na i-celebrate yung twentieth birthday ni Bata ang kaso ayaw naman niya ng gano'n. Hay nako. Hanggang birthday ba naman niya magiging kill joy pa rin siya? "Hindi ba talaga pwede?"

"Pwede naman." Sabi niya kaya napangiti ako. "Kung gusto mong awayin ka niya."

"Kaasar naman!" Palatak ko. Hindi naman talaga ako literal na inaaway ni South dati pero palagi naman niya akong tinatarayan at sinusungitan, minsan naman ini-snob niya ako. Anong bago do'n? Parang inaaway niya pa rin ako.

"Kahit noong nag-debut siya, hindi rin naman pumayag si South na mag-celebrate. Nasa kwarto nga lang siya no'n, eh." Paliwanag ni North. "She dislikes party. She dislikes celebration. Siyempre no'ng bata pa kami, tuwang-tuwa 'yon tuwing may birthday. Pero iba na kasi lalo na kapag lumalaki."

"Hindi naman na 'yon lumaki." I whispered, pertaining to South's height.

"I heard that." Nginisihan niya ako. "Kapag ikaw narinig ni South, sige ka."

"Biro lang, eh." Pagbabawi ko.

Sumandal ako sa sofa. Napatingin ako sa kisame bago ulit lingunin si North. Wala naman siyang ginagawa bukod sa pagkalikot ng phone. "Eh, pa'no 'yan?" Tanong ko. Mas mukha pa akong problemado sa kanya. Pangiti-ngiti lang 'tong babaeng 'to. "North, nakakainis 'yang mukha mo."

Tumawa siya ng malakas kaya inirapan ko siya. "What?"

"Tulungan mo kaya akong mag-isip!"

"Bakit ba kasi aligaga kang mag-isip diyan tungkol sa birthday ng kapatid ko?"

"Gusto ko, eh." Giit ko, "Tsaka ito yung unang birthday niya na kasama ako."

"Oh, tapos?"

Inaasar ba talaga ako ng babaeng 'to?

"Ewan ko sa'yo, North." Napa-face palm ako at buntong-hininga. Mukha namang ayaw ako seryosohin nitong si North, ayaw man lang makisama. "Gusto ko lang naman mag-celebrate siya na kasama ako."

"Celebrate saan?"

Natigilan ako nang marinig yung familiar na boses na 'yon. Naramdaman ko na tumabi siya sa akin, pero may distance pa rin. Napatingin ako sa kanya at napangiwi. Wrong timing naman 'tong si South.

"Ano na?"

"Wala 'yon." Sabi ko habang nanlulumo. Hay. Mukhang walang celebration na mangyayari.

"Gusto raw ni Jade na i-celebrate yung birthday mo."

"North!" Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya pero parang wala lang sa kanya yung reaction ko.

Talagang nagawa pa niyang pagtuunan ng attention yung cellphone niya! Napapadalas na paggamit niya ng phone, ah. Dati display lang, eh.

Sinundan namin siya ni South ng tingin nang tumayo siya habang nangingiti. "Maiwan ko na kayo. May lakad ako, eh."

"Punta mo?"

"Kay Gail. Nag-aaya kumain." Iyon lang yung sinabi niya. Lumapit siya kay Bata at hinalikan ito sa noo then humalik naman siya sa pisngi ko. "You two. Talk."

Wala na akong nagawa nang iwan na niya kami. Ang awkward tuloy. Ano ngayon sasabihin ko rito sa kasama kong ni hindi man lang ako iniimik?

"Why?"

She's Complicated [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon